MAGDAMAG lang akong umiiyak habang naka-yakap sa sarili ko. Ang hayop na zane mendes na iyon! Galit na galit ako sa kanya! Gustong gusto ko siyang saksakin ng paulit-ulit dahil sa ginawa niya sa akin. Nagtiwala ako, pinagkatiwalaan ko siya at tunuring ko siyang kaibigan. Tinulungan ko siya kay fairy pero ito lang yung ibabalik niya sa akin.
Subrang sakit ng boung katawan ko lalo na yung puso ko. Boung-bou ang tiwala ko sa kanya na iba siya sa lahat.......... Na iba siya sa LAHAT! Pero nagkamali ako.
Subrang dumi ko na! subrang sama ng loob ko sa kanya! Subrang sakit! Parang gusto ko nalang mamatay, gustong gusto kung tapusin ang buhay ko ngayon pero hindi pwede dahil alam kung mas lalong masasaktan si papa at art pag nawala pa ako. Ayaw ko silang iwan dahil mahal na mahal ko sila.
Mas lalo kung siniksik ang sarili ko sa isang sulok ng biglang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung saan ako ngayon dahil nagising na lamang ako sa isang malaki at malambot na kama. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng demonyo na ito! Basta ang huli ko lamang na aalala ay yung mga kababuyang ginawa sa akin ng lalaking nasa gilid ko na ngayon.
Alam kung nakatingin lang siya sa akin ngayon. Kanina pa din siya pabalik-balik rito sa kwarto at kinakausap ako pero hindi ko siya sinasagot, hikbi lang at hagulhol ang naririnig niya sa'kin.
"arriane." mahinahong bigkas niya sa pangalan ko.
Nakita ng gilid ng mga mata ko yung paglapag ng tray kung saan nakalagay ang masasarap at mukhang mamahalin na mga pagkain. Umupo siya sa harapan ko pero hindi ko parin siya tinatapunan ng tingin, natatakot akong gawin at baka mas lalo lang akong masaktan sa mga kababuyang ginawa niya sa akin. I hate him! Galit na galit ako sa kanya boung katawan ko ay ayaw sa kanya.
"mahal na mahal kita arriane. Kaya ko lang nagawa yun dahil disperado na akong mapa sa akin ka." umiling ako habang nakapikit.
Ang sama mo paring hayop ka! Sinira mo lang yung tiwala ko sayo! Gago ka!
Hindi ko mapigilan na mag magalit at magmura sa isip ko. Subra wasak ang puso ko. Ang babaw na ng tingin ko ngayon sa sarilo ko dahil sa kanya.
"arriane." tinabig ko yung kamay niya ng dumampi iyon sa balikat ko. Nadidiri ako sa kanya! Nadidiri ako sa sarili ko!
Hindi ko mapigilan ang paghagulhol dahil sa mga bumabalik na alala sa amin kagabi. Bakit niya nagawa sa akin ito!? Bakit niya ako nilinlang!? Naramdaman ko na din yung panginginig ng boung katawan ko.
"i'm sorry." pumiyok yung boses niya.
At dahil doon ay sunod-sunod na ang pagsinok ko. Hindi ko na kaya.
"nagtiwala ako sayo zane." nanghihina parin ang boses at katawan ko dahil sa nilagay niyang gamot doon sa tubig na ininom ko kagabi. Hindi ko alam kung ano iyong nilagay niya. Basta walang lakas ang boung katawan ko kagabi pati boses ko ay halos bulong lang, gusto kung sumigaw pero parang may bumara sa lalamunan ko sa tuwing gagawin ko iyon.
"sorry."
Umiling ako, nakayuko parin ako. Hindi ko talaga siyang kayang tignan.
"susubukan ko na sana zane........ Susubukan ko na sanang turuan ang puso kung mahalin ka pero anong ginawa mo? Sinaktan mo ako. Napaka hayop mo! Napaka demonyo mo!" paos-paos yung boses na sabi ko.
"sorry arriane."
"ang sama mo! Subrang sakit zane, subrang sakit ng ginawa mo sa akin. Nagtiwala ako sayo pero binaboy mo ako, kinuha mo yung ka-inosentahan ko!" na-ikuyom ko yung kamao ko dahil sa labis na sakit ng puso ko. "I HATE YOU, PUTANG INA KA!" hindi ko mapigilan ang sarili kung murahin siya.