CHAPTER 24

16 6 0
                                    

Usapan namin ni Caliber is dinner date sa bagong bukas na resto. Timber Tofee ata ang name ng restaurant na iyon and hindi naman masyadong malayo.

Kanina pa aligagang-aligaga si Kuya na parang may hinahanap. Maayos na ang suot niya at parang may date nga na mangyayari. Ayos na ayos, pogi na at nagmukhang tao.

"Ano hinahanap mo? Need help?" hindi siya sumagot kaya inulit ko ulit ang tanong ko.

"Yeah, nawawala yung susi ng kotse" pinunasan niya yung pawis na nasa noo niya.

"Anong oras ba date niyo?" si Zabeth na iyon panigurado. Nireject siya nung nililigawan niya eh kaya si Zabeth ang may pag-asa.

"Before lunch dapat masundo ko na siya" naghanap ulit siya sa sala.

"Sure ka bang dito mo sa sala nilagay?" tumango lang siya.

Nagsimula na rin akong magahanap dahil mamayang hapon pa naman dadating si Caliber. Hindi ko nga alam kung anong susuotin ko eh, bahala na.

Tiningnan ko na ang mini table at ang ilalim ng sofa pero wala rin. Sa harap, malapit sa tv, wala rin. Pati sa banga na nakalagay ay wala rin. Hindi pa rin nahahanap ni Kuya.

"Sure ka talaga na narito?" nagkibit balikat siya.

"Wala sa kwarto tapos dito lang ako pumunta kanina" ay nako, masasapak ko na talaga ang lalaking na 'to.

Inilibot ko ang paningin ko at nakitang bumababa ang pusa sa hagdan kaya dali-dali akong tumakbo sa sofa at umakyat. At dahil sa pagmamadali ko, nagulat si Kuya.

"Anyare sayo? Mukha kang tanga"

"Ikaw tanga na talaga. Hindi mo sinarado ang pinto ng kwarto mo! Ayan na yung pusa oh" pagkasabi ko noon ay nakalapit na ang pusa sa paa niya at umikot-ikot sa kanya.

"Ay ang tanga ko nga talaga" kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero nawala iyon at napalitan ng panlilisik ng mata kase nasa colar nung pusa yung susi!

"Bwisit" bulong ko at umakyat na sa kwarto.

Sinayang oras ko.

***

"You look beautiful" bolero talaga eh.

We're both wearing white t-shirt with our names printed on the back side of it.

"As always" pabirong sabi ko pero hindi iyon biro ah.

"You're welcome ha, you're welcome talaga" sarkastikong sabi niya.

Tumawa ako ng bahagya at binuksan na niya ang kotse niya at inalalayan akong pumasok. Grabe naman parang papasok lang sa kotse, iniingatan pa. Jusme Caliber

Sinarado niya ang pinto at agad na umikot para makasakay siya sa driver seat.

"Seatbelts" paalala niya.

"I know" inayos ko na ang seatbelt ko at inayos ang buhok kong kumawala sa likod ng aking tenga.

"Buti na lang talaga nagdala ka ng t-shirt, wala pa talaga akong napipiling suotin eh"

Pumunta kase niya mga alas tres ata iyon para lang ibigay yung t-shirt tapos bumalik siya ngayong 5:00pm.

"Ganyan ka naman lagi eh. Kung hindi ka pa sabihan kung ano isusuot hindi ka makakapagdesisyon sa sarili mo" inirapan ko siya. Nagsimula na siyang paandarin ang kotse.

"Eh pano magagawa ko? Nasanay na akong may pumipili ng damit sa akin eh tsaka lagi lang akong nasa bahay kaya paulit-ulit lang ang sets ng damit ko" si Mommy kase lagi ang namimili ng isusuot ko kapag may okasyon.

"Edi pag-aralan mo na ngayon. Mahirap dumepende sa iba kase kapag nasanay ka, ikaw ang kawawa" may punto naman siya kaya 'wag na tayong kumontra.

"Yeah, ikaw rin...I mean be strong and please smile always" lagi kaseng busangot ang mukha ng isang 'to. Well hindi naman busangot na busangot medyo walang emosyon ang mukha niya ganon. Medyo grumpy rin.

"Baka mag creep out ka kapag bigla-bigla na lang akong ngumiti sa harap mo" ang creepy nga non lol.

"Basta mag-smile ka na lang dami pang satsat" tumingin ako sa bintana at pinagmasdan ang mga nadadaanan namin.

"Yes, madame. Nandyan ka naman na para pangitiin ako yieeee" humarap ako sa kanya at umiling-iling.

"Huwag mo ng uulitin. Hindi nakakakilig" patuloy pa rin ako sa pag-iling.

"Asusu hindi raw" sinundot na naman niya ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Magmaneho ka na nga lang ng maayos dyan!" sigaw ko habang hinahawi ang kamay niya.

Tawa siya ng tawa at nang-aasar pa talaga. Tumingin na siya ng diretso sa daanan kaya sumulyap na lang ako sa bintana pero ang loko naririnig ko ang mahinang tawa!

"Ang saya mo no?" tanong konsa kanya.

"Syempre" kumunot ang noo ko. Hindi ba siya magsusungit ngayon? Namimiss ko na ang masungit na Caliber ah.

"Why?"

"It's our first legal date" anong legal?

"Hoy! Anong legal ka dyan? Pinagsasasabi mo?" humarap ako sa kanya at ngumisi na naman siya.

"Nagtext sakin kapatid mo. Sabi niya alam daw ng parents niyo kung sino ang sisisihin kapag napahamak ka" tumingin din siya sa akin. "Nagpaalam ka pa talaga ah"

Nakakaasar ang tingin niya "aksidente lang naman ang nangyari. Nadulas ang bunganga ni Kuya kaya nalaman nila Mommy"

"Oh ba't nag-e-explain ka? Ayaw mo ba talaga akong makaramdam ng kilig kahit minsan lang?" malungkot niyang sabi. Napa-iling naman ako, si Caliber pa, hindi ako kakagat sa patibong niya.

"Ang panget mo, 'wag ka umarte hindi bagay. Halikan pa kita dyan eh" shems! Kusa na lang lumabas sa bibig ko iyon.

"Sige nga oh, kiss mo ako dali" tinuro pa niya yung pisngi niya.

"Ang hina naman ng hiling mo, sa pisngi lang?" pang-aasar ko pa. Hanggang asaran lang kami pustahan pa.

"Iba ka magpakilig bwisit" ngumiti ang loko!

"Kinikilig ka don? Wala namang nakakakilig don ah. Wala ka ng pag-asa, patay na patay ka na talaga sa akin" sarap pala makipag-asaran kay Caliber no. Bakit ngayon ko lang napagtanto?

"Idiretso ko na ba 'to sa hotel o dito na lang sa kotse" seryosong sabi niya pero alam kong nagbibiro siya.

"Sa hotel para maganda. Five star dapat ah tapos yung mamahaling room" sakyan lang natin trip ng lalaking 'to.

"Biro lang, papakasalan muna kita" huminto kami kase kulay red ang traffic light.

"Hindi pa nga tayo iniisip mo na ang kasal" kakaiba rin mag-isip. Masyadong advance.

"Oh sige tsaka ko na iyan iisipin tutal ikaw lang naman lagi ang laman ng isip ko" nalamukos ang mukha ko matapos marinig iyon.

"Caliber itigil mo 'yan, hindi mo ako makukuha sa mga mabubulaklak na salita. Ang cringe" lumingon siya sa akin at nakita ang mukha ko. Nag-green na ang traffic light kaya umandar na ulit kami.

Nang nakita niya ang mukha ko ay natawa siya kaya nakitawa na rin ako, "Ang cringe nga pero para sayo—"

"Jusme sabing itigil eh" at lalong lumakas ang tawa naming dalawa.

You Are My Amethyst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon