CHAPTER 3

20 8 1
                                    


Dahil walang teacher napag-isipan ko na lumabas muna ng classroom. 5 lang kaming pumasok. Si president, ako, si Claire, si Larkin at si Wrey. Lumabas yung dalawa kaya tatlo na lang kami, magkausap naman si president at Larkin. Bakit napaka-init ngayon? Pero ang tahimik kase konti lang ang pumasok na grade 10.

Lumabas ako ng pinto at naglakad papuntang kanan sa may papuntang hagdan. Pag-akyat ko nakita ko si Wrey na nakaupo at nakadukdok sa tuhod niya. Nilapitan ko siya, baka may problema siya.

"Wrey" tawag ko at umupo sa gilid niya nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Bakit ka nandito?" tanong niya.

"Boring sa classroom eh. Ikaw? Bakit ka nandito?" lumapit pa ako lalo sa kanya.

"Gusto ko lang mapag-isa" medyo nahiya ako doon kaya feeling ko kailangan ko ng umalis, tatayo na dapat ako kaso pinigilan niya ako.

Umupo ako sa tabi niya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Matagal ko na siyang kaibigan, akala nila crush ko si Wrey pero kaibigan ko siya, hindi kami magkasama lagi pero kapag may problema siya, sa akin niya sinasabi lagi.

"Si Mama kase, tuluyan na siyang umalis sa bahay" nakadiretso ang tingin niya.

"Iniwan na niya ako, ang hirap. Mabuti na lang isang anak lang ako. Paano kung may kapatid ako? Hindi ko siya kayang buhayin mag-isa. Walang kwenta kase magulang ko" napahilamos siya ng mukha, at hinilot ang sintido.

"Makakaya mo yan—Aray ano ba!?" napatayo ako dahil may humatak sa akin, ang sakit kaya. Magpapasa na naman katawan ko. "Bitiwan mo ako Caliber!"

"I'm s-sorry" sabi niya at binitawan na ako. "I'm sorry about sa kahapon. Sorry"

Yumuko siya, aba kelan pa natuto yung mokong na'to magsorry? Ako ba ang nagturo? Napangiti ako, hindi ko mapigilan.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Tanong niya at nagsalubong ang kilay. "Huwag mo nga akong tawanan"

"Hindi kita tinatawanan, masaya lang ako. Napatawad na kita kahit hindi ka magsabi ng sorry" tinapik ko ang braso niya ng dalawang beses at ibinaba ko na ulit ang kamay ko.

"Syempre papatawarin mo talaga ang crush mo"

"Ang kapal mo, hindi kita crush. Ginawa ko iyon para sa sarili ko hindi pa sayo" tinalikuran ko siya at dumiretso sa canteen. Ano ba masarap na kainin?

Naghanap lang ako ng kung anong pwedeng kainin at gumala-gala na sa school. Bukas pala ay Thursday kailangan tapos sa friday dapat naka p.e. uniform. Umikot-ikot lang ako sa campus dahil wala namang klase. Nakakabored, ano kayang pwedeng gawin? Bumalik ako sa classroom para kumuha ng bondpaper and pencils. Parang nasa mood ako magdrawing.

"Saan ka pupunta?" Aalis na kase ulit ako dala ang mga drawing materials.

"Sa likod ng building" maganda kase don may mga puno tapos ang peaceful.

"Sama ako" nagtaka ako pero tumango din naman ako.

Tahimik kaming naglakad papuntang likod ng building. May malaking puno doon kaya dun ako umupo pero pinatayo niya ulit ako. "Bakit?"

Inilapag niya ang panyo at pinaupo na ulit ako. Ang arte, parang siya yung madudumihan. Inumpisahan ko na ang pagdradrawing. Ang gagawin ko is may lalaking nakatalikod tapos nakatingin siya sa langit, dito sa likod ng building siya nakatayo. Natapos ko na ang drawing pero hindi pa rin nagsasalita ang katabi ko. Tiningnan ko ulit ang drawing ko at nakukulangan ako. Dinagdagan ko ito ng babae na nakakayakap sa kanya kaso hindi ko na natapos kase nag-aya na si Caliber na umalis. Nagmukha tuloy multong nakakapit.

You Are My Amethyst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon