ILANG oras, araw, buwan at taon nang lumipas. At malaki ang pasasalamat ko sa diyos dahil buhay pa ako at boung-bou pa ako. tatlong taon lang akong nagkaroon amnesia nagulat nalang akong isang araw yakap-yakap ko na ang sarili ko at umiiyak dahil sa biglang pagbalik ng lahat na nakaraan ko. Buti nalang at walang nakakita sa akin nong mga araw na iyon kahit si te ay hindi nakita ang pangyayaring iyong.Hindi ko din sinabi kay te na bumalik na yung alaala ko. At wala din akong akong plano na sabihin sa kanya dahil natatakot akong makaharap ang lalaking naging dahilan kung bakit ako nawalay at nangungulila sa pamilya ko sa loob ng ilang taon.
Nasisilayan ko lamang sila pero marami nang nagbago, hindi ko na sila malalapitan, mayakap at mahalikan. Miss na miss ko na sila pero pinigilan ko ang sarili kung magpakita sa kanila. Masaya na rin sila lalo si papa alam kung nasa mabuting kamay na sila kasama ang babaeng tumanggap kay papa ng boung puso si tita celine. Masaya na akong makita silang nakangiti at mas lalong naging masaya ako dahil nagkaroon pa ako ng kapatid ulit na lalaki, nagkaroon pa ng anak si papa kay tita celine. Kahit nawala ako alam kung naging masaya naman sila at namuhay ng payapa sa bago nilang pmailya.
Napalingon ako sa katabi ko, napangiti ako ng mapait. Sa aking pag iisa at madilim na mundo ay meron naman nagsilbing ilaw kahit paano.
Hindi ako makapaniwalang magkakaroon ako ng bagay na ito. Siya yung nagsalba sa akin, yung naging ilaw ko sa madilim kung kahapon, siya yung naging sandigan at pader ko, at siya yung naging mundo ko simula nang dumating siya.
Sa kanya nalang ako kumukuha ng lakas kahit medyo may pagka pilya ito batang ito. Siya ang lakas at kahinaan ko. Ang ayaw ko lang talaga sa kanya ay yung kulay ng mata at pagkahawig niya sa hayop niyang ama. Pero hindi ko naman pwedeng kamuhian ang batang walang kasalanan.
Mahal na mahal ko ang anak ko kahit may pagkabibo at ligalig ito. Hindi ako mapapagod na alagaan siya dahil siya nalang ang meron ko ngayon.
"mahal na mahal kita baby zuzi." kahit pangalan niya ay sinunod ko sa ama niyang gago kahit na may galit ako doon.
Hinaplos ko ulit ang maliit at mataba niyang pisngi bago ko pinikit ang mga mata ko.
"ZUZIBINI!" tawag ko sa anak ko. Napailing nalang ako sa mga nakita ko pagkababa ko ng sala.
Mula sa kusina ay lumabas ang bata nakangiti ito habang naka kwentas ito ng maraming bawang sa leeg. Koronang gawa sa dahon ng ampalaya at may mga hawak siyang kandila.
"zuzi ano naman ba ito?" kanda iling akong lumapit sa kanya.
"nang ha-hunting po ako ng ghost mommy." napasapol nalang ako sa noo ko.
Here we go again! Ugali niya na talaga itong bagay na ito. Imbes na magalit sa kanya ay hindi mo maiwasang pangiti sa isip ko. Ang cute niya kasing tignan ngayon.
"anong konek ng mga ito sa pang ha-hunting mo ng ghost?" tukoy ko sa mga nakasabit sa katawan niya.
"Experiment lang po ito mommy malay natin baka may makita ako." humagikhik siya at tumakbo papunta doon sa sala kung saan may naka lagay na asin pabilog ito, pumunta siya sa gitna at sinindihan ang kandila na hawak niya.
Pipigilan ko na sana siya ng nauhan niya akong magsalita. "don't worry mommy okay lang po ako. Promise hindi masusunog ang bahay basta magpakita lang ang ghost sa akin."
"hindi naman kasi totoo ang mga bagay na yan anak." saad ko dito.
Napasimangot siya. "no, bakit kasi hindi ka naniniwalang may friend akong ghost."
Ilang ulit niya ng nabanggit ang bagay na yan. Na may kaibigan raw siyang ghost, lalaki. Na niniwala naman ako sa kanya kaya lang natakot ako na baka ito pa ang magdala sa kanya sa kapahamakan. Natatakot akong dumating ang araw na yun.