"Tara na sa school" pag-aaya ni Caliber.Mag simbang gabi na kase pero madaling araw talaga iyon. Abg sabi ng teacher namin dati, December 15 daw ang Christmas party pero nausog at naging December 21. Napagpasyahan namin ni Caliber na magsimba muna bago pumunta sa Christmas party. 7:00am ang umpisa ng Christmas party pero 6:00am pa lang, kakatapos lang ng misa.
"Wait lang, maaga pa kaya!" nasa harap kami ng simbahan at kaunti na lang ang lumalabas. Karamihan ay nasa mga tindahan na ng bibingka, suman at mg puto.
"Eh ano gagawin natin dito?" pumamewang pa siya.
Naka kulay red ako na dress tsaka color peach na wedge sandals. Si Caliber naman naka red na t-shirt at jeans. Sabi niya kase magcolor red kami, edi red.
Medyo naguguluhan nga ako kay Caliber eh. Lagi na lang siyang sumasama sa akin. Kapag nasa school lagi siyang nakatabi sakin, pati sa pagbili sa canteen! Actually nauutusan ko nga siya minsan bumili ng napkin, hindi naman siya nagrereklamo. Bumabait nga ang loko eh, dati binubully ako ngayon siya pa nagtatanggol sa akin. Nung una parang lumalabas yung puso ko pero buti na lang nasanay na.
"Bili muna tayong bicho-bicho" hinawakan niya yung kamay ko papunta sa isang stall.
Dapat magbablush ako dahil sa ginawa niya pero dahil nga sanay na ako, wala ng epekto. Kahit sa harap nila kuya inaakbayan ako eh. Letcheng Zamuel wala na ring pake. Aba! Ang lokang Zabeth kasundo na si Kuya. Actually, maagang umalis si Kuya para sunduin si Zabeth. Oh diba! May pasundo at hatid pa siya.
"Here" inabot niya sa akin ang bicho-bichong binili.
"Favorite namin 'to ni Zamuel eh" naupo kami sa isang bench at doon muna kumain.
"Lagot ka! Pagnarinig ka ng Kuya mo, Zamuel pala ah" nagbibirong sabi niya.
"Shhh, 'wag ka na alang maingay" nagsimula na akong kumain. "Btw, pahiram ako ng satana mo sa first week ng January. Remember yung roleplay natin? Angel ako, wala naman aking dress na white kaya pa arbor naman"
"Uhm...pag-iisipan ko" tumawa siya ng bahagya kaua siniko ko siya.
"Seryoso ako!"
"Seryoso rin ako sayo" sinamaan ko siya ng tingin. Hindi tatalab sakin yang mga linyahan na 'yan. "Oo na oo na"
Sus! Dami pang satsat papayag din naman pala.
***
"Wow! Ang ganda ng nakuha mo!" si Zabeth. Ang cute niya ngayon, hindi halatang lokaret.
"Ha? Yeah?" oversized t-shirt ang nakuha ko. Bawal ipakita yung name kung sino ang nagregalo, well buti na lang nasunod naman iyon. Hindi ako mahilig sa oversized t-shirts pero okay lang din naman sa akin 'yon since puro ganon ang suot ko nung may brace pa ako.
Mahirap na baka sabihin kong ayoko sa gift na iyon tapos nasa likod ko lang pala yung nagbigay. Nagustuhan ko naman yung kulay lang ang hindi, hindi ako mahilig sa color orange.
"Ano nakuha mo?" tiningnan ko ang hawak ni Zabeth at natawa sa hawak niya! Hehe a very very beautiful MUG!
"Hoy! Anong nakakatawa?" hindi ko na kase napigilan ang tawa ko, ang regalo kase na natanggap niya last year mug din.
"Mug 2.0" sabi ko na lang.
"Hindi basta-bastang mug 'toh. Look!" pinakita niya ang design at wow! Personalized, may nakalagay na Elizabeth.
"Nice"
***
"Taas mo ang buhok mo" itinaas ko iyon at isinuot niya sa akin yung necklace na Christmas gift daw niya sa akin.
After Christmas party, dinala ako ni Caliber sa likod ng building namin para ibigay ang regalo niya.
"Bakit naman Amethyst?" Simple lang yung necklace, heart shape ang pendant tapos may mga amethyst.
"Basta" hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan niya ako. "Ayan bagay sayo"
Bahagya niya pang ginulo yung buhok ko.
"Wala akong regalo" diretso kong sambit. Wala naman ng silbi kung magsisinungaling.
"It's okay. I have something to tell you" ang hina ng boses halos bulong na lang iyon.
"Come on Caliber, kinakabahan ako sayo" ngayon lang talaga ako kinabahan ulit. Ano kayang balak ng bwisit na 'to.
"I l-like you" huminto yung hininga ko, parang sasabog yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok.
Hindi ako agad nakagalaw, si Caliber may gusto sa akin? No way.
"Uhm...naririnig mo ba ang sarili mo? Ano sabi mo? G-Gusto mo? Ako?" hindi kapani-paniwala.
"Kinakabahan ako, alam mo 'yon?" tumawa siya ng bahagya. "Hindi ako sure sa feelings ko para sayo."
"What do you mean?"
"Gusto ko lagi kitang kasama, gusto kong nakikita ka minu-mimuto. Naguguluhan ako pero ang alam ko lang I'm happy with you. Your smile, your giggles, your mindset. Nakakabakla pero kinikilig ako kapag magkahawak tayo ng kamay, kapag nakaakbay ako sayo. Gusto lang ba kita o mahal na? Ayokong nakikita na nasasaktan ka at umiiyak. Pikon ako pero kapag ikaw yung nag-aasar, natatawa ako. Stop this cheesy things. Zarielle, I love you" matapos niyang sabihin iyon nagtakip siya ng mukha na parang nahihiya.
"I think I like you too pero baka naman nalilito ka lang, you don't love me" nakakalungkot isipin pero ayokong mahalin niya ako. Baka masaktan lang siya.
"Mahal kita"
"You love playing basketball, ibig sabihin ba no'n mahal mo ako gaya ng paglalaro ng basketball?" maraming meaning ang pagmamahal.
"No, I love you because I love you" nag-smile lang ako. "Alam kong nakakagulat but if you don't feel the same way, it's okay"
"I don't know what to say" yumuko ako. "Straight to the point na nga. Anong gusto mo?"
"Ikaw" sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto kitang ligawan—"
"Ligawan mo ako pero hindi kita sasagutin hanggat hindi pa ako gumagraduate ng highschool" nanlaki ang mata niya at agad akong niyakap.
"Thank you!"
"Hep! Stop hugging me" umalis siya sa pagkakayakap at sinundot-sundot ang bewang ko. Bwisit nangingiliti na naman.
"Ayieee ikaw ha crush mo pala ako!" hindi pa rin siya tumitigil kaya todo iwas at hawi ako sa kamay niya.
"Stop na! Loko ka talaga. Tama na please" tinigilan naman niya ako. Inirapan ko siya at lumakad na pa alis.
"Hey! Hintay" humabol siya sa akin at sumabay sa paglalakad.
"Sinabi mo na ha, wala ng bawian. Liligawan na kita"
"Heh! Magpaalam ka muna kay Kuya!" ngumisi ako.
"Already done" pagmamayabang niya. Napapayag niya si Kuya?!
"Anong sinuhol mo sa kanya?!"
"Secret"
"Tsk tsk kaya pala lagi kang sumasama sa amin ni Zabeth tapos nagagalit kapag may nang-aasar sa akin. Tapos nililibre ako. Dati iritang-irita sa akin tapos ngayon mahal ako ni Caliber." pang-aasar ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
I love you too Caliber pero secret muna, bawal pa akong magboyfriend.
BINABASA MO ANG
You Are My Amethyst (Completed)
Novela JuvenilAko si Zarielle Tayne Guardian, a normal student pero may kakaiba sa akin. Simula ng malaman namin ang sakit ko, nagbago ang lahat. Biktima ako ng bullying. Pero dahil din doon may nakilala akong dalawang tao na handang damayan ako. Si Caliber at si...