Kabanata8

311 4 0
                                    

SIMULA nong araw na iyon ay araw-araw na kaming lumabas ni zane para magdate. Pinakilala din niya ako sa pamilya niya at masaya naman ako dahil tanggap nila ako at nagpasalamat din sa akin ang ina ni zane dahil sa akin daw nagbago ang anak nila at naging mabait.

Mabait naman talaga si zane, hindi ko maipaliwanag kung gaano siya kabait na lalaki at nobyo. Marespito din siya sa mga babae lalo na sa akin. Minsan nagpapaalam pa siyang bago niya ako hawakan, yakapin o halikan sa pisgi o kahit sa noo ko.

Ewan ko ba kung bakit ang swerte ko sa nobyo ko? Alam ko sa sarili kung siya na yung lalaking para sa akin. Siya na yung makakasama ko habang buhay.

Habang matahimik kung hinihintay si zane dito sa paborito naming lugar ay may biglang sumulpot na malaking paro-paro sa gilid ko. Namangha naman ako sa kanya ng dumapo siya sa kamay ko na nakapatong sa mga hita ko.

Nang gumalaw ako ay lumipad ito palayo sa akin kaya sinundan ko ito hanggang sa likod ng college building. Sinundan ko ito hanggang sa makadating ako sa nag iisang punong mangga dito sa likod. Dumapo ang paro-paro sa isang bulaklak bago na naman ito lumipad. Dahil nga sa pagkamangha ko sa pagsunod sa paro-paro ay nakita ko nalang ang sarili kung nakatayo sa maganda lugar kung saan may maliit at malinis na batis, napalibutan ito ng matatayog at nagsasayawang mga puno ng kahoy. Ang ganda naman sa lugar na ito. Gawin ko kayang secret place o dika tambayan sa tuwing wala kaming klase.












"FAIRY!" napalingon ako sa likod dahil sa narinig ko yung pangalan ko. Napangiti ako nang makita ko yung dalawang taong pamilyar sa akin.

"tonton, princess. Anong ginawa niya dito?" masaya kung tanong.

"grabe ka, wala man lang hug?" may bahid na tampo sa boses ni princess.

Lumapit ako sa kanila at niyakap sila ng sabay. "miss kana namin girl." tulad ni princess ay malungkot din ang boses ni tonton.

Si tonton at princess ay sila yung mga matatalik kung kaibigan sa dati kung paaralan at ngayon na andito na sila maging masaya pa lalo ako.

"miss na miss ko na rin kayo. Kumusta na pala kayo? Dito na ba talaga kayo mag aaral?" hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila.

"yes. At doon din kami titira sa baording house mo." nakangiting turan ni tonton.

Napangiti naman ako lalo. Salamat naman at hindi na ulit ako mag iisa. Kahit andiyan naman si zane pero iba parin kasi kung sila yung kasama ko dahil para ko na silang mga kapatid- hindi pala dahil kapatid na talaga ang turingan namin sa isa't isa.

Sa paglipas ng buwan ay masaya naman kaming tatlo, at napakilala ko na din sila kay zane. Tuwang-tuwa naman si princess at tonton dahil sa wakas daw ay meron ng lalaki akong minahal.

"hindi daw makakapunta si zane dahil busy daw siya." sabi ko sa kanila.

"edi tayo nalang tatlo." masaya namang lumapit si tonton sa akin sabay akbay. Okay lang naman sa akin ang ganitong ugali ni tonton nasanay na ako yung bigla-bigla siyang aakbay minsan yayakap at hahalik sa pisngi ko sanay na ako diyan, matagal ko ng sinanay ang sarili ko sa kanya dahil pari-pariho naman kaming mga pusong babae dito kahit pa lalaki si tonton. Bakla kasi siya.

"saan palang lugar iyon?" nakita ko yung pagtinginan nila princess at tonton.

"basta malalam mo mamaya." lumapit na si princess sa akin at hinawakan ang kamay ko.














ANONG lugar itong pinuntahan namin? Bakit ang daming tao at maingay? Ito ba yung tinatawag nilang bar? Kung saan nag iinom ang mga tao at nakikipagsayawan sa kahit sino?

Zane Mendes[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon