"Kuya Huwag kang makulit, kapag sinabi kong ayoko, ayoko period."Ang aga-aga kase pinapapasok ako, eh ayoko ngang pumasok. Sa kabila ba naman ng nangyari, ayoko na muna. Puro kahihiyan ang nangyari sa akin kahapon. Ni hindi ko nga naramdaman ang salitang saya nung mga oras na iyon. Burado na sa social media ang video at nagpost na rin si Caliber about sa allergy achuchu ko. Nakamove on na rin ako sa nangyari. Ayoko lang talaga munang pumasok.
Naaawa ako sa sarili ko. Masyado akong mapagpatawad. Napatawad ko siya at si Allie pero ayoko naman na sabihin agad sa kanila iyon. Nakakawalang gana na kase, lagi na lang ba ako ang magpapatawad. Ako na lang ba lagi ang mag-aadjust at iintindi sa kanila. Hindi rin naman sila nasuspend. Parang wala lang ang nangyari, nalaman na rin ng teacher ang dahilan ko. Hindi naman sobrang nasaktan ang pusa kase inuwi ni Kuya iyon at inalagaan, nasa kwarto lang niya lagi kaya hindi ako nakakapasok sa kwarto niya.
"Zarielle, okay na nga ang lahat" sigaw niya mula sa labas ng pinto. Umuwi rin ako kaagad kahapon at dala-dala ni Kuya ang paperbag nasa ilalim no'n ang brace ko. Nilagay ko rin ang gown ko sa paper bag na iyon at hindi ko na susuotin kahit kelan ang brace na iyon.
Matagal ko ng suot pero walang nangyayari, sumasakit lang lalo ang katawan ko at nagpapasa kaya napagdesisyunan ko na 'wag na munang isuot. Sinabi ko rin kay Mommy na kaya ko naman at hindi na sumasakit ang likod ko kaya pumayag siya.
"Zarielle papupuntahin ko si Zabeth dito sige ka!" Aba!
"Oo na! Oo na!" sigaw ko at bumangon na. Nakita ko ang mata ko, grabe ang eye bags.
Naligo ako ng mabilis at nagsuot lang ng tank top na white at maong pants. Tsaka stilettos na puti. Lumabas ako ng kwarto at nagulat si Zamuel sa suot ko.
"Suotin mo ang brace mo" utos niya. Umiling lang ako at natawa.
"Nagpaalam ako kay Mommy wag ka mag-alala" napa 'ahh' na lang siya at lumabas na kami.
"Kain muna tayo or doon na lang?" Tanong ko.
"Doon na lang, maraming pagkain doon" sabi niya kaya sinunod ko na lang.
Ilang minuto ang byahe at nakarating na kami, dumiretso din ako sa room namin. Hindi na ako pinagtitinginan ng tao, actually ngumingiti pa nga sila eh. Tama lang, baka mabatukan ko si Caliber kapag nagkataon.
"ZARIELLEEEEE—" Tawag ni Zabeth ng dumating ako pero nahinto iyon ng mapansin ang suot ko.
"Yung bakal?" Napatawa ako.
"Wala na" yon na lang ang sabi ko at nakita kong natuwa siya.
"Mabuti!" Hinatak niya ako papuntang court. "Nood tayo ng basketball!" Sabi niya.
"Hindi pa ako kumakain" pagkasabi ko noon ay hinatak niya naman ako papuntang Canteen.
Libre daw niya kaya siya na rin ang pinapili ko kung anong pagkain na kakainin. Bumili lang siya ng rice at hotdog tsaka eggs at cholate drink para sa inumin.
"Mauuhaw din tayo, matamis binili mong inumin" sabi ko kaya agad siyang tumayo para bunili ng mineral water na nakalagay sa bottle. Dalawa ang binili niya.
Grabe naman! Anong nakain at ang bait niya sa akin ngayon. Sana hindi iyon dahil sa awa.
"Tangek! Nautusan lang ako noe" sabi niya.
"Ha?"
"Sabi ni Caliber alagaan daw kita at ayusin ang trato ko sayo" aba! Nakuha pa ng loko magbilin sa iba eh siya nga dapat ang magtrato sa akin ng tama.
"Btw, anong meron sa inyo ni Caliber? Parang close kayo?" Pang-uusisa ko.
"Ahh 'yon ba? Pinsan ko yan eh. I mean parang ganon kase diba may kapatid ako sa labas tapos tita ni Caliber ang nanay na parang nanay na rin ang turing ko"
"Oh talaga ba?" Di ako makapaniwala, kaya pala."Bat ngayon mo lang sinabi?"
"Tss, nung nakaraang linggo ko lang din nalaman. Nandun siya tapos nagkataon na nandoon ako sa tita niya, basta ganon" sabi niya sabay sumpak sa kinakain.
"Hinay hinay, mabulunan"
Matapos namin kumain ay nagpunta kamisa court para manood ng basketball kaso ang boring kaya naglibot-libot kami, nakaapak panga ng spot si Zabeth buti na lang nagpiyansa ako, niloloko ko nga sabi ko 'wag na siyang lumabas at maghintay ng prince charming. May nagpadedicate din ng kanta sa akin, nagulat lang ako kase yung kanta ko sa Ms. Intrams, yun din ang kanta na kinanta kanina. Inaasar ako ni Zabeth 'ayieee' daw, loka-loka.
"Pumasok ka bukas ah" tumango ako at kumaway na.
Pumunta ako sa kotse ni Kuya at pinaandar na niya iyon. Badtrip siya kase yung former nililigawan niya kinasal sa marriage booth. Sabi ko sa kanya sabihin sa akin ang name para ako ang magseset ng kasal nila, ayaw naman ng panget baka daw may runaway bride yung nililigawan niya.
"Kawawa ka naman Kuya. Awts pain!" Pang-aasar ko pa. Hindi niya ako pinansin hanggang makabalik sa bahay.
Pikon
Kinabukasan maaga akong gumayak para makapasok na sa school, laban ngayon nila Caliber. Tapos ang natalo kahapon at matatalo ngayon ay maglalaban bukas. Basta! Magulo, ang alam ko maramihan ng score sa basketball, three points three points ganon.
"Ang galing ni Caliber oh!" Sinagi pa ako ng kaunti si Zabeth, ang inagay katabi. Inaya pa ako sa unahan malapit sa team nila Caliber.
"AYYYY!" Sigaw ng mga nasa banda ko dahil diti sa amin tumilampon ang bola kahit sa akin talaga tatama. Nagulat din ako kaya napasigaw ako.
"DAHAN-DAHANIN KASE ANG PAGPAPASA, MUNTIK NG TAMAAN!" Sigaw ni Caliber, siya kase nakasapo ng bola bago tumama sa akin.
Harap kase ito ng court ng kalaban. Tapos ipapasa sa kateam kaso sa akin dumiretso. Hindi pa ako kinakausap ni Caliber, hindi ko rin naman siya gusto pang kausapin bahala na. Basta ang mahalaga nag-eenjoy ako ngayon.
Natapos ang laro at nanalo sila. Kaya umalis na kami ni Zabeth, iyon lang talaga pakay namin doon. Ayaw kong manood ng volleyball eh.
Kumain lang kami ng kumain, sabi ni Kuya kanina nung nakasalubong ko siya sa friday na daw ang laban nila Caliber, Championship. Lumaban din ata sila kahapon? Di ko maintindihan si Kuya ih basta ang susunod na laro ay sa friday na.
BINABASA MO ANG
You Are My Amethyst (Completed)
Ficção AdolescenteAko si Zarielle Tayne Guardian, a normal student pero may kakaiba sa akin. Simula ng malaman namin ang sakit ko, nagbago ang lahat. Biktima ako ng bullying. Pero dahil din doon may nakilala akong dalawang tao na handang damayan ako. Si Caliber at si...