NAPABALIKWAS ako ng gising dahil sa mala Migaphone na boses ng tita alyana ko kapatid ng mama ko na inasawa ng papa ko. Mula nong nawala si mama ay si tita alyana na yung nag-alaga sa amin. Hanggang sa mahulog na naman yung loob ni papa sa kapatid ni mama. Okay naman sa akin si tita ang kaso lang yung ugali niya.
"bumangon na kayo diyan at kumilos na!" sigaw sa amin ni tita alyana na sinabayan pa ng malakas na katok sa pinto ng kwarto namin ni art ang nakababata kung kapatid.
"ate antok pa po ako." napakamot ng ulo si art.
"ikaw nalang muna ang maunang maligo para magising yang inaantok mong kaluluwa." biro sa kanya.
"ginaw ate."
"art sige na bago pa tayo pasukin ni tita dito." wala namang nagawa si art kundi ang tumayo at naglakad na papuntang banyo.
Tumayo na din ako at hinanda ang sosoutin ng kapatid ko pati sa akin. Pagkatapos ay lumabas na ako para tulungan si tita alyana sa paghahanda ng umagahan namin. Pero pagpunta ko sa kusina ay wala si tita alyana doon. Baka may binili lang.
Habang nag peprito ako ng tuyo ay narinig ko yung malakas na sigaw ni tita alyana.
"hindi mo talaga sagotin yung tanong ko roy." bulyaw ulit ni tita alyana kay papa.
"wala nga yun mahal." malambing na boses ng ama ko.
"anong wala!? Ako pa talaga niloloko mo! May pahawak-hawak pa nga sayo yung babae sa pisngi mo."
"kaibigan ko lang yun alyana."
"hindi! Babae mo iyon! Kumuha kana ng babaeng mayaman! Alalahin mo ronaldo na wala ng ibang tatanggap sa inyo ng mga anak mo kundi ako lang!"
Tinapos ko nalang yung ginagawa ko para makaligo na rin ako dahil tapos na si art. Mula sa bukana ng maliit naming kusina ay pumasok ang ama kung mukhang pasan na ang mundo dahil sa hindi maipenta ang mukha nito.
"goodmorning pa. Mukhang napapalaban na naman kayo." biro ko.
Lumapit si papa sa akin at hinalikan ako sa noo. "mag aral kayong mabuti ng kapatid mo. Wag na wag niyong pababayaan at sasayangin ang meron kayo ngayon. Yan nalang yung maibigay ko sa inyo ng kapatid mo arriane." palaala ni papa.
Parati niya akong sinasabihan ng mga ganitong salita sa tuwing may tampuhan sila ni tita alyana. Siguro gusto ipahiwatig ng ama ko na wag kaming matulad sa kanya, sa buhay namin ngayon.
"pa magsusumikap po akong mabuti para makahanap po ako ng magandang trabaho para mailabas ko na kayo dito sa masikip at maliit na bahay na ito. Gusto ko kayong itira sa mala-palasyong bahay." niyakap ko si papa. "tapos kayo po ang hari namin. Gagawin ko lahat pa para matupad yung mga pinangako ko kay mama dati bago siya nawala sa atin."
"napaka swerte ko talaga dahil may anak akong tulad mo. Maganda na mabait pa." napanguso akong humiwalay sa ama ko.
"bolero ka po pa."
"maganda ka naman talaga, syempre sa akin ka nagmana kayo ng kapatid mo. Nako kung sino man ang nagsabing hindi ka maganda iharap mo siya sa akin at sasampulan ko."
Napangiti nalang ako sa sinabi ni papa. "napaka swerte din namin ni art pa dahil ikaw yung naging ama namin. Salamat po sa lahat ng sakrepisyo mo sa amin pa. Mahal na mahal ka po namin ni art."
"bolero ka din anak." tumawa si papa ng mahina. Kaya napanguso na naman ako. "oh, siya ako na diyan at maligo na kana doon dahil baka malate kapa." tumango na lamang ako bago inawan si papa sa kusina.
Kaya hindi ko masisisi si tita alyana kung bakit selos na selos siya sa tuwing may kausap si papa na mga babae dito sa lugar namin. Medyo hindi pa kasi katandaan si papa 38 years old lang siya at hindi mo akalain na may anak na dahil sa kagwapuhan nito at maalaga sa katawan at syempre doon kami ng mana sa kanya. Nong isang beses nga napagkamalan pa kaming magkakapatid lang. At ang pinaka malala pa ay napakagkamalan si papa na nobyo ko. Todo nga ang tawa namin non.