CHAPTER 15

14 6 0
                                    


Kakaumpisa pa lang ng pinapanood ko ay nagring agad ang cellphone ko.

"Hello?"

"Zarielle!" si Zabeth pala.

"Pinayagan ka?" bungad kong tanong.

"Hindi eh, next time na lang daw"

"Ah ganon ba? Sige ingat ka bye" nahihimigan ang pagkalungkot sa boses ko.

"Oo eh, babye!" pinatay niya ang phone.

Awts bahala na nga, ang mahalaga kumakain ako. Wala pang dalawang subo ay may kumatok nasa pinto ko. Sinong peste ang kakatok sa kwarto ko!? Ay baka si Mommy!

"Mommy bakit—" binuksan ko ang pinto at napahinto ako sa pagsasalita dahil hindi pala si Mommy iyon. "H-Hoy anong...anong ginagawa mo!?"

"Ito pala ang kwarto mo" nilibot ni Caliber ang buong kwarto ko, pati study table ko tingnan.

Ang gulo ng room ko!

"Labas! Sabi ko lumabas ka!" Binuksan ko ang door, yung sagad na bukas ah.

"Grabe ka naman magpalayas, kabang kaba? Wala akong balak sayo" lumabas siya at sinara ko ang pinto pero pinigilan niya iyon.

"Nasa baba pala si Zabeth, hinihintay ka" nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong pumunta sa baba.

Akala ko ba hindi siya pupunta? Wahh pinagtripan na naman ako ni Zabeth, it's a prank na naman!

"ZABETH!" Sigaw ko at tumakbo papalapit sa kanya. Niyakap ko siya nung nasa harap ko na.

"Makawelcome wagas, 'ano ako? Long lost sister mo? Parang hindi tayo magkasama kanina" kumalas ako sa pagkakayakap.

"Bwiset ka, akala ko di ka pinayagan" hinawakan ko siya sa braso at dinala sa taas.

"Para hindi ka mag-expect, surprise" daming alam ng babae na 'to.

Nasa taas na kami ng maalala ko na hindi ko pa siya napapakain. Hinatak ko siya pababa ng hagdan.

"Oh bakit tayo bababa?"

"Kumuha ka muna ng pagkain tapos sa taas na lang tayo" tumango siya at pumunta na kami sa kusina. "Ay! Diretso ka na sa taas, ibaba mo ang gamit mo"

"Hindi na, ikaw na lang maghawak ng pagkain ko" tamad talaga ng babae na ito. Palibhasa anak mayaman.

"Yaya! Kumain na kayo? Kain na" inaya ko yung isang yaya na nakita ko malapit sa kusina.

"Sige nak mamaya kapag tapos na kayong kumain" tumango ako at kumuha na ng pagkain ni Zabeth.

"Shanghai? Gusto mo? Rice?" Nilagay ko lahat ng gusto niya at umakyat na kami.

Kumain lang kami ng kumain at nanood ng barbie. Buti na lang mahilig din siya sa Barbie, kaya kami magkasundo ih.

"Ako yung kumakanta" yung color violet.

"Ako si Barbie" yung nakapink. Kanina pa kami nanonood, iba-iba.

Matapos naming kumain ay pinababa ko sa isang yaya ang mga pinagkainan namin.

"Thank you po" sabi ni Zabeth.

Nilabas ko yung mga stickers at iba't ibang collection ko ng Barbie. Mga stationary na Barbie ang design, ballpens tsaka iba pa.   Bata pa ako nung nagpabili ako, hindi ko alam kung ano nakain namin para mag-isip bata kami ni Zabeth. Nilabas ko rin yung mga Barbie dolls ko, marami yon. May mga kambal, triplets, sirena, popstar etc...

"Dapat nagpabili rin ako kay Daddy nung bata ako" hindi raw kase siya nagpabili. Ang pinabili niya is mismong damit ng mga Barbie. Ayaw niya ng dolls. Marami daw siyang gown ng Barbie tsaka iba't ibang princess tapos ngayon pinagsisisihan niya. Hindi na niya masuot kase malaki na raw siya.

"Edi bumili ka ngayon" suggest ko.

"Next time, gusto ko bumili ng bagong damit eh. Yung bagong labas ng Gucci" dami talagang gusto ng babae na'to.

"Dami mong gusto, di ka naman mahal" pang-aasar ko.

"Dami mong sat-sat akala ko ba sa gusto lang ang topic panong naging mahal agad!? Bakit mahal ka ba?" Kinuha niya yung isang barbie tas pinanduro sa akin yung paa kaya ginaya ko siya.

"Hindi wala naman akong crush!"

"Eh ano tawag mo kay Caliber? Yieeee masabi nga kay Caliber" bumaba siya sa kama at dumiretso sa pinto.

"Woi anong gagawin mo?!" Hinabol ko siya.

Nung nasa hagdan kami nakita namin sa sala ang mga lalaki. Nako! Maingay ang babae na 'to.

"CALIBER—" tinakpan ko ang bunganga ni Zabeth bago pa niya masabi.

"Ano yon? Wag mo takpan bibig niya"

"Walaaaaaa" hinatak ko si Zabeth habang nakahawak sa bibig niya.

"Swizwarwyelkwashwa" napakadaldal buti na lang naagapan agad.

"Ikaw napaka-ingay mo!" Bulong ko sa kanya pero may halong panggigigil.

"Torpe niyo pareho, halata namang gusto ang isa't isa" inirapan pa ako ng gaga.

"You're just giving me false hope" tinalikuran ko siya at umakyat na sa taas. Inayos ko na rin ang mga gamit ko na nakalabas.

"Zarielle" tawag ni Zabeth pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Zarrrrrrri notice me!"

"Zari naman"

"Bakit ba hindi mo ako pinapansin? Bakit ba galit ka sakin?"

Oo nga, bakit nga ba ako nagagalit sa kanya? Wala naman dapat ikagalit ah. Humiga na ako sa kama at ganon din ang ginawa niya, nagtalukbong ako ng comforter at humarap sa dingding.

"Okay Zarielle, I'm sorry sa nangyari kanina. I'm sorry sa ginawa ko pero ang ipinagtataka ko bakit ka nagalit? I mean tinutukso lang naman kita—" napahinto siya nang may mapagtanto.

Patay

"Shhh matulog ka na. Apology accepted"

"May gusto ka talaga kay—"

"Nyenyenyenyenyenyenye hashushsushushushus good night!" Kinuha ko ang unan ko at tinakpan ang tenga paea hindi na marinig pa ang sinasabi nitong katabi ko.

Pero kahit anong takip ko naririnig ko pa rin siya. Niyuyugyog din niya ang balikat ko kaya wala na akong nagawa kundi ang tumayo at harapin siya.

"Fine! I do like him" sabi ko sabay balibag ng unan sa kanya.

"S-Seryoso?" Nanlalaki ang mga mata niya, tarsier.

"Oo nga, pinilit mo akong umamin tapos ngayon hindi ka maniniwala" umirap ako at akmang babalik na sa pagkakahiga nang bigla bigla niya ang hatakin patayo at tumalon ng tumalon.

"Woi! Loka ayoko na yung likod ko" daing ko kaya napatigil siya sa pagtalon at inalalayan pa akong umupo.

"Sorry na-excite lang" umupo siya sa harap ko. "Bakit? Uhm paano? Seryoso ba talaga? Kase para kayong aso't pusa tapos may gusto ka pala sa kanya"

Nagseryoso na siya.

"Yes, gusto ko siya. Gustong-gusto pero syempre bawal mag-assume. Pag nag-expect ka, mas masakit."

You Are My Amethyst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon