Kabanata14

279 5 0
                                    

ILANG araw akong hindi pumasok dahil sa mga nangyari nong nakaraang araw. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari sa aming buhay. Si papa ngumingiti na siya pero nakikita namin ni art na pilit lang iyong mga pinapakita niya sa amin. Nong kahapon umuwi siyang subrang lasing. Yun ang unang beses na naging ganon si papa. Pero naiintindihan namin siya dahil ama namin siya.

Nasa bukana palang ako ng pinto ng silid namin ay napansin ko na yung mga petals ng mga iba't ibang kulay ng rosas. Sino naman kayang maglagay ng mga ito? Napaangat ang mukha ko at doon ko nakita si zane na may hawak na gitara habang yung mga kaklase namin ay tahimik lang na pinapanood kami.

Nagsimulang galawin ni zane ang wire ng gitara niya at kasunod ang kanta.


Well, I will call you darlin' and everything will be okay
'Cause I know that I am yours and you are mine
Doesn't matter anyway
In the night, we'll take a walk, it's nothin' funny
Just to talk

Put your hand in mine
You know that I want to be with you all the time
You know that I won't stop until I make you mine
You know that I won't stop until I make you mine
Until I make you mine

Well, I have called you darlin' and I'll say it again, again
So kiss me 'til I'm sorry, babe, that you are gone and I'm a mess
And I'll hurt you and you'll hurt me and we'll say things we can't repeat

Lumapit siya sa akin habang patuloy parin siya sa pagkanta at paggitara. Yung mga kaibigan naman niya ay may mga dalang tatlong klaseng kulay na rosas. Red, pink at white.

Huminto siya sa pagkanta at paggitara at saka tumingin sa akin ng subrang seryoso. Hinawakan niya yung kamay ko, gusto ko sanang bawiin ito kaya lang nawala ako sa isip parang dinala ako ni zane sa ibang mundo gamit lang ang kulay abo niyang mata. Pati puso ko ay subrang lakas ng pintig na kahit anong oras ay pwede itong lumabas.

"Put your hand in mine
You know that I want to be with you all the time
You know that I won't stop until I make you mine
You know that I won't stop until I make you mine
Until I make you mine.." kanta niya ulit, walang kahit anong intrumento na sumabay sa kanyang maganda at malamig na boses.

"z-zane." hindi ko mapigilan ang luha ko.

"arriane, hindi ako titigil hanggang hindi kita mapapasagot. Gagawin ko lahat makuha ang matamis mong oo." sabi niya nang akmang hahalikan niya yung likod ng palad ko ay agad ko itong binawi.

Umatras ako mg kunti sa kanya. "bakit mo ba ginagawa ito?"

"arriane mahal kita. Mahal na mahal."

Umiling ako, hinubad ko yung sout kung salamin dahil mas lalong lumabo ang mata ko dahil na din sa luha ko. Tiningnan ko siya.

"hindi.......... Hindi kita mahal zane. Wag mo nalang sayangin ang oras mo sa akin. Sa iba mo nalang itoun yang pagmamahal na para sa akin."

"hindi parin ako titigil arriane. Ikaw lang gusto ko."

Pinahid ko yung luha ko. "please. Isa lang gusto ko sa paaralan na ito. Yun ang diploma. Wala na akong ibang gustong makuha dito yun lang." napaluha ulit ako.

"arriane, when i first met you alam kung i-"

Umiling ako. "stop it zane. Please pagod ako. Wag muna akong guluhin wala kang makukuha sa akin. Sa iba nalang please." paki usap ko at nag tuloy-tuloy sa upuan ko. Hindi ko pinansin yung mga kaklase ko at nilabas ko yung libro sa bag ko.

"arriane." malungkot na boses ni ash.

"okay lang ako. Wag mo nalang akong pansinin. Iwasan mo nalang ako." mahina kong paki usap sa kanya ng hindi siya tinatapunan ng tingin.

Zane Mendes[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon