WHAT happened? Bakit ganon si zane? Akala ko mahal niya ako? Bakit feeling iniiwasan niya ako. Pumunta siya sa bahay namin pero hindi para sa akin kundi sa anak namin. Nasasaktan ako alam niya ba iyon?
Nasasaktan ako dahil mahal na mahal ko siya. Nasasaktan ako dahil sa panlalamig niya sa akin. Simula nong umuwi kami galing sa bahay nila papa, kinabukasan ay bigla nalang nawala yung zane na nakilala ko. Ang sakit sa totoo lang. Kinakausap niya ako pero ibang iba yung pakikitungo niya sa akin hindi tulad dati na may kasamang lambing at pagmamahal.
Hindi na din kami nag se-sex at subrang miss na miss ko na siya.
Napatingin ako sa kanya ng tumayo siya at naglakad na papuntang pinto.
"zane wait?" pigil ko sa kanya.
Gabing gabi na pero uuwi parin siya. Lumapit ako sa kanya.
"m-may problema ba?" lakas loob kung tanong. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita yung mukha niya.
"aalis ako."
Aalis siya? "iiwian mo ba ulit kami?" naluluha na ako.
Humarap siya sa akin at tiningnan akong mabuti.
"iiwan mo ba kami? Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba babawi ka sa amin ng anak mo. Pero bakit kapa aalis? Bakit ka aalis ngayong mahal na kita." tuluyan ng bumagsak ang luha ko kaya napayuko nalang ako.
"sorry." aniya.
Inangat ko yung mukha ko. "bakit kaba sorry ng sorry! Hindi ko naman kailangan yan zane! Ikaw ang kailangan ko-namin. Ikaw, ako at yung anak natin." napahagulhol na ako.
Hindi niya naba ako mahal kaya siya aalis? May bago na ba siya na mas maganda, sexy at mabait pa sa akin?
"zane, ikaw lang yung gusto ko. Wag mo nalang kaming iwan please. Masasaktan ako, si zuzi iiyak yun pag wala ka. Mahal na mahal ka namin."
Napayuko siya sabay mura ng malulutong. Humarap ulit siya sa akin at saka ako siniil ng halik na agad ko namang tinugonan.
"babalik ako...... Babalik ako baby. May kailangan lang akong ayosin. Promise na hindi ka pupunta kahit saang lugar na andon ako. Kung mag cross man tayo kahit saan...... Please avoid me."
Nangunot naman yung noo ko. "zane."
"promise me baby. Dalawang taon lang yung hinihingi ko sa inyo."
naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Ano bang problema ng lalaking ito?
"listen beautiful woman. I want you to avoid me as long as you can. Wag kang matigas ang ulo, buti pa yung anak mo naiintindihan ako."
Nanlaki ang mata ko. "alam ito ng anak mo?" tumango naman siya.
"babalik ako. Pangako...... Pagbalik ko papakasalan na kita at gawin ng asawa ko."
"saan kaba kasi pupunta?" hindi ko mapigilang mainis. Nakakalito kasi siyang intindihin.
"i love you forever baby and soon to be mrs. Mendes. Pangako sa pagbalik ko mag iiba na ang surname mo. Ihaharap agad kita sa simbahan kahit ganito pa ang sout nating dalawa." napatingin naman ako sa sout namin.
Naka pantulog na ako samantalang siya ay naka jeans na may cut sa tuhod, black polo T-shirt and nike shoes. Ang gwapo niya sarap pakpakin.
"pero bago ka umalis." napakagat ako ng aking labi dahil nahihiya akong sabihin sa kanya ang bagay na iyon. Baka sabihin niya pang ang libog ko na kahit medyo totoo naman. Kasalanan naman ng lalaking ito kung bakit ako adik sa kanya.