"ANO bang kailangan niyo sa akin? Hindi naman ako nagsumbong pangako. Pakawalan niyo na ako dito baka nagsimula na yung klase natin." pagmamakaawa ko tatlong lalaking nasa harapan ko ngayon.
"hintayin nalang natin si zane, nerdy girl." nakangiting turan ni teo.
"sige naman oh, pakawalan niyo na ako dito." pangungulit ko talaga sa kanila.
"wala pa si zane." boses naman ni leonard na busy sa selpon niya.
"please na kasi. Hindi naman talaga ako nagsumbong at wala din akong balak isuplong kayo sa mga pulis. Ayaw ko po ng gulo. Aral lang yung pinunta ko dito."
"si zane nalang ang kausapin mo maria clara." pabirong wika naman ni macoy.
Nabuga nalang ako ng hangin. Sana pala hindi nalang ako umepal kagabi edi sana wala ako dito ngayon at sana hindi ako nakagapos ngayon. Pagpasok ko sa gate kanina ay sila agad yung nakita ko hindi narin ako nakatakbo dahil nahawakan na nila ako at mabilis na hinatak dito sa rooftop natakot pa nga ako dahil baka ilaglag nila ako.
"matagal pa si zane? Baka malate na tayo."
"bago lang nag 8." tugon naman ni leonard na busy parin sa pagtipa ng selpon niya. Binalingan ko naman ng tingin si macoy at teo na pariho na ding busy sa kanya-kanya nilang mahahaling selpon.
Anong oras ba dadating yung zane na yon? Medyo nangangalay na yung pulsuhan ko pati yung pwet ko nanigas na dahil kanina pa ako naka upo. Bakit kasi kailangan pa ganituhin ako. Hindi ko naman sila tatakasan.
Sabay-sabay kaming napalingon sa metal na pinto palabas dito sa rooftop, mula doon ay niluwa ng pinto ang gwapong lalaking na may mga kulay abo na mata at nagsalubong ang makakapal nitong kilay.
Buti naman at dumating na siya. Pero natakot ako sa aura niya ngayon ibang iba sa nakikita ko araw-araw.
"anong nangyari?" tanong ni macoy. Mukhang nabasa din nila ang hindi magandang timpla ng mukha ng kaibigan nila.
"bwisit! Nalaman ni mommy at daddy." inis naman niyang tugon.
"pano yan?" si teo.
"ayon, kinuha ang susi ng sasakyan ko pati susi ng condo ko. Bwisit! Fvck! Pati lahat ng cards ko sinali na." mas lalo akong natakot ng binalingan ako ni zane nang nagbabaga niyang mga mata.
"alis na muna kami." paalam ni leonard.
"wait lang paano ako? Sasama na ako sa inyo." pero hindi nila ako pinansin at tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa nag uunahan silang nagtatakbuhan. Problema ng mga yun?
Binalik ko yung tingin ko kay zane, nakalapit na pala siya sa akin hindi ko man lang napansin. Napaayos ako ng upo, ng umupo rin siya sa harapan ko gamit yung plastik na upuan.
"z-zane, b-baka magsimula na yung klase natin. Ayaw kung malate." namamawis yung noo na saad ko.
Tiningnan lang niya ako at parang sinuri ang boung mukha ko. Nanlamig ang katawan ko ng maramdaman ko yung palad niya sa hita ko. Kandalunok ako dahil sa pinaghalong kaba at takot.
"z-zane yung k-kamay mo." nakahinga naman ako ng maluwag ng inalis niya yung kamay niya. Pero yung mga mata niya ay nasa akin parin nakatoun, nakakailanga na hindi ako sanay na may tumitingin sa akin ng ganyan katagal o ganyang paraan ng pagtingin. Feeling ko kasi iba na yung mga tumatakbo sa isip nila. Hindi naman ako judgmental na tao sadyang napaka conservative lang talaga ako sa aking sarili.
"it's all your fault nerdy girl. Kung hindi ka lang kasi umepal kagabi edi sana masaya ako ngayong araw na ito." napayuko ako sa sinabi niya.
"sorry, natakot lang kasi ako at nag-alala sa babae baka mapilayan siya. Babae kaya iyon." paliwanag ko.