PAGKATAPOS akong samahan ni mama celine sa pamimili ko ay umuwi na agad ako. Nakwento ko yung nangyari sa akin pero pawang mga kasinungalingan lang lahat ng iyon. Ayaw kung sabihin sa kanila ang totoong nangyari sa akin. Hindi mona sa ngayon. Hahanap lang muna ako ng time para doon.
Dahil naka redlight ay hininto ko ang sasakyan ko. Palingon-lingon ako sa paligid at napako ang paningin ko sa isang gilid. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nakita ko. Si art yun? Hindi ako pwedeng magkamali. May kasama siyang babae at mukhang nobya niya dahil magkahawak ang kamay nila.
Parang may hinintay sila. Ang laki na ng kapatid ko at marunong ng mag jowa-jowa parang kailan lang bumabaha pa ang higaan namin dahil sa ihi niya.
Isasara ko na sana ang bintana ko dahil malapit na yung time ay napabaling ako sa katabi kung sasakyan. Edi siya na ang mayaman. Nasa pilipnas lang pero kailangan pang naka lambo, papansin din. Isinara ko na yung bintana at mabilis na pinakatakbo ang sasakyan ko.
"MOMMY." masayang kumaway ang anak ko sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Habang tumatagal ay lalong lumalabas yung pagiging mendes niya. And i hate that. Lalo na ngayon na paliit ng paliit ang mundo na tinatayuan naming mag iina.
Tumakbo ang anak ko papalapit sa'kin at sinalubong ako ng mainit at mahigpit na yakap.
"i miss you mommyko."
Napangiti ako sa ugali ng anak ko ngayon. Minsan lang kasing maglambing tong batang ito.
"miss na miss din kita babyko. kumusta ang first day of school sa bago mong paaralan?" kumalas ako at pinusan ko yung mga pawis niya sa noo at leeg niya. Napaka pawisin talaga ng batang ito.
"okay lang po mommy, masaya po marami po akong nakilalang new friends, new classmates and new teachers and i like them all mababait po sila sa akin." masaya niyang wika.
"that's good baby. At dahil diyan, ibibili kita ng malaking gallon ng ice cream basta promise me na kakain ka lang ng sapat para hindi sasakit ang tiyan mo." tumalon-talon naman siya at saka ulit ako niyakap.
"thank you mommy. And i love you mommy from the deepest of my heart."
Na touch naman ako sa anak ko. That's why she's my straight and light dahil sa ka-sweetan niya kahit minsan pilya at medyo sumasakit ang ulo ko sa mga ginagawa niya para lang makita niya ulit yung multo niyang kaibigan. Pero napaka swerte ko dahil binigay siya sa akin ni lord.
"i love you too baby."
"TO THE ICE CREAM LAND!" excited niyang sigaw. Kulit talaga.
At dahil malapit lang ang ice cream land sa school nila zuzi ay wala pa limang minuto ay andito na kami at kasalukuyan ng namimili ang anak ko ng mga bagong labas ba flavor.
"mommy what is that? Ba't ang creepy ng color niya po." turo niya sa kulay red na ice cream.
"ah, excuse. Anong flavor po ito?" tanong ko sa nagbabantay.
"sili po ma'am pero hindi po masyadong maanghang. Nandon parin ang tamis ng ice cream na ito." paliwanag ng babae.
Binalingan ko ng tingin si zuzi nakanguso lang siya.
"gusto mong i-try?" tanong ko sa anak ko.
Umiling siya. "i hate the color ang creepy like the blood. Dark Chocolate, ube and durian nalang po sa akin mommy."
"okay." agad kung sinabi sa babae ang order namin. "miss, balikan lang namin yan."
"sige po ma'am."