"PA, na niniwala po ba kayo multo?"
"bakit mo naman naitanong yan anak?"
Napanguso ako. "wala lang po. Curious lang po kasi ako sa kanila." hindi ko na alam kung ilang beses na akong nagsingaling kay papa nitong mga nakaraang buwan.
Umupos si papa sa kaharap kung upuan. Katatapos lang namin kumain at si tita alyana ayon andon na naman sa pasugalan.
"anak may sasabihin ako sayo. Alam mo ba yung mama ng mama ko ay may third eye. Nakakakita siya ng mga multo. Pero sabi naman ng lolo niyo ay depende lang daw ito sa mga multo kung magpapakita sila, dahil yung iba daw ay gusto lang nilang magpakita sa isang tao dahil nanghihingi sila ng tulong. Kung baga sa madaling salita naghihingi ng hostisya." ani ni papa.
Naalala ko yung sinabi ni ash kanina na hindi pa daw nakita ang katawan ni fairy. kaya siguro nagpakita siya sa akin. Sinabi din fairy na ako ang maging tulay para makapunta na yung kaluluwa niya sa payapa at matimik na tahanan niya.
Kailangan ko ba talaga siyang tulungan? Paano kung ako naman yung mapahamak, paano kung ako na naman yung mamatay? Ayaw ko pang mamatay hindi pa ako handa at ayaw kung iwan si papa at art di ko kayang makita silang nalulungkot at umiiyak.
Kinabukasan ay sinadya ko talagang pumasok ng maaga para puntahan yung batis, gusto kung makausap si fairy ng mabuti. Tanungin ko nalang sa kanya kung saan tinago ang katawan niya para matahimik na siya.
Pagdating ko sa batis ay isang malamig na simoy na hangin agad ang sumalubong sa akin. Tumambay na muna ako ng ilang minuto bago ko naramdaman yung presensya niya. Paglingon ko sa kubo ay andon siya habang nakatayo nakangiti ito sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa mukha niya. Kaya pala inlove na inlove si zane sa kanya dahil maganda naman talaga siya.
Bumaba ako sa bato at lumapit sa kanya ng boung tapang. "tutulungan na kita. Pero sana lang hindi ako mapahamak sa gagawin kung pagtulong sayo." paki usap ko.
Lumapit siya ng kunti sa akin. "pangako ko sayo arriane. Babantayan kita kahit na saan man ako mapunta pagkatapos nito." tumango ako.
"pwede bang malaman ang boung detalye ng nangyari sayo. Hindi naman sa makikichismis ako. Gusto ko lang malaman." nahihiya kung pahayag.
"ok." Naglakad kami papasok sa pahingahan at na upo doon.
•FAIRY SANCHEZ•
NAKAKALUNGKOT, wala akong kaibigan. Paano, bago lang ako dito sa De Loughry University, nakakakailang yung mga tingin nila sa akin lalo nasa sout ko. Anong problema nila sa sout ko. Nakapalda kasi ako below na knee at t-shirt tapos pinatongan ko pa ng blazer tapos yung mga paa ko naka doll shoes na mukhang pa ritero na.
Hindi ko na lamang sila pinansin ay magtuloy-tuloy nalang sa paglalakad, palikod na sana ako ng may biglang bumangga sa akin dahilan nang pagbagsak ko sa sahig ng pasilyo.
"sorry po." paumanhin ko sa nakabangga ko nang hindi man lang ito tinapunan ng tingin. Umupo ako at kinuha ko yung nalaglag na gamit mula sa bag ko, wala kasing zipper itong bag ko para lang itong eco bag na ginagamit sa pamalengke.
Kukunin ko na sana yung paghuling gamit na niluwa ng bag ko ng may biglang sumipa nito kaya napa angat ang tingin ko.
Nakaramdam ako ng takot sa nakita ko. Balita ko kasi ito yung studyante na kinakatakotan sa unibersidad na ito. Si zane mendes.
Dali-dali akong tumayo at yumuko. "pasensya na po talaga. Hindi ko po sinasasyang banggain kayo." paumahin ko. Takot lang akong mapaalis sa paaralan na ito. Ito nalang yung isang dahilan para magpaangat at tumulong sa akin sa kinabukasan ko.