Time flies so fast, it's bakbakan na naman sa school.By the way, nabili yung tatlong paintings ko. Yung isa daw teacher ang bumili, yung isa sa senior high tas yung isa first year high school. Binibigyan nila ako pero tumanggi ako, sabi ko donation ko na sa kanila 'yon.
"Zarielle!" sigaw ni Zabeth.
"Bakit?" niyakap niya ako ng mahigpit parang tanga lang e.
"Diba nung intrams may bumili ng painting ko tapos WAHHHHH pinapagawa pa nila ako para daw makapili sila and then yung ate nung estudyante na nakabili is artist at magkakaroon siya ng exhibit this year, gusto niyang isama ang mga magagawa ko!" Nanlaki ang mata ko.
"Wow! Congratulations" pareho kaming nagtatalon nang nagtatalon.
"Grabe ang saya-saya no'n" nang mapagod kami ay huminto na kami sa pagtalon.
"Oh tubig?" Inabot ko ang tubig sa kanya. Hiningal ako sa babaeng 'toh.
Naka-upo kami dito sa may tapat ng classroom namin at naghihintay sa susunod na teacher. Daldalan lang kami nang daldalan at nahinto dahil may lumapit na babae.
"Hello po!" Napakunot ang noo naming dalawa ni Zabeth dahil hindi namin siya kilala. "Ako po si Krisden"
"How can we help you?" tanong ni Zabeth sa babae. Cute siya, naka-braid yung buhok niya. Medyo maliit tapos mataba ang pisngi.
"Mga ate kailangan po kase namin ng model para sa project namin, pwede po ba kayong dalawa?" Model? Seryoso ba?
"Anong klaseng model ba?"
"Pinagawa po kase kami ng damit na gawa dapat sa mga recycled materials eh hindi po nagkasya sa mga kaklase ko, kumain kase nang kumain ayon tumaba" napatawa pa siya.
"Uhm..." Nagkatinginan kami ni Zabeth dahil pareho kami ng iniisip.
"Baka naman panget itsura nung gawa niyo ah, sorry hindi ko kayang pagandahin yung pagkakasabi ko" loka talaga si Zabeth, straight to the point.
"Here, ito po yung itsura" ibinigay niya yung phone at may color green na gown, gawa sa straw. Maganda naman kaso hindi rin ako sure kung magkakasya samin 'to.
"Sure ka bang kasya samin 'yan?"
"Dalawa kami, kahit si Zabeth na lang ang gawin niyong model" sabi ko naman.
"Dalawa po, yung isa pink. Kasya sa inyo 'yan mga ate. Halika na" hinatak niya kaming dalawa kaya wala na kaming nagawa ni Zabeth.
"Bakit ba kase tayo pa?" Nandito na kami sa CR, naisuot na namin yung damit. Kasya nga sa amin, ang sexy ko mayghad charing.
"Ang ganda mo halika dito lagyan kita make up" lumapit naman ako. May make up na siya ako wala pa kase hindi ako marunong maglagay pfft.
"Huwag sobrang kapal ah, ayokong maging coloring book"
Pagkatapos niyang lagyan ng make up ang mukha ko, lumabas na kami. Tuwang-tuwa naman sila kase nagkasya tsaka magagawa na daw nila ang project nila.
"Libre na lang po namin kayo sa Canteen mamaya" sabi ni Krisden.
"Hindi 'wag na" tinaas ko pa yung kamay ko tas sinenyas na wag na.
"Tara na po?"
Nagpose-pose na kami ni Zabeth. Ang gaga tuwang-tuwa, feel na feel niya yung pagiging model.
"Nakakuha na kayo ng model niyo?" Sabi nung dumaan na parang ka-grade nila. "Wahhh siya yung nanalo sa intrams diba?"
"Oo siya nga" sabat bigla ni Zabeth kaya nahampas ko siya, mahina lang naman.
"Edi kayo na magaling Krisden" umalis na rin siya pagkatapos.
"Thank you po"
"Salamat po"Sabi nila nung natapos na ang photoshoot, naks photoshoot talaga.
"Welcome"
Hinubad na namin yung damit at isinoli na sa kanila. Pagkabigay namin ay nagkatinginan kamini Zabeth.
"Shit! May klase pa tayo" nanlaki ang mata naming dalawa, patay! Late na kami.
Tumakbo kaming dalawa patungo sa classroom at nakasalubong namin si Caliber.
"Cal! Nandoon na ba si ma'am?" tanong ni Zabeth sa kanya.
"Oo, gagi kayo. Galit na galit bakit daw kayo nag-cutting classes"
"Seryoso ba?" tanong ko at nag-nod naman siya. Hala!
Mas bumilis yung takbo namin at pati yung tibok ng puso ko. Alam niyo yung feeling na may ginawa kang masama tapos nahuli ka, basta ganon. Nakakakaba, parang ayaw ko ng pumasok.
"Ikaw mauna ha" tapos pumunta ako sa likod ni Zabeth.
"Hoy hoy ayoko ikaw mauna" tapos pumunta rin siya sa likod ko.
"Sabay na lang tayo" naghawak kami ng kamay tapos sabay na binuksan ang pinto.
"Woi kase akin na 'yan!"
"Sino nambato ng papel?"
"Pre bobo ng kalaban"
"Yung ballpen ko nawawala!"
"Guys manahimik na kayo"
"Tahimik na daw"Nagulat kami ni Zabeth ng makitang nagkakagulo sila at walang teacher na nagagalit.
"Caliber!" Sabay naming banggit sa pangalan ng hinayupak.
Napakabwiset akala ko nagagalit talaga si Ma'am tapos wala naman palang teacher.
Kapag talaga nakita ko siya, itatapos ko sa lumang munisipyo or pwede rin sa dulo ng walang hanggan, naks.
"Epal talaga ng crush mo—"
"Hindi ko crush 'yon"
"Asusss—"
"Sino crush ni Zarielle?" napatingin ako kay Caliber. Aba nakuha pa niyang magpakita.
"Hoy hindi ko sasabihin kung sino, kabang-kaba kaya ako tapos wala naman pala si Ma'am" hinabol ni Zabeth si Caliber dala-dala ang sapatos niyang may takong. Tumakbo naman si Caliber at ngayon para silang aso't pusang nag-aaway.
Napailing na lang ako at pumasok na sa loob ng classroom.
"Napansin ko pala Zarielle, hindi mo na sinusuot yung bakal?" Tanong ng isa kong kaklase.
"Ah oo, wala rin naman kasing improvement na nangyayari tapos puro pasa lang ang nakukuha ko kaya nag-decide ako na 'wag na lang suotin" umupo na ako sa upuan ko.
"Ahh ganon? Sige may gagawinlang ako" ngumiti siya at tinalikuran ako.
"Okay ka lang?" Umupo na kase si Caliber sa katabi ng upuan ko.
Naliligo siya sa pawis, grabe! Parang naglaro ng basketball sa sobrang basa.
"Napagod ako, hinabol ako ni Elizabeth hanggang sa court" kinuha niya yung towel sa bag niya at nagpunas.
"Wala kang extra shirt?" Pagkatanong ko ay inilabas niya ang isang white t-shirt sa bag.
"Papunas nga ng likod ko, basang-basa yung uniform ko" nagulat ako ng tinanggal niya isa-isa ang butones at agad din naman nawala yung kaba ko nang nakita na may sando naman pala siyang suot.
Kinuha ko ang towel sa katawan niya at pinunasan ang likod niya. Kinuha ko rin yung powder ko sa bag at nilagyan na rin.
"Sa susunod nga 'wag mo ng asarin si Zabeth, ayan tuloy napagod at nagpalit ka pa ng damit" sinuot na niya yung t-shirt at binigay ko na rin yung towel niya.
"Okay lang 'yon atleast naalagaan mo'ko diba? Asarin ko pa nga lagi para lagi mo rin akong punasan ng pawis—aray naman!" Binalibag ko kase siya ng uniform niya sa mukha.
"Sa susunod bahala ka na sa buhay mo, tse!"
"Joke lang naman 'e" inirapan ko lang siya.
"Bahala ka dyan, ikaw na nga tinulungan aabusuhin mo pa! Tsaka kasama ako sa kinabahan kanina, akala ko mapupunta na ako sa detention"
"Sorry na, libre na lang kita mamaya"
"Di ako madadaan sa pagkain dzuh by the way kahit ano ba pwede? Uhm pancakes tsaka buko shake, pwede?"
Tumawa siya kaya sinamaan ko ng tingin. "Dyan ka magaling, patay gutom"
BINABASA MO ANG
You Are My Amethyst (Completed)
Teen FictionAko si Zarielle Tayne Guardian, a normal student pero may kakaiba sa akin. Simula ng malaman namin ang sakit ko, nagbago ang lahat. Biktima ako ng bullying. Pero dahil din doon may nakilala akong dalawang tao na handang damayan ako. Si Caliber at si...