TAHIMIK ko ngayon binabaybay ang kahabaan ng pasilyo papunta sa room. Maaga pa naman kaya mabagal lang yung lakad ko. Aakyat na sana ako ng second floor ng may biglang humablot ng balikat paglingon ko ay nagulat ako ng makilala ko siya.
"teka lang po ms. Hanna, masakit po yung balikat ko." mahinahon kung sabi dito. Oo si hanna uy ang babaeng nakahawak sa balikat ko ngayon at hindi lang ito simple hawak lang dahil may halong diin at baon ng mahahaba niyang kuko.
Dinala niya ako sa gilid ng building kung saan wala masyadong nagpupunta na studyante dito. Tinulak niya ako dahilan nang pagbangga ng likod ko sa mahaba at malamig na pader ng gusali. Kahit masakit ay tiniis ko na lamang ito. Tinapunan ko siya ng mga tingin.
"who the fvck are you? Anong karapatan mong landiin ang babe ko?!" nanlisik yung kulay tsokolate niyang mata.
Babe? Si zane ba yung tinutukoy niya.
"hindi ko naman nilandi si zane mendes hanna, nagkamali ka lang." mahinahon parin yung boses ko.
Natawa siya. "i see, you look like fairy. I mean ka ugali mo siya. A freaking maria clara attitude! But the hell i don't fvcking care! Ang gusto ko lang ay layuan mo si zane kung ayaw mong matulad kay fairy." taas kilay niyang turan.
"nagkamali kalang talaga hanna, kaklase ko lang talaga siya. At ayaw ko ng gulo."
"mabuti naman kung ganon. At wag na wag kang magkakamali na akitin siya kung ayaw mong matikman ang kademonyuhan ko. Maliwanag?!"
Kanda-tango ako sa kanya bago niya ako inawan. Napahawak ako sa puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. Nakakatakot siya, at si fairy sino kaya siya bakit dalawang tao na yung nagbanggit sa akin ng pangalan na yan? Sino ba siya sa buhay nila?
SAAN papunta ang lugar na ito? Bakit may butas ang pader na ito. Natabunan siya sa mga damong matatayog at mga damong gumagapang sa pader paataas. Hinawi ko pa lalo yung mga damo at sumilip sa butas. Wala naman akong kakaibiang nakita maliban sa matatayog na puno. Magubat pala ang likod ng DLU? ngayon alam akala ko kasi napalibutan itong DLU ng mga matatayog din na mga building. Sa room kasi namin hindi makita dahil sa makapal na kurtina at hindi nila binubuksan ang bintana dahil nga naka air-con kami. At nong dinala naman nila ako sa rooftop ay hindi ko naman nakita masyado ang paligid dahil sa subrang kaba na naramdaman ko nong mga araw na yon.
Dahil sa curiosity ko ay lumusot ako doon sa butas at nagkasya naman ako dahil medyo may kalakihan ang butas na ito. Mula sa tinatayuan ako ay nakita ko ang mga puno nag sasayawan dahil sa malakas na ihip ng hangin. Sumilip muna ako sa relo ko sa kabilang pulsuhan. May 25 minutos pa ako para usisain ang lugar na ito.
Buti nalang at hindi masyadong mataas ang mga damo dito. Naglakad ako ng naglakad hanggang nakita ko nalang ang sarili kung nakatayo sa isang malinis at maliit na batis. Sa gilid nito ay may maliit na pahingahan na mukhang luma na dahil sa mga damong gumagapang na haligi nito.
Sinuri ko talaga ang batis na ito, pati yung tubig niya ay kumuha ako at nilagay ko sa mineral bottle na hawak ko. Napangiti ako ng makitang malinis ito. Mukhang fresh water itong tubig na ito. Lumapit naman ako sa maliit na pahingahan at sinuri din ito baka may biglang sumulpot na ahas at makagat ako.
Nang masiguro kung maayos naman at walang ahas ay dahan-dahan ko itong nilinis gamit ang maliit na piraso ng sanga, yun ang ginawang pangputol sa mga damo.
Ito na yung bago kung tambayan ngayon. At sa akin na lugar na ito. Sino kaya ang nagmamay ari nito dati? Buhay pa kaya? Palingon-lingon ako sa paligid dahil parang may nararamdaman akong nagmamasid sa akin.
Baka gutom lang ito, pero katatapos ko lang kumain. Umupo na muna ako sa malaking bato habang nakatingin sa malinis na tubig.
"tulungan mo ako."