CHAPTER 28

19 6 0
                                    


"Yes, I'm really sure" sagot ko.

Ito na ang sagot ko, magpapa-opera ako pero after pa ng prom. Hindi ko alam pero basta napagpasyahan kong magpa-opera. Think positive, magiging maayos naman siguro ang operasyon diba?

Hindi ka sigurado self...

Pero basta nasabi ko na eh, babawiin ko pa ba.

"Pero after pa ng prom Mommy. Huwag niyo din ipapaalam kahit kanino please kahit kay Zabeth" tumango lang si Daddy at Mommy.

"So kasama ako sa pag-alis niyo?" tanong ni Kuya na parang ayaw sa ideyang iyon.

"Iyon ang kailangan baka ikalat mo eh" sabi ni Daddy.

"Paano yung pag-aaral ko?" wews si Zamuel Taype Guardian nag-aalala about sa academics?

"3 weeks to one month lang naman iyon eh pero kung gusto mo 2 weeks ka lang lumiban" paliwanag ni Mommy.

"Sige na nga para sa kapatid ko naman 'yon eh" tinunggo niya ako ng marahan at binulongan "malakas ka sakin"

"So after ng prom absent ako ng one week bago ang operation para sa paghahanda tapos 2 weeks and up ang pahinga after operation" pagsa-summarize ko.

"Yes" sabi naman ni Mommy tumango lang ang dalawang lalaki "ako na bahalang magpaalam sa teacher mo"

"Sasama na ako Mommy"

***

Zabeth:

Nasa sasakyan na ako ni Caliber

Zarielle:

Ingat kayo. Enjoy your prom night! Sayaw all you can.

Zabeth:

Hindi kase sumama. Sama ka na dali!

Zarielle:

Hindi ako nakapagbayad sa foods

Zabeth:

Awws sige babush!

Nandito lang ako sa kwarto at nakatingin sa kisame. Ang boring dito sa bahay. Pwede kaya ako pumunta doon? Eh paano 'yon hindi ako nakapagbayad? Tsaka yung susuotin ko? 'wag na nga lang.

Ipinikit ko ang mata ko kahit mag-aalas syete pa lang ng gabi. Kanina pa ako kumain at nagpaalam agad akong aakyat na at matutulog. Wala naman si Mommy at Daddy kase may business meeting daw sila, biglaan. Si Kuya kasama ata ang mga tropa niya nag-inuman. So sila Yaya lang ang kasama ko, pumapasok naman na agad sila sa kwarto nila pagkatapos magligpit at maghugas ng plato.

Hindi ako makatulog kahit anong position ang gawin ko. Nahagip ng paningin ko ang paper bag kung saan nakalagay ang brace ko, shems! Nandoon din yung gown na ginamit ko nung intrams. Nabuhay ang ang lahat ng organs ko at agad na kinuha ang paper bag.

"Hindi naman siguro nadumihan masyado ang gown na ito" bulong ko sa sarili ko.

Agad ko itong isinuot at kumuha ng pin heels sa shoe rack ko. Nang matapos akong magbihis, kinuha ko ang wallet ko at buti na lang may pera akong naitabi. Paglabas ko ng room ay walang katao-tao, pati ang ilaw ay patay na. Dahan-dahan akong pumunta sa back door at doon dumaan. Buti may susi ako ng buong bahay. Inunlock ko na rin ang maliit na gate at doon dumaan. Ni-lock ko ulit syempre para hindi halatang may lumabas. Dahil medyo maaga pa, nakapara agad ako ng taxi. Sinabi ko kay Manong kung saan ako pupunta. Ilang minuto pa ay nakarating na ako, agad ko namang binigay ang bayad.

"Anong pangalan, grade at section mo?" tanong ng guard at may hawak na notebook. Nandoon ata nakalista lahat ng mga kasama sa prom.

"Wala pa yung name ko dyan. Naisipan ko lang po na pumunta ngayon" paliwanag ko agad. Wala na rin naman ng kwenta kapag nagsinungaling ako.

