ISANG buwan nang lumipas simula nong gabing sinabi ko lahat ng nalaman ko kay zane mendes tungkol sa dati niyang kasintahan na si fairy sanchez. Naging magaan na yung loob ko, naging masaya na din ako kila fairy at princess dahil alam kung sa mga oras na ito ay nasa paraiso na sila na lugar. Hindi na pagala-gala yung kaluluwa nila at naghahanap ng taong tutulungan sa kanila. Ganito pala kasarap at kaagaan sa puso kung makakatulong ka sa kapwa tao mo.
Pagpasok ko palang sa room namin ay nanlaki agad yung mata ko dahil sa nakita ko.
"sayo ito?" tanong ko ash pagkalapit ko sa upuan ko sabay pakita ng tatlong kulay pulang rosas na nakapatong sa arm chair ko.
"sayo yan. Tignan mo may name na nakalagay sa card, kainggit ka may secret admirer kana." tiningnan ko naman yung card.
Hope you like it.
Arriane❤Maliban sa sulat na iyon ay wala ng nalalagay kung saan galing ito. Umupo ako sa upuan ko, kanino kaya galing ito? Sa naalala ko wala naman akong manliligaw. At isa pa bawal pa akong magpaligaw kung meron man ayaw ko rin dahil fucos na muna ako sa pag aaral ko. Gusto ko munang makatapos at makahanap ng magandang trabaho para matulungan ko sila papa at mabigyan ng maganda bahay at buhay na rin.
"uy, hanep may manliligaw na si nerdy girl." napa angat ang tingin ko dahil sa boses na iyon. Si teo lang pala.
Pakiramdaman ko simula nong nasabi ko sa kanila lahat ng nalaman ko naging malapit na ako sa kanila, minsan din nahuhuli ko si zane na tumitingin sa akin at agad ding iniiwas ang mga abo niyang mata sa akin.
"hindi ko alam kung kanino ito, baka gusto mo? Ibigay mo nalang sa babaeng nililigawan mo." abot ko kay teo.
"grabe ka nerdy girl. Sayo nga yan oh may name mo tapos ibigay mo kay teo." sabat naman ni leonard.
Napanguso ako. "bawal kasi, papagalitan ako ni papa pag inuwi ko ito."
"napaka possessive naman ng papa mo. Baka pa thank you lang yan nong taong nagbigay sayo niyan." paliwanag naman ni macoy.
"hindi talaga pwede, sabi kasi ni papa sa akin bawal daw akong tumaggap nang mga bagay na hindi ko alam kung saan galing at kanino galing dahil baka ito pa iyong magdadala sa akin sa kapahamakan." yun kasi ang pangaral ni papa sa amin nag kapatid ko.
"sayo talaga yan. Tanggapin mo nalang." mayamaya sabi ni zane. Napalingon naman ako sa kanya. Kinausap na niya ako? Napangiti ako sa isip ko.
Aaminin kung nasaktan ako nong nga nagdaang araw dahil hindi niya ako kinakausap at pinapansin yung mga kaibigan niya lang yung bumabati sa akin. Akala ko nga galit siya sa akin kaya ganon, pero ngayon kinausap niya ako.
"macoy is right, baka pasalamat yan nong taong nagbigay sayo niyan." malamig niyang wika.
"baka nga hindi lang pasalamat." pabirong sabat ni teo.
Dahil wala na akong magawa ay tinaggap ko nalang, buti nalang at may dala akong zip lock na plastic. Nilabas ko iyon sa bulsa ng bag ko at isa-isa kung tinggal ang petals nang rose at saka ko nilagay doon si plastic. Kung sino man ang nagbigay nito. Salamat nalang sa kanya.
PALABAS na sana ako nang gate ng harangan ako ng tatlong kaibigan ni zane. Nagataka naman ako sa ginawa nila. Wag nilang sabihin na igagapos na naman nila ako sa sirang upuan? Ano na naman yung kasalanan na nagawa ko sa kanila?
"sumama na muna sa amin saglit lang. May gusto lang kumausap sayo." nakangiting paki usap ni leonard.
"mag-gagabi na kasi at baka andyan nasa labas si papa." alala ko.