MABILIS lumipas ang araw at buwan wala namang pagbabago sa aking buhay maliban sa naging mabait na si tita alyana sa amin ni art at mas naging close pa kami ni zane at ang mga kaibigan niya. Minsan lang hindi ko mapigilan ang sarili kung mainis sa kanilang tatlo lalo na kay leonard. Pagtulakan ba naman akong ligawan si zane. Bawal pa kaya sa akin iyon at isa pa hindi ko naman siya mahal. Wala akong nararamdaman sa kanya na kahit anong tibok ng aking puso, tulad sa mga napapanood ko sa teleserye.
Bagamat mabait naman siya sa akin pero hindi parin yun aking basihan para mahalin ko ang isang tulad niya. Oo gwapo siya, mayaman at halos ata ng babae gusto siyang maangkin. Pero iba ako, hindi tulad niya yung mga gusto ko at type kung lalaki, gusto ko yung mga tulad ng ama ko.
"arriane!" rinig kung sigaw sa likod ko, kaya lumingon ako. Si zane lang pala, mukhang di pa talaga binabalik sa kanya ang sasakyan niya.
"hi, kumusta ang araw?" tanong ko ng makalapit na siya sa akin.
Ngumiti namn ito sa akin. "okay lang masaya."
Sabay na kaming naglakad papuntang room namin. "halata nga." yun nalang ang nasabi ko.
"free kaba bukas?"
Napalingon naman ako sa kanya. "bakit?"
"birthday kasi ng bunso naming kapatid, may party sa bahay gusto sana kitang imbitahan kung okay lang sayo?"
Napanguso ako. "gusto ko sanang pumunta ang kaso baka hindi ako payagan ni papa." i love party, pero hindi iyong party na may mga alcoholic drinks yung merong malalaswa. Gusto ko kasi iyong may clown na nagpapatawa like kids party, ganon. Nakakaaliw lang talaga ako sa ganoong piging.
"then, ipapaalam kita sa papa mo. Kung gusto mo isama mona din yung bunso mong kapatid total kids party naman yun." mas lalo akong nalungkot. Mayaman sila zane for sure meron clown yung party ng kapatid niya.
"paano?" napatingin ako sa kanya, pero isang ngiti lang ang tinugon niya sa akin.
HINDI ko alam kung paano napapayag ni zane ang ama namin. Subrang saya ko at excited dahil sa pagpayag ni papa na sumama kami at dumalo sa party ng kapatid ni zane.
"ate, kinakabahan po ako."
"ako din naman bunso, ito ang unang beses natin na dumalo sa pang mayaman na party."
"wag kayong kabahan. Andito naman ako." napalingon ako sa driver seat. Napangiti tuloy ako ng magtama ang tingin namin ni zane.
"salamat." yun na lamang ang nasabi ko dahil nahihiya at naiilang din ako sa mga tingin niya sa akin.
Dumating naman agad kami sa bahay nila at isa lang ang masasabi ko. Isang malaking WOW! ang ganda at laki ng bahay nila. Malaki ito sa mga tulad naming mahihirap. Tapos ang ganda pa ng palibot ang laki ng bukuran nila at ang gaganda ng mga bulaklak.
Bigla tuloy akong kinabahan at nahiya dahil sa sout naming magkakapatid. Naka-dress ako ng kulay sky blue hanggang tuhod lang ito at hindi siya sleeveless, naka-flat shoes lang at yung buhok kung mahaba, matuwid at maitim pa sa mga mata ko ay laglag lang ito as usual nakasout parin ako ng salamin. Ni hindi ko alam kung bagay sa akin lahat ng kasoutan ko ngayon.
Si art naman naka-polo na white, black jeans at yung pangmalakasan niyang regalo ni papa na nike shoes. Ang gwapo nga ng kapatid ko binatang-binata ang dating.
Nang huminto ang sasakyan ay mas lalo akong kibahan. Alam kung mababait ang mga mendes pero natatakot parin ako at nahihiya.
"hindi ko kayo iiwan kaya don't shy. Andito lang ako parati sa tabi mo arriane." nakangiting sabi ni zane.