"Maglagay ka ng pangalan mo rito para makapasok ka kaso kailangan mong magbayad sa loob para sa pagkain" tumango ako at kinuha sa kanya ang notebook at ballpen. Matapos kong mag-log ay pinapasok na ako.

Malawak ang venue halos hindi ko na makita ang mga kaklase ko. Naglakad-lakad muna ako para hanapin sila. Ang gaganda ng suot nila ngayon. May mga nagsasayaw na sa gitna pero wala doon sina Caliber at Zabeth.  Wala pang nakapapansin sa akin kase busy silang lahat.

"Bakit ka nandito? Akala ko ba hindi ka pupunta?" nagulatako sa nagsalita sa tabi ko, si Caliber!

"Change of plans" tanging nasabi ko.

"May I have this dance?" naglahad siya ng kamay at kinuha ko naman iyon.

Pumunta kami sa gitna at nagsayaw. Nakita ko rij si Zabeth na papunta sa dance floor kasama si Wrey. Pati si Diver at Miraki ay nagsasayaw na ngayon!

"Shems huli na ba ako sa balita? Anong meron kay Miraki at Diver?" tanong ko habang nakangiti ng todo.

"Mamaya natin malalaman" so hindi pa rin niya alam.

"Hindi ako nagpaalam kaya bawal ako dito ng matagal" baka kase pagstayin pa ako tapos mahuhuli ako ni Kuya na wala sa kwarto, disaster 'yon!

"Alam ko" inilagay niya ang baba niya sa ibabaw ng ulo ko at mas hinapit niya ang bewang ko papunta sa kanya. "Stay still"

"Caliber..."

"Shh...always remember I love you Zarielle Tayne Guardian"

"You are my entire existence, Caliber Raccini"

"Another way of saying I love you ba 'yan?" narinig ko siyang tumawa ng mahina. Yes Caliber, yes.

"Oy mag-iingat ka lagi ah tapos always smile ang be strong" alam kong malayo sa topic pero gusto kong sabihin iyon sa kanya kase baka hindi ko na iyon masabi pagkatapos nito. Good thing hindi na siya nagsalita pa.

Ganon ang posisyon naming dalawa hanggang sa matapos ang kanta. Lahat kami ay umupo sa isang table at buti na lang sobra ng isang upuan kaya may naupuan pa ako na katabi nila.

"Woah! Bakit nandito ka?" agad na sabi ni Zabeth nung makita niya na nandon ako sa table nila.

"Hala oo nga no. Buti nakahabol ka?" si Diver.

"Gagi nag-gate crash ka?" tanong naman ni Miraki.

"Huwag niyo aking tadtadin ng tanong. Ako nga dapat ang magtanong eh, bakit kayo nagsayaw kanina? Paanong nangyari iyon eh kulang na lang magpatayan na kayo" nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bewang.

"Papatayin ko talaga 'yan" sabi ni agad ni Diver.

"Siya kaya ang nag-ayang magsayaw!" malakas na sabi ni Miraki kaya halos hindi narinig ang sinabi na kasunod ni Diver. Katabi ko siya kaya alam narinig ko, papatayin sa pagmamahal daw.

Ang hirap naman ng kalagayan ko, ako lang ang nakarinig, mag-isa tuloy akong kinikilig.

"Caliber, aalis na ako ah" tumayo ako at nagpaalam na sa mga kasama ko. Naintindihan naman nila ang ginawa kong pagtakas kaya nagbabye na rin sila sa akin.

"Huwag mo na akong ihatid, enjoy mo ito. Isayaw mo si Claire, nakita ko yung tinuturo niyang crush may kasayaw na iba" ay nako, wasak na naman ang puso ng isang 'yon.

"Ayoko nga" aba kinontra ata ako ngayon ah.

"Bilis na kase, broken na naman 'yon. Balita ko crush ka niya dati" grade 7 ata iyon, di ko na maalala eh.

"Sige na nga sabi mo eh" umiling-iling pa siya. Hinatid niya ako hanggang sa pintuan.

"Babye" bigla niya aking hinalikan sa noo kaya nagulat ako, agad naman siyang tumakbo. Tsk, tsk para-paraan.

You Are My Amethyst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon