CHAPTER 11

10 6 1
                                    

Nalate ako ng gising dahil medyo napuyat ako kaka-overthink kagabi, nung magising ako ay 7:30 na kay agad-agad akong naligo at nag-ayos ng gamit. Nagsuot ako ng medyo malaking sweatshirt at tennis skirt tsaka sneakers.

"My! Papasok ako" sigaw ko habang pababa ng hagdan.

"Hala, umalis na ang kuya mo. Sino ang maghahatid sayo. Ang akala namin ay ayaw mo lang pumasok kaya hindi ka na namin kinatok sa taas" hinalikan ko siya sa pisngi at tumakbo papuntang pinto.

"Magtataxi na lang ako Mommy. Goodbye, I love you!"

Paglabas ko ay agad akong humanap ng taxi at buti na lang ay may nakita ako agad.

"Sa Bautista University po" sabi ko nung makasakay na ako kay Manong. "Late na po ako, pakibilisan po"

Ilang minuto lang ay nakapunta na ako sa harap ng school. Tinanong ko kung magkano at nagbayad na.

"Salamat po manong!" lumabas ako ng taxi at pumusok na sa gate.

"Muntik na malate ah, ID mo?" sabi ni Kuyang Guard. Ipinakita ko ang ID ko at nagdirediretso na.

Habang naglalakad ako, napansin ko na pinagtitinginan ako ng tao at agad na bumubulong. Anong nangyayari sa kanila?

Ahh baka akala ko lang iyon. Ang daming tao ngayon at parang ang saya-saya ng campus. Nakakalat ang mga tao at nagkakasiyahan. Dumiretso ako sa classroom at doon ko na nalaman kung bakit ako pinagtitinginan. Basta tsismis hindi papahuli ang mga tao tsk.

"Zarielle, napakawalang-awa mo!" nagulat ako sa sinabi ng isa kong kaklase sa akin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang.

"Oh!" Binigay niya sa akin ang phone niya at may plinay na video. "Ayan para maalala mo naman"

"Kuya kase! Halika na sa bahay"
Pagmamaktol ko sa video.

"Oh!" biglang nilapit sa akin ni Zamuel ang pusa kaya agad akong umiwas.

"Zamuel ano ba!" Halatang iritang-irita ako sa nangyayari.

"Halika na nga" akala ko sa video ay tapos na ang pangungulit ni Zamuel ngunit inihagis ni Zamuel ang pusa sa akin kaya agad ko iyong hinampas at sinipa palayo sa akin. Doon natapos ang video, napatingin ako sa itaas kung sino ang nagpost.

Tumulo ang luha ko ng makitang pangalan ni Calden ang nakasulat doon. Ito ba? Ito ba ang pagganti niya!

"Ang sama mo Zarielle" tumingala ako kay Calden. Ikaw ang masama! Hindi ko na man sinasadya na saktan ang pusa.

Wala siyang karapatan na ikalat iyon lalo na at hindi niya alam ang nangyari. Oo, totoo ang video. Sinipa at hinampas ko ang pusa. Nagjojogging kami ni Kuya that time tapos may pusa na nakakalat sa daan.

"ZARIELLE!" lumingon ako kay Kuya at Zabeth na sabay tumawag sa akin.

Hinawakan ako ni Zabeth sa braso at kumapit.

"Bakit ka pumasok!?" sigaw ni Kuya sa akin. Aba! Malay ko ba na ganito na pala ang kumakalat na tsismis.

"Oo nga Zarielle, bat ka pa kase pumasok?" bulong sa akin ni Zarielle. Nagulat ako at ang mga kaklase ko ng suntukin ni Kuya si Calden. Kumalas ako sa pagkakahawak ni Zabeth at pinunasan ang mga luha ko. Bahala kayo dyan.

Umalis ako sa classroom at naghanap ng lugar kung saan pwede akong mapag-isa. Hindi na ako pwedeng lumabas kase nakapasok na ako. Pagagalitan ako ni Kuyang Guard kapag lumabas pa ako. Dumiretso ako sa Mapeh department, iyon kase ang pinakadulo at konti lang ang nagpupunta roon. May kubo rin doon kaya baka sa kubo na lang ako magpalipas ng maghapon.

Nang marating ko iyon ay naupo ako at inayos ang sarili. Ayokong umiyak, pagod na ako. Oo mali ang nagawa ko pero bakit kailangan ikalat sa social media! Grabe naman siya gumanti, kung paano kumalat ang issue about sa tatay niya ay ganoon din ang ginawa niya sa akin. Naputol ako sa pag-iisip ng may lumapit sa akin.

You Are My Amethyst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon