Simula nung niligtas ko si Krisden, nagsimula na siyang umaligid sa akin. Gusto daw niya akong maging kaibigan, well okay lang naman sa akin. Nanalo sila, nag-second sila Kuya kaya nag-celebrate sila. Syempre sa bahay na naman.Nagseselos pa nga si Zabeth kase madaming nagpa-picture kay Zamuel, gusto na daw niyang sabunutan! Loka-loka talaga. Speaking of selos, nagseselos din pala siya kay Krisden kase lagi ko raw kasama parang siya na raw ang naging best friend ko, pinagpalit ko na raw siya. Sabi ko hindi naman sa ganoon, siya pa rin naman yung best friend ko. Tumawa lang siya at sinabing biro lang daw. Minsan ang biro may bahid na katotohanan kaya hanggat maaari gusto kong pareho silang sinasamahan. Mabait silang dalawa, kung tatanungin kung sino mas angat syempre si Zabeth pa rin pero kung tatanungin ako sa harap nilang dalawa hindi ako sasagot. Hindi pagiging plastic ang tawag doon, ayoko lang may masaktan sa kanilang dalawa and wala rin tayong karapatan pagkumparahin sila kase magkaibang-magkaiba sila at may kanya-kanyang magandang part.
"Akyat na lahat para makapunta na tayo sa paroroonan" sabi ni Manong Konduktor.
Field trip namin ngayon! Ang astig, ang bilis ng oras. Pagkatapos nito Christmas party na.
"Hey!" narinig ko ang malakas na boses ni Krisden. Magkaiba kami ng bus na sinakyan pero gusto niya sa amin sumama kaya kapag humihinto yung bus sa amin siya sumasama.
"Hey" sagot ko pabalik at kinawayan siya. Ngumiti lang si Zabeth sa kanya.
Kumapit siya sa braso ko at naglakad na kami papunta sa drop tower. Iyon kase ang usapan naming tatlo.
Ilang minuto rin kaming pumila at sa wakas nakaupo na kami at inaayos ang upuan namin para hindi kami mahulog. Kinakabahan ako.
"Zarielle, kapag ako namatay pakisabi sa Kuya mo mahal na mahal ko siya" pumikit siya at hinawakan ang kanang kamay ko, mahigpit yung hawak niya.
"Ama namin sumasalangit ka" nagulat naman ako dahil biglang nagdasal si Krisden.
Grabe na sila, hindi naman sana kami mapahamak nito.
Nagsimula nang tumaas ang sinasakyan namin at lalo nilang piniga ang kamay ko. This time ako na ang natatakot, nakapikit ang mata nila at hindi nagsasalita.
"Nakikita ko na si San Pedro, pinapaikot pa niya yung susi sa kamay niya" sabi ko naman.
Nagmulat ng mata si Zabeth at alam kong may entry rin siya.
"Zarielle nakikita ko na yung langit, humahati na sila sa gitna. Tinatawag ang pangalan ko" hindi na namin napigilan ang pagtawa.
Nagtawanan kami nang nagtawanan at natigil na lang kami ng biglang huminto. Shems! Ang taas na namin.
"Hindi na ako nagbibiro, pagnamatay ako pakisabi sa tatay ko na mahal na mahal ko siya" si Zabeth.
"Ako naman ate Zarielle, kapag namatay ako ngayon, pakisabi kay Mommy mag-iingat siya everyday" si Krisden.
"Eh paano naman kapag—WAHHHHHHH" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang bumaba na ito. "AKO ANG NAMATAYYYYYYYYY"
Ang bilis ng pangyayari, hindi ko alam kung paano ko ieexplain pero basta nakakahilo na nakakasuka na nakakatakot. Basta hindi na ako uulit!
Naramdaman kong nasa baba na kami pero hindi ko alam kung kaya kong tumayo.
"Miss okay ka lang?" natauhan lang ako nung tinawag na ako ni Kuyang nag-a-assist.
"Si Zarielle iniwan ng kaluluwa" tawa nang tawa si Zabeth. Nakaalis na pala silang dalawa sa upuan.
"Ate Zarielle mukha kang nakakita ng multo!" nakahawak pa sa tiyan si Krisden sa kakatawa.
BINABASA MO ANG
You Are My Amethyst (Completed)
Novela JuvenilAko si Zarielle Tayne Guardian, a normal student pero may kakaiba sa akin. Simula ng malaman namin ang sakit ko, nagbago ang lahat. Biktima ako ng bullying. Pero dahil din doon may nakilala akong dalawang tao na handang damayan ako. Si Caliber at si...