Hindi ako nakapasok noong huwebes dahil hindi pa rin ako nakakatayo. Nag-text ako kay Caliber kung bakit hindi ako nakapasok, gusto pa nga niyang dalawin ako pero nakumbinsi ko naman siya na huwag na dahil magkikita naman kami kinabukasan. Nakapasok na ako nung friday kase hindi ko na naramdaman yung sakit. Nagpacheck up na rin ako noong linggo."Babye, ingat sa byahe!" Kumaway ako at isinara ang pinto ng kotse niya.
Kagaya ng dati, hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang kotse niya bago ako pumasok sa loob. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin si Mommy pero nagdirediretso ako sa taas. Habang papaakyat ako sa hagdan bigla siyang nagsalita.
"Ano ng balak mo? Anong desisyon mo?" simula ng magpacheck up ako, iyan na lagi ang tanong niya. Alam kong nag-aalala siya pero mahirap din para sa akin iyon.
"Mommy, nanghingi ako ng oras sa inyo. Please 'wag muna nating pag-usapan ngayon" pinagoatuloy ko ang pag-akyat sa hagdan.
Lagi na lang niya akong tinatanong about sa plano ko at lagi ko rin sinasabing ayoko munang pag-usapan ang tungkol doon.
Nung nagpa-check up ako, sina i ng doctor na medyo lumala ang sakit pero hindi naman sobrang lala. Pwede daw na hindi ako magpa-opera pero maganda rin kapag nagpa-opera. Mataas naman ang chance na mag-success ang operasyon pero hindi ko pa rin maiwasang mag-overthink. Paano kapag nagka-malpractice na maganap? Paano kapag may namali? Mamatay ba ako? Makikita ko pa ba ang mga kaklase, teacher at kaibigan ko? Ang pamilya ko? Mahirap magdesisyon. Pwede naman na hindi ako magpa-opera pero pinipilit ako nila Mommy dahil nag-aalala daw sila. Hindi ko pa rin nasasabi kay Zabeth at Caliber ang tungkol sa check up ko. Hindi ko rin makausap si Kuya kase iniinsists din niya na magpa-opera ako. Nakakastresss kaya, sakit sa ulo.
***
Pinagmamasdan ko ngayon ang mga kaklase kong nakatayo at nagpa-practice ng sayaw. Malapit na nga kase ang prom kaya ayan, nagsasayaw sila. Nakalagay sa gilid ang mga upuan at nasa gitna sila at nagsasayaw. Natatawa ako sa kanila kase kanina pa sila reklamo ng reklamo, nagkakaapakan sila ng paa.
"Halika na kase, sayaw tayo" mukhang masaya nga ang ginagawa nila kaya inabot ko ang kamay ni Caliber at nagsayaw na rin sa gitna.
Tumugtog na ulit ang music at sumayaw na sa harap ang teacher namin at isang kaklase ko. Sila ang nagtuturo sa amin. Kabisado ko naman na yung steps kase pinapanood ko sila palagi.
"Sumama ka na kase" hindi ko alam kung pang-ilang beses na nila akong inaya.
Dati nagpagdesisyunan kong sumali na kaso nga dahil sa sinabi ng doctor mas napagtibay yung plano ko na 'wag na lang. Nakakalungkot nga eh, gusto ko talaga kaso baka may mangyaring masama.
"Ayoko nga, mas masaya matulog" tumawa ako ng bahagya para kunwari okay lang sa akin. Sumibangot siya, kakyut.
"Edi si Zabeth na ang kapartner ko?" tanong niya at tumango ako.
"Oo, yun yung sabi ni Kuya. Bantayan mo raw, 'wag mo daw palapitan sa mga lalaki na hindi niyo kilala. Kung kaklase at kaibigan daw ni Zabeth pwede pero pag iba daw 'wag" yan ang sinabi sa akin ni Kuya. May sarili kase silang prom at bawal silang pumasok sa prom ng junior. Sinabi ko na mag-gate crash na lang sila pero ayaw niya, masunuring bata raw kase siya. Nung sinabi niya iyon, napa-iling na lang ako.
"Kung hindi ko lang talaga magiging future brother in law hindi ko siya susundin." loko talaga.
Naging maayos naman ang pagsasayaw namin pero ang pagsasayaw ng iba hindi. Yung isa hawak-hawak ang upuan at iyon ang kasayaw, wala kase siyang kapartner. Tapos yung ibang babae nakipagpartner sa babae rin.
"Tara sa canteen kain tayo"
"Ikaw na lang, tinatamad akong lumabas ng room" tumango naman siya at lumabas ng room.
"Zarielle!" napalingon ako sa kaklase kong tumabi sa akin, si Claire.
"Bakit? Kailangan mo?"
"Naalala mo yung kinwento ko sayo nung isang araw" sa akin ba talaga siya nagkwento? Hindi ko maalala eh.
"Basta yung crush ko sa kabilang building, napansin na ako" feel ko hindi talaga sita nagkwento sa akin, gusto lang niyang mang-inggit.
"Ahh good for you. Yung satana ng crush ko nasuot ko" alam niya kaseng sakristan ang crush ko pero hindi niya alam na si Caliber iyon.
"Babalitaan kita kapag nililigawan na ako ha" tumayo siya at tumalon-talon habang lumalabas ng room, halatang good mood eh.
***
"Hoy Zarielle bakit nakaputi ka?" tanong ni Zabeth sa akin.
"Eh ikaw? Bakit nakablack ka?"
"Well" nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang ibig sabihin niya.
February 14 ngayon at may mga hinanda silang achuchu. Mga bitter ata ang mga SSG officers. Naglabas kase sila ng list ng kulay at katumbas na meaning kapag iyon ang kulay na isinuot.
Red-single
Black-in a relationship
Grey-single but unavailable
Yellow-it's complicated
Blue-friend zoned
White-study first
Violet-bitter/hindi pa nakakamove onOh diba! Ang gara ng listahan nila.
"Kayo na ni Kuya?!" gulat na tanong ko at tumango lang siya. Hanep ang galing.
"Bakit pa patatagalin eh pareho naman naming gusto ang isa't isa diba" napailing na lang ako.
"Patay na patay ka sa kapatid ko no? Kapag pinaiyak ka no'n patay rin siya sakin"
"Hoy! Mabait kaya ang Kuya mo, ikaw ang hindi"
"Babe tara na" nagulat ako ng biglang umakbay si Kuya kay Zabeth. Jusme hindi ko alam kung bakit lagi akong nagugulat, aatakihin ata ako sa puso sa mga nalalaman ko.
"Babye na Zari" inartehan pa niya ang pagkaway sa akin.
Nanatili lang akong nakatayo sa labas ng classroom kase hindi ko naman alam ang gagawin ko orr kung saan ako pupunta.
"Study first daw, yuck" napalingon ako sa likodan ko at nakita si Caliber na naka kulay Grey.
"Sabi na 'yan magiging reaksyon mo eh" tinanggal ko ang white hoody kong suot, lumapit naman siya kaagad para hawakan ang damit ko sa loob kase baka masama sa mahuhubad ko.
"Oh ayan okay ka na?" tanong ko, pareho na kaming naka-color Grey ngayon.
"Dami mong alam" mahina soyang tumawa at hinawakanang kamay ko.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko agad.
"Sa loob lang ng room" pumunta nga kami sa loob ng room at nakita kong may nakalagay na roses sa upuan ko.
"Happy Valentine's Day"
BINABASA MO ANG
You Are My Amethyst (Completed)
Novela JuvenilAko si Zarielle Tayne Guardian, a normal student pero may kakaiba sa akin. Simula ng malaman namin ang sakit ko, nagbago ang lahat. Biktima ako ng bullying. Pero dahil din doon may nakilala akong dalawang tao na handang damayan ako. Si Caliber at si...