KANINONG sasakyan itong nakaparada sa harapan ng bahay namin? Kulay pula at mukhang mamahalin din, hindi man kasing ganda tulad kay zane pero alam kung mahal din ito.
"ito bang bahay niyo?" tumingin ako kay zane.
"Oo." tipid kung sagot.
Napahinto kami sa paglalakad dahil mula sa bukana ng bahay namin ay lumabas doon bigla ang isang babae na maganda, maputi, mahaba ang itim nitong buhok at matangkad din kasing tangkad ata nitong si zane mendes na tahimik lang din sa gilid ko.
Hindi naman sana ako papayag sa alok niya kanina pero makulit talaga siya kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag.
"kilala mo yan?" tanong ulit ni zane.
"hindi eh, ngayon ko lang nakita ang babaeng yan." mula ulit sa pinto ng bahay namin ay lumabas si papa at sa akin agad nakatingin ang kulay itim niyang mata. Napansin ko yung pagsalubong ng kilay niya ng makita niyang may kasama ako at lalaki ito. Pati tuloy yung babae ay napatingin na din sa amin.
Limapit na ako kila papa at sabay halik nito sa pisngi. "papa, kaklase ko po. Hinatid niya lang ako dito sa bahay." paliwanag po.
"hi po magandang gabi po sa inyo. Zane po pala." magalang na pakilala ni zane kila papa. Nakatingin lang si papa kay zane na mukhang sinusuri niya ito gamit lang ang mga mata ng binata. Ugali na talaga ni papa ang manuri ng isang tao gamit lang ang mga mata niya.
"salamat sa paghatid." pasalamat naman ng ama ko.
"papa sino po siya?" turo ko sa babaeng maganda.
Ngumiti sa akin ang babae ng subrang tamis at ang amo ng mukha niya para siyang maniken. At ang ganda rin ng kulay ng mata niya kulay asul.
"hi arriane, ako pala si celine." pakilala din ng babae.
"siya yung boss ko sa trabaho." dagdag ni papa.
Ngumiti din ako dito. "hello po ma'am celine."
"ang ganda mo, manang mana ka sa papa mo." nahihiya naman akong ngumiti dito.
"salamat po."
"ikaw iho, hindi kapa uuwi? Gabi na baka hinahanap kana din sa inyo." tumingin ako kay zane.
"opo uuwi na ako. Pasensya na po sa distorbo. Arriane uuwi na ako. Bukas nalang ulit." paalam ni zane.
"sige ingat ka nalang sa daan."
"salamat sa paghatid sa anak ko iho. Ingat." tumango na lamang si zane bago tuluyan ng naglakad palayo sa amin.
"pano uuwi na din ako roy, wag kang mag alala about don sa utang mo. Dahan-dahanin ko nalang ikakaltas yun sa sweldo mo."
"salamat po talaga ma'am. Kailangan ko lang po talaga ng pera ngayon dahil yung mga kapatid ko hirap din sa mga panahon ngayon." may bahid na hiya at lungkot sa boses ni papa.
"wala yun. Bakit kasi hindi mo nalang tanggapin yung alok ko. Mas triple ang sweldo mo sa pagiging modelo roy at isa pa hindi naman malaswa yung gagawin mo. Mga damit at pabango lang naman yung imomodel mo."
teka? Inalok niya si papa maging modelo ng damit at pabango? Ibig sabahin modelo din kaya itong si ms. Celine?
"salamat nalang ulit ma'am pero hindi ko talaga kaya."
"i understand. Pero baka sakaling gusto mo lang subukan wag kang mahiyang magsabi sa akin and i'm willing to help you. Baka ito pa yung magsalba sa niyo at sa mga kapatid mo." ang ganda talaga niyang ngumiti.
"kanino sasakyan itong nakaharang sa bakuran natin roy! At sino na naman itong babaeng ito!?" galit na tanong ni tita alyana na mukhang ngayon lang naka uwi galing sugalan. "ohh, it's you again? Ano na namang kailangan mo sa asawa ko babae?!" mataray na tanong ulit ni tita alyana, lumapit siya kay papa at pinulupot ang kamay niya sa braso nito.