CHAPTER 19

15 6 1
                                    


Nalaman nila Kuya ang nangyari kaya naman sinesermonan ako. Gusto ko lang naman talaga iligtas si Krisden. Kung ikaw ba nasa kalagayan mo? Yung alam mong kaya mo naman siya iligtas, ililigtas mo rin ba?

"Ang nonsense niyo kausap" mga mukang ewan eh, pinaglalaban ng mga 'to?

"Wow! Kami pa talaga ang nonsense. Paano kung kayong dalawa ang nasagasaan, edi pinaglalamayan ka na ngayon!" g na g si Zamuel.

"Edi maganda, kulay pink dapat ang kabaong" inirapan ko sila at nag-walk-out.

Lumabas ako ng bahay kase pagtutulungan ako ng mga tao doon, padating na rin si Mommy and Daddy kaya pagagalitan din ako.

"Nag-aalala lang ang Kuya mo sayo" lumingon ako sa likod ko, sumunod pala si Caliber.

Nung natapos na kase ang laro tsaka lang niya nalaman. Bigla kaseng dumating si Krisden kasama ang family, eh nung time na 'yon nasa harap ko si Kuya. Nagpasalamat ang parents ni Krisden tapos narinig ng tukmol ayon hindi ako pianansin habang nasa byahe. Inutusan niya si Caliber na pilitin akong sa van sumabay, ipinaalam din ni Caliber sa driver ng bus. Hindi siya nanermon nung nasa sasakyan kami pero pagkababang-pagkababa pa lang tumalak na agad siya. Dinaig pa si Mommy eh.

"Nag-aalala? Jusme naman! Hindi na ako bata, wala namang malalang nangyari sa akin. Hindi ba maka-move on? Ano gagawin ko? Hahayaan ko siyang masagasaan mag-isa tapos ako nakatingin lang sa dumadanak niyang dugo, ganon?"

"Bigyan mo muna ng oras, kakalma rin 'yon. Dapat hindi ka na lang sumagot at nag-walk-out. "

Umupo kami sa damuhan sa garden namin. "Masakit sa tenga, kalalaking tao kung manermon daig pa mga nanay"

"Kahit na"

"Ewan ko sayo" sinundan pa ako si Kuya rin pala kakampihan. Kaasar.

Natahimik kaming dalawa, walang nagsasalita. Tiningnan ko ang oras at quarter to six na pala.

"Anong oras ka aalis?"

"Pinapaalis mo na kaagad ako." hindi siya patanong, statement yon, statement.

Tumayo siya at umalis na, sa wakas mag-isa na lang ako. Malungkot ako ngayon, sobra. Tumulong lang naman ako, imbis na maging masaya sila dahil may natulungan ako, inuna pa ang galit, ang pag-aalala.

Nung mga oras na inihakbang ko ang kanan kong paa, alam ko nang maaring mapahamak ako, kaming dalawa pero ginawa ko pa rin kase hindi kaya ng konsensya ko na may taong masaktan sa harap ko.

Unti-unting dumilim ang kalangitan, nagsilabasan ang mga bituin at ang buwan. Sa araw na ito, napagtanto ko na dapat tayong magpasalamat dahil natapos ang maghapon na ligtas tayo, dapat tayong magpasalamat dahil nagigising pa tayo. Hindi kase natin alam kung kelan tayo kukunin ni Papa G. Hindi natin alam na baka habang natutulog tayo biglang magkaroon ng sakuna, masunog ang bahay. Paano kapag bigla na lang bumagsak yung tulay na dinaraanan mo. Paano kung bigla na lang gumuho yung building na pinagtratrabahuhan mo. Hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa bawat araw. Walang kasiguraduhan kung hanggang kelan tayo hihinga sa mundong ito.

Tumulo na pala ang luha ko, kung saan-saan na ako dinadala ng imahinasyon ko. Overthinking isn't good to me, I better stop it.

Pinunasan ko ang luha ko at tumayo. Nadaanan ko si Kuya sa sala pero nagpatuloy ako sa paglakad na parang wala siya. Dumiretso ako sa kwarto at nag-lock ng pinto.

No dinner for tonight...

Gugutumin ako ngayon gabi, tampo tayo kunwari. Wala kaseng kumampi sakin. Ang nonsense ko nga pfft.

***

Thursday na ngayon pero hindi pa rin ako pinapansin ni Zamuel. Kataas ng pride, kasingtaas ng bituin eh. Taasan mo pa bro, masyadong mababa. Nag-sorry naman na ako sa kanya kahapon pero hindi ako pinapansin. Kung ano-ano na nga ang ginawa ko para lang makuha ko ang atensyon niya pero wala eh. Palpak pa rin.

"Try mo kayang manahimik, diba sabi mo dati kapag natatahimik ka ibig sabihin may iba kang nararamdaman, may masakit ganon" suggest ni Zabeth.

"Oo nga noh"

So ayon nga, balak kong manahimik. Hindi ako sasama kahit kanino tapos sa loob lang ako ng bus, hahayaan ko munang mag-isa si Zabeth sa paggagala. Tiis-tiis para mapatawad ni Kuya.

Nagsimula na yung plano namin. Lumabas na si Zabeth sa bus at ang iba pa. Dito muna ako magpapalipas ng maghapon. Nakalabas na lahat ng estudyante maliban sa akin.

"Hindi ka ba bababa?" tanong ni Manong Driver.

"Hindi na po, okay lang po ako dito" nag-smile pa ako pero yung smile na parang pilit lang ganon. Smile na peke, todo ko na ang acting minsan lang 'to.

"Ah sige hija" umalis na si Manong at pumunta sa may guard sa gate. Doon muna siya hanggang mamaya, nakikipagkwentuhan siya kay Manong Guard.

30 minutes akong palingon-lingon lang at walang ginagawa. Tinatamad rin akong mag-scroll sa facebook kaya naisipan kong matulog. Lumipat ako ng upuan at pumunta sa dulo. Inunat ko pa ang paa ko, solong-solo ko ang buong bus.

***

"Anong nangyari sa kanya?"

Medyo nagising ako dahil may boses akong narinig. Ididilat ko na sana ang mata ko ng mapagtantong boses iyon ni Kuya kaya nagkunwaring tulog ako.

"Hindi ko alam basta kanina bigla na lang siyang tumahimik at hindi sumama sa akin nung bumaba ng bus" si Zabeth 'yon, boses niya 'yon.

"Zarielle" bulong ni Kuya habang tinatapik ang balikat ko.

Kunwari naman nagising ako at nagpunas pa kunwari ng mata.

"Hmm?"

"Anong nararamdaman mo?" inalalayan niya ako sa pag-upo.

Inilibot ko ang paningin ko, wala na ako sa bus! Nasa van na nila ako.

"Wala"

"Zarielle, 'wag ka namang makulit. Masakit ba yung likod mo? Saan ang masakit?" umiling lang ako.

"Isusumbong kita kay Mommy" kinuha niya yung cellphone.

"Gutom ang nararamdaman ko, gutom" bati na kami ni Zamuel, kinausap na niya ako kaya meaning bati na kami!

Tagumpay ang plano, akala ko pa naman hindi niya ako papansinin.

"Sure ka walang masakit sayo?" tumango ako. "Elizabeth, yung pagkain niya pakibigay. Ikaw na rin ang magbantay muna sa kanya ha" tinapik siya ni Kuya sa balikat.

"Kilig ka na niyan?" parang huminto ang mundo niya, nahawakan lang ni Kuya natuwa na siya.

"Ang bango ng Kuya—" napatigil si Zabeth sa pagsasalita ng biglang pumasok si Kuya sa van.

Yung itsura ni Zabeth, kinakabahan. Iniisip niya siguro kung narinig siya ni Zamuel.

"Zarielle!"

"Oh?"

"Sure kang ayos ka lang?" napakakulit, dinaig pa ang pusang curious.

"Oo nga, ang kulit-panget mo" kinuha ko ang pagkain ko sa kamay ni Zabeth. Lumabas na rin si Kuya at siguradong hindi na babalik 'yon.

"N-Narinig ba niya?" kinagat niya yung ibabang labi niya tas parang natatae ang itsura niya grabe!

"Oo, hindi naman bingi 'yon. Panigirado, iniisip niya ngayon kung bakit mo sinabi 'yon" sarap pala mang-inis no? Si Zamuel maririnig ang ganon? No way, walang pake sa iba 'yon.

"WAHHHHHH kainin na ako ni Zamuel—este ng lupa hehe"

You Are My Amethyst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon