CHAPTER 8 - MGA BAGONG PANGANIB

1.7K 21 2
                                        

DARIUS P.O.V

Hating gabi na, tulog na naman siguro sila, uuwi na lang ako at wala naman akong gagawin dito, kaaway nila akong lahat.

Inayos ko na 'yung mga gamit ko, mag hihintay na lang ako ng sasakyan doon sa may kanto.

Agad akong bumaba at sa likod ako dadaan, sandali. Bakit hindi na ka lock to? Pakinig ko pang pinag uusapan nila 'yung tungkol dito sa pinto tapos ngayon hindi na ka lock.

May lumabas ba?

Bahala na nga sila.

Lumabas na nga ako at nag simulang mag lakad, nakita ko naman 'yung bahay nung baliw na Yuna. Mag kakalayo din 'yung mga bahay dito.

Teka parang may nasunod sa'kin, gago.

Meron nga, mag nanakaw ba 'to? Tangina naman.

"Anong kailangan mo?" Agad kong tanong at nilingon s'ya, nakasuot s'ya ng sumbrelo kaya hindi ko makita 'yung mukha n'ya. Nakatayo lang din s'ya sa pwesto n'ya.

"Anong kailangan mo sabi? Pera ba? Bibigyan kita." Kunot noo kong sabi pero hindi pa rin n'ya ako kinikibo.

Mag sasalita pa sana ako pero agad na may tumama sa ulo ko mula sa likod, may humampas sa ulo ko.

Agad akong bumagsak sa lupa at sobrang sakit ng ulo ko. Napahawak ako kung saan ako tinamaan at nang tingnan ko ito ay may dugo na ikinagulat ko.

Agad na lumapit 'yung lalaki sa akin at tinadyakan ako sa tyan. Pinag tatadyakan at pinag hahampas nila ako hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

.
.
.

ANGELA'S P.O.V

Ayun nga, nung alam kong nakatulog na silang lahat lumabas ako. Nag lalakad na ako pabalik doon sa may short cut, alam ko namang hindi sila maniniwala sa mga pinag sasabi ko kaya ako na lang yung gagawa ng paraan para iligtas sila.

Kumuha din ako nung maliit na kutsilyo, para kung may mangyari maipag ta-tanggol ko 'yung sarili ko.

Napag usapan din nila 'yung tungkol doon sa alay alay sa demonyo, siguro sila 'yung mga gumagawa no'n kaya nila kinuha sina Jhiciel.

Yung nag papakita ding babaeng sunog 'yung mukha siguro ayun 'yung nangyari sa kan'ya, pero hindi ko alam kung anong gusto n'yang iparating.

Nung una palang nag pakita na s'ya sa'min, siguro babala na 'yun, pero ayun tumuloy pa din kami kaya nangyari sa'min 'to. Basta kailangan kong mailigtas sina Calvin, kung patayan 'yung gusto nila, pagbibigyan ko sila.

.
.
.

HAILEY'S P.O.V

Nagising na kaming lahat at laking gulat na lang namin ng wala sina Angela at Darius, umalis sila kagabi, pag tingin nila sa pinto sa likod hindi na 'yun naka lock.

"Saan kaya pumunta si Angela?" Tanong ni Dylan.

"Wala naman na tayong magagawa kasi umalis na sila." Sabi naman ni Ruth.

"Nakauwi na kaya 'yun si Darius, nag iwan kasi s'ya ng message na uuwi s'ya eh." Si Dwayne.

"Nakauwi na naman siguro 'yun." Sabi naman ni Lily.

"Siguro nga." Si Kai.

"Mainit na ngayon o, maaliwalas na sa labas, tutuloy na ba tayo doon sa may ilog?" Tuwang tanong ni Akisha.

"Oo, hahanap muna tayo ng magandang pwesto doon, tapos bukas na tayo mag tatayo ng mga tent." Sabi naman ni Kai.

"Sasama yata si Yuna e." Si Lily.

"Oo nga sasama 'yun." Sabi naman ni Kaito.

"Sus, crush mo lang kasi si Yuna e." Pang aasar ni Cohen at tumawa.

"Tumigil ka nga d'yan." Inis na sabi naman ni Kaito at tinawanan lang s'ya nina Dwayne.

"Mag ready na kayo, mag hahanap na muna tayo ng ma pe-pwestuhan doon." Sabi ni Kai.

"Tatawagin ko lang si Yuna, samahan mo 'ko Hailey." Pagyaya ni Jeralene sa'kin.

"Ah sige."

"Sasama din ako." Sabi naman ni Akisha.

"Tara." Si Jeralene.

Lumabas na nga kami ng bahay, medyo malayo pa 'yun ng kaunti pero kita naman mula dito yung bahay ni Yuna.

Hanggang sa nandito na nga kami sa harap ng bahay nila.

"Yuna? Tao po?" Pagtawag ni Akisha at agad namang lumabas si Yuna.

"Oh, kayo pala." Sabi ni Yuna.

"Sasama ka sa'min 'di ba?" Tanong ni Jeralene.

"Ah oo, mauna na kayo, susunod na lang ako." Sagot naman ni Yuna.

"Sigurado ka?" Tanong ni Akisha.

"Oo." Si Yuna at nginitian kami.

Kaya bumalik na kami at sinabi kay na Kai na, susunod na nga lang daw si Yuna.

Nag lalakad na nga kami dito sa gitna ng gubatan at puro huni ng ibon ang maririnig mo, ang kati din sa binti dahil may nadadaanan kaming matataas na damo.

"Malapit na ba tayo?" Pagtatanong ni Lily.

"Medyo." Sagot ni Kai.

So ayun, patuloy pa din kami sa pag lalakad.

.
.
.

CALVIN'S P.O.V

Nakatakas ako kagabi pero nandito pa din ako sa bahay.  Kagabi pa nila ako hinahanap at nandito lang ako nag tatago.

Kailangan ko lang malaman kung saan 'yung daan papunta doon sa basement. Sana okay lang sila doon, si Angela kaya, ano na kayang nangyari sa kan'ya.

.
.
.

HAILEY'S P.O.V

Nandito na nga kami at napakalawak ng ilog nag hahanap na rin sila ng pwesto na pag tatayuan ng mga tent. Maya maya pa dumating na rin si Yuna.

"Nand'yan na si Yuna." Sabi ni Ruth.

"Kamusta kayo?" Si Yuna nang makalapit sa'min.

"Ayos naman." Ngiting sagot ko.

"Oy sabihan n'yo 'yung iba, wag masyadong lumayo!" Sigw ni Kai.

Hanggang sa inabot na kami ng tanghali dito at napag planuhan na naming umuwi. Kakain muna kami tapos babalik kami mamayang hapon.

.
.
.

ANGELA'S P.O.V

Nandito na ulit ako sa may bakod ng malaking bahay, walang tao kaya aakyat na ako.

Tuluyan na akong nakaakyat sa bakod kaya nag tago muna ako sa likod ng matataas na damo.

Saan kaya ako dadaan, siguro may daan naman sa likod papasok, kaso baka may makakita sa'kin. Teka may babae, ayun yung nakalaban ko nung unang punta namin ni Calvin dito, paalis s'ya ngayon.

Kailangan ko munang gumawa ng plano.

.
.
.

HAILEY'S P.O.V

Alas dos na ng hapon kaya babalik na kami doon sa may ilog. Yung iba di na sumama kasi wala na naman kaming masyadong gagawin.

Mag aalasais na at palubog na 'yung araw kaya naisipan na naming umuwi, nakapag linis na kami at bukas na rin kami mag tatayo ng mga tent.

.
.
.

ANGELA'S P.O.V

Gabi na, pag kakataon ko na para makapasok sa bahay na 'yun, sa laki nito saan ko kaya sila hahanapin.

ITUTULOY

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now