"Buksan mo ang pinto Zarielle" rinig kong utos ni Mommy.
Grabe andyan na sila, andyan na siya...Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin si Jason.
"Hi!" Nakahinga ako ng maluwag at ngumiti ng abot tenga sa kanya.
"Hello! Pasok kayo!" may lima pa kase siyang kasama, kasama ang kuya niya.
Pumasok sila sa loob pero si Jason ay sumunod sa akin. "Oh?"
"Diba sabi ko kanina turuan mo akong magpaint" nakatayo siya sa harap ko.
Matangkad siya pero mas matangkad si Caliber. Maputi siya pero mas maputi si Caliber. Matangos at singkit ang mata ni Jason naka clean cut din siya. Si Caliber kasi medyo makapal ang kilay, mahaba ang pilik-mata at naka mushroom ang buhok. Matangos at manipis ang labi. May nunal siya sa bandang itaas ng kanyang kanang kilay pero hindi malaki at bumagay iyon sa itsura niya.
"Eh may meeting kayo diba?" tanong ko, may meeting tapos mas pipiliin magpaint.
"Naituro na sa akin ni Kuya kanina at tatanungin ko na lang kung may pagbabago kaya okay lang na magpaint tayo ngayon" kumamot siya ng ulo at may naalala ata. "Sorry may painting materials ka naman pa no? Nakalimutan kong magdala"
Malamang nga, ikaw pa! Mayaman din ang isang 'toh ih. May ari ng isang hardware store at may branch na nakakalat sa buong bansa kaya imposibleng kuripot siya at sa pagkakaalam ko, mahilig manlibre ang kuya kaya baka siya rin.
Sasabihin ko sana na umakyat kami sa taas kaso naalala kong lalaki siya at babae ako ang panget tignan kung magkasama sa kwarto. "Hintayin mo ako dito sa sala"
Tumango siya at umakyat na ako sa kwarto ko. Malaki ang sala, dalawang sofang malaki at tapatan iyon. May isang maliit na table at may flat screen TV doon. Maluwang din kaya hindi naman kami makakaistorbo kung magpapaint kami sa isang gilid.
Nakaakyat na ako at kinuha ang mga brush at acrylic paint at mga maliit lang na pagpapaintan kase turuan pa lang naman. Dalawa ang kinuha ko at bumababa na. Pagkababa ko ay inilapag ko ito sa sahig, mas gusto ko sa sahig eh bakit ba. Nagtaka ang tingin ni Jason pero gumaya siya at naupo na rin sa sahig.
"Buksan mo nga ang pinto Zarielle" sigaw na naman ni Mama. Sa likod kasi dumadaan ang mga hinayupak eh may front door naman. Mga loko-loko, eh si Mommy ang nandoon at kusina agad. Sabi ni Zamuel siya daw ang magluluto pero nag insist si Mommy na siya na lang tutal ay minsan lang siyang nasa bahay.
Pagbukas ko ng pinto ay natigil ako. Dinaanan lang ako at walang greet-greet na nangyari.
Syempre sino pa ba? Edi si Captain America chos! Si Caliber.
Bumalik ako kay Jason na ngayon ay inaayos na ang acrylic sa palette. "Ano ipapaint mo?"
"Syempre bola!" Sabi niya. Ow edi ikaw na ball is life. "Sayo ba?"
"Uhmm...foot prints" yeah yun na lang siguro. Ayusin ko na lang ang pagsketch.
"Marunong naman ako magpaint pero gusto ko lang may kasabay" sabi niya. Napa 'ahh' na lang ako. Umiingay na ang mga kasama ni Kuya kaya napatingin ako.
Magkadikit na naman ang kilay ni Caliber at may sinasabing seryoso kay Kuya. Probably about basketball. Bumaling ulit ako sa hawak ko at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Zarielle, akyat sa taas. Magpalit ka ng damit" biglang sabi ni Kuya.
Natahimik sila at tiningnan ko si Zamuel. Nakasakubong na rin ang kilay niya kagaya ni Caliber.
Maayos naman ang suot ko ah, short at T-Shirt pero medyo fit lang. Kumunot ang noo ko at tumayo, daming kaartehan!
Nagleggings ako at t-shirt a puti. Oh ayan na ah! Baka pagalitan pa ako.
"Oh ang ganda ah!" sabi ko at umupo agad sa tabi ni Jason.
"Talaga? Salamat" sabi niya na parang medyo nahihiya.
"Oo naman! Welcome!"
Pinagpatuloy ko na ang magpapaint ko. Umingay na rin sila kuya dahil kanya kanya ng komento and opinyon. Sana manalo sila at sila din ang maipanlaban sa cluster pero sa tingin ko mananalo nga kase grade 10 sila at mga bata ang kalaban pero malay ko pa rin baka magaling ang kalaban.
"Heto oh, kumain muna kayo" agad akong tumayo at kumuha ng pancake na dala ni Mommy.
"Ang takaw ah" sabi ni Jason nung papatayo ako.
Kumuha ako ng dalawang platito para sa akin at para kay Jason. Habang nilalagyan ko ng pancake ang plato ko ay naubos na ang mga lalagyanan, wala ng paglalagyan yung kay Jason kaya nang mailagay ko na yubg pancake sa plato ay binigay ko ito kay Jayson.
"Oh, kain na" kinuha niya iyon at nagpasalamat.
"Wala ng plato" sabi nung isang kasama nila.
Well hindi iyon problema. Kinuha ko ang pancake gamit ang isang tinidor at agad iyong inilipat sa kamay ko. Oh at least hindi ko hinawakan ang ibang pancakes.
"Oy Zamuel yung kakambal mo oh"
"Zarielle kasalahulaan mo" saway sa akin ni Zamuel pero kinagatan ko na ang pancake at hinawakan iyon na parang turon. Bumalik ako sa tabi ni Jayson.
"Pfft kinamay mo?" Tanong niya.
"Oo bakit? Masama?" Umiling siya at nagpatuloy sa pagkain.
"Zarielle akyat ka na sa taas" sabi ni Zamuel sa akin kaya lumingon ako sa kanya ng nakakunot ang noo.
Ano na naman trip nito? Nakita kong katabi niya si Caliber na nakasalubong ang kilay at nakatingin din sa akin. Problema niyo? Tsk may sinabi si Caliber para paakyatin ako ni kuya! Grabe, ganon ba siya kagalit sa akin para ipamukha na ayaw niya akong makita. Kakaiba talaga, nagsisisi tuloy ako na umamin sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.
Inubos ko ang pancake at umakyat sa taas. Ang bigat ng lakad ko at matunog iyon.
"Nagdadabog ka ba?!" Sigaw ni Zamuel.
"Dabog ba tawag don? Paano mo nalaman? Gawain mo kase" mas lalo ko pang iningayan ang pagpadyak at narinig ko ang ngisihan nila.
Nakakairita, magsama-sama kayo. Di pa ako tapos sa painting ko ih! Nakakainis talaga, epal ng Caliber na yan. Sino ba siya sa iniisip niya? Wala namang ebidensya kung makapangbintang sobra. Tanga tanga ko kase ih. Dapat di ako umamin, di naman kase ako yon. Wahhhh nakakaloka.
BINABASA MO ANG
You Are My Amethyst (Completed)
Teen FictionAko si Zarielle Tayne Guardian, a normal student pero may kakaiba sa akin. Simula ng malaman namin ang sakit ko, nagbago ang lahat. Biktima ako ng bullying. Pero dahil din doon may nakilala akong dalawang tao na handang damayan ako. Si Caliber at si...