Kabanata20

344 7 0
                                    

Warning:SPG!!

Zane.

HINDI ko maiwasang mag selos sa lalaking kaharap ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang itong lalaking ito ang nakasama ng mag ina ko sa mahabang panahon. Terrius de loughry, my number1 enemy kahit noon bata pa. Sila lang ni zakey ang magkaibigan pati si zel. And now malalaman kung may balak siyang pakasalan ang princess ko. 

"so, ikaw pala ang ama ni zuzi?" taas kilay niyang sabi bago uminom ng wine.

"yes, may problema ba?"

Ngumiti siya sa akin bago nag-ayos ng upo. Hambog talaga kahit kailan, kahit noong bata pa kami napaka hambog niya ang damot pa sa laruan.

"buti nalang at hindi nagmana si zuzi sayo. Kung nagkataon." tumawa siya ng mahina. "baka maging tulad mo ang anak-anakan ko."

Umigting ang panga ko sa sinabi niya. Anak-anakan ah? Kung hindi lang ito mahal ng bunso namin baka nasapak ko na ang gagong ito ngayon.

"and you, sa dinami-dami ng babae mo. Bakit sa kapatid ko pa? Baka naman ginago mo lang yung kapatid ko."

Tumawa ulit siya. "kung gaguhan lang ang usapan baka ikaw yun?"

Bullshit! Kunti nalang talaga at masasapak ko na ang bwisit na ito!

"hindi naman kasi ako tulad mo. At isa pa yung kapatid mo ang unang naghabol sa akin, siya ang unang nagmahal sa aming dalawa."

"tss! Ingatan mo lang ang bunso namin kung ayaw mong mabugbog gago ka!"

Tumayo siya at ngumiti ulit sa akin.

"no need to remind me dahil iingatan ko siya na higit pa sa inaasahan mo. And before i leave. Ingatan mo din ang mag ina mo kung ayaw mong ilayo ko sila sayo....... Ulit." aniya.

Tumingin pa siya sa akin at ngumiti bago tuluyang lumabas ng office ko.

"hindi mo na din kailangan sabihin sa'kin ang mga katagang yan de loughry dahil aalagaan at iingatan ko sila ng walang katulad. Mamahalin ko sila na higit pa sa buhay at kayamanan ko sa mundong ito.











Arriane.

"PAPA." lumapit ako sa kanya at saka siya niyakap ng subrang higpit.

"arriane, anak ko." napahagulhol na din si papa habang nakayakap sa akin.

"papa, sorry po kung hindi ako nakapunta sa birthday mo. Natatakot po kasi ako."

"buhay ang anak ko." kumalas si papa at hinaplos ang pisngi ko. "buhay ka, totoo ka nga." hinalikan niya ako sa noo at saka ulit niyakap ng mahigpit.

"sorry po papa kung ngayon lang ako. Sorry kung nasaktan po kayo sa pagkawala ko."

"shhh.. Ang importante ngayon ay andito kana. Miss na miss kana namin ni art." kumalas ulit siya at pina upo ako sa sofa. Hindi ko pala sinama si zuzi dahil may klase pa ito sa susunod ko nalang siya dadalhin dito pag okay na ang lahat.

"papa." hinawakan ni papa ang kamay ko na parang ayaw niya ng bitawan ito parang takot na takot siyang bitawan ang mga kamay ko.

"ano bang nangyari."

Sorry papa pero kailangan kung magsinungaling. Ayaw kung masaktan si zane dahil feeling ko ako yung masasaktan. I love him nakikita ko na talaga bumabawi na siya sa amin lalo na sa akin. Walang araw na hindi siya dumadalaw sa bahay at minsan doon matutulog.

At yun kwenento ko kay papa ang lahat pero puro mga kasinungalingan lang iyon. Ayaw kung magalit siya kay zane at baka ilayo niya pa ako kay zane. Ayaw ko di ko kaya.

Zane Mendes[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon