DISCLAIMER!
This story is all fiction and it may not be as perfect as other stories you are reading. There may be a theme in this story that are not suitable for young readers.
But I will be happy if you like this story. I sincerely thank you for supporting this story.
This story is the first generation of Mendes' series. If you want to read my other story just visit my profile.
[Zane Mendes and Arriane Lopez]
❤THANK YOU AND ENJOY READING❤
---------------------
NAPA-NGANGA ako sa ganda at lawak ng paaralan na papasokan ko. De Loughry University ang pangalan ng school na ito, paaralan ng mga mayayaman na studyante. Hindi ng ako makapaniwalang nakapasok ako dito. Ang sabi-sabi raw ay mahirap makapasok ang isang tulad kung dukha sa unibersidad na ito. Maliban kasi sa mahal na tuition ay hindi kami nararapat sa mga ganitong paaralan. Kung hindi lang nakabalita si papa na open ang unibersidad na ito at willing na magbigay ng libre martikula sa mga tulad naming mahihirap baka wala ako dito ngayon. Scholarship lang naman ako kapit kaya ako nakapasok dito.
At ngayong araw magsimula ang kabanata ng aking buhay sa DLU. Sana naman maging maayos ang pag aaral ko dito sana walang manggugulo ng buhay ko dito dahil isa lang ang gusto kung makuha at mapatunayan sa mga kapitbahay kung walang ibang ginawa kundi husgahan ang pagpasok ko dito yun ay ang dimploma galing mismo sa paaralan na ito. Dimploma lang ang nais kung makuha sa pagsisikap ko dito sa paaralan na ito wala ng iba pa.
Huminga na muna ako ng malalim bago nagsimulang maglakad papuntang silid ko. Medyo malawak kasi ang daan dito kaya malayo-layo din yung lalakarin ko. Hindi naman kasi ako rick kid para magkaroon ng tulad sa mga nag aaral dito na may mga sasakyan. Napapansin ko nga na ako lang ang naglalakad sa malawak na daan ng unibersidad na ito. Pero wala naman akong paki dahil wala din naman aking paki alam sa kanila.
Napatalon ako dahil sa lakas ng businang galing sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko ang puting mamahaling sasakyan na ngayon ko lang nakita sa boung buhay ko. Mas mahal pa ata sa buhay ko itong sasakyan na ito.
Tumabi ako para bigyang daan yung sasakyan kahit nasa pinaka tabi na ako ng daan. Nagulat ako ng bumaba yung salamin ng sasakyan. Mula sa loob ay nakita ko ang lalaking nag mamay ari ng kulay abo na mga mata, matangos ang ilong nito at mapupula ang labi niya na medyo mamasa-masa pati kilay niyang makakapal na nakadagdag ng kagwapuhan sa kanya.
Professor kaya ito? Pero bakit naka uniporme siya ng pang studyante? Nako naman bigla ata akong naging bobo. Malamang studyante yan. Matured lang ata siya kaya ganon.
"hey baby. Wanna ride with me?" tanong nong lalaki.
Hilaw akong napangiti dahil sa nabasa ko sa mga mata niya. I think playboy itong lalaking ito. Isabay mo pa yung cut ng kilay niya. Hindi ba bawal iyon?
"nako hindi po, salamat nalang." tanggi ko.
Ngumiti siya sa akin bago tinaas ang salamin at pinaandar na yung sasakyan niya palayo sa akin.
Sino kaya iyon? Parang familiar siya sa akin pero hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita. Baka artista yun? O baka naman modelo?. Napakamot nalang ako sa aking ulo bago ulit naglakad at baka malate pa ako sa unang klase ko.
"OMAYGOD! Andito na sila! Andito na ang RB!" rinig kung sigaw nong isang kung kaklase na babae.