Nine: Unknown Specie

10 0 0
                                    

Iris~

Hirap na hirap ako dahil sa mga dalahin ko ngayong araw nato. Dahil ang daming pinapagawa ng mga instructor. Research dito, may laptop doon, may libro. At iba pang mga kakemean! Second week palang ng resuming ng class talagang naghahabol sila! Kaloka. Anyways, Syempre dahil Monday ngayon dating gawin sa 2nd floor. Waitings si Chester my crush. 10minutes pa lang naman bago magklase. Pumunta ako sa dating pwesto ko at nilapag ko muna yung mga bitbitin ko dahil masakit na sa braso.

At nagtanaw tanaw na nga ako.

Tanaw tanaw. Natanaw ko pa sila Lily at yung jowa niya hinatid siya. Ang taray! Binati ko siya pagkakita niya sa akin dito.

"There you are again. Waiting for Chester mo. Hahaha. Pumasok ka na gaga, may report ka pa." Lily.

"Iknowright. Hahaha. Wait lang, saglit na lang parating na yun." Ngumiti ako sa kanya.

"Okaaay. Whatever." Sabay alis na siya at natawa na lang ako.

"Arte mo!" Pasigaw ko sa kanya at narining ko siyang tumawa.

Tanaw tanaw ulit. Paunti na ng paunti ang mga estudyante kasi may kanya kanya ng klase pero si Chester wala paaa! 5 minutes na lang at magkaklase nako. Wait 1 minute na lang.

20 seconds..

10 seconds..

5..

4..

3..

2..

1..

Ayun na siya! Ayun na siya! Naka sibilyan at hindi naka uniform. Ang pogi talaga sheyms! At ang ganda ng kasama niya. Pinagmasdan ko. Hanggang balikat niya lang yung height. Maputi, mahaba ang buhok, makinis, singkit at higit sa lahat sexy!

Seryoso silang nag-uusap sabay tumawa sila. Hinampas pa nga siya ng maarte nung babae pero mahina lang. Sino siya? Ngayon ko lang siyang nakita ni Chester ah.. Mukhang hindi siya taga dito tsaka bakit parang ang sweet sweet naman ni Chester sa kanya. Wait. Alam ko na! Kinuha ko yung cellphone ko, buti na lang may 3G. Binuksan ko agad yung facebook ko tas pumunta ako sa profile ni Chester. Nakita ko yung babaeng kasama niya.. Sabi sa facebook.

"Lira Turky is with Chester Rome" Tapos may picture nilang dalawa sa starbucks na parang nagdedate?

Tumingin ako ulit sa kanila. Nakalagpas na sila sa puno. Hindi ko natawag si Chester.. Hinantay ko silang maakyat sa 2nd floor at ayun nga narinig ko yung tawanan nila na para bang 10 years sila kung hindi nagkita.Kunwari nagtatanaw tanaw pa ako pero napatingin pa rin ako sa kanila. Napatingin din si Chester, ngingitian ko sana kaso umiwas na siya ng tingin. Ayy...

"You're late Ms. Dublin!" Prof namin na 22 yrs old na menopause kahit lalaki siya. Sayang pogi pa naman.

"Sorry sir." Hindi ko na siya ulit tinignan at umupo na ako.

"Girl! Why are you late? Alam mo ba na ikaw yung reporter?" Rima.

"Oo late ako.." Walang gana kong sagot.

"Bakit nga?" Rima.

"And why you look so down ata?" Tanong naman ni Lily.

"Report kasi eh.." Matamlay akong ngumiti.

"Hellooo. Kailan ka pa nalungkot dahil may report. Ikaw pa nga nagvovolunteer dyan eh." Rima.

"Hey, may problema ba?" Umiling lang ako at tumayo na para magreport nga sa harap.

"Problema nun girl?" Rinig kong tanong ni Lily kay Rima.

Sinimulan ko na nga yung report ko. Bumati, nag intro. This is my report blah.. blah.. blah.. The ano is blah.. blah.. blah... Isa't kalahating oras na akong nagrereport at nakikinig pa rin naman sila. Hanggang sa may destruction na dumaan.

"And the system is also called as..." Nakatingin lang ako sa kanila. Nag uusap sila at mukhang masaya sila.

"as.."

"as.."

"as? Ms. Dublin?"

"Nakakatanga"

"What Ms. Dublin?"

Ano ba nasabi ko?

"Po?"

"The system is also called as nakakatanga, Ms. Dublin?" Ay sht!

"Ay! Hindi po sir. I mean, sir. I'm sorry sir." Nakakahiya! Natawa na lang yung mga kaklase ko. Grabe Chester! Ang laki mo palang destruction!

Huminga ako ng malalim at inayos ko yung sarili ko para matuloy ko na tong report ko na. Kaloka! Bebengga ata ako kay Sir neto ah. After kong magreport eh pinadismiss na kami ni Sir dahil may pupuntahan pa daw siya. Baka makikipagdate lang. Dahil 2 hrs pa before lunch nagpunta muna kaming library para magreview sa next subject namin dahil may quiz. Pagkaupo at pagkaupo namin sa loob ng library nagtanong agad si Rima.

"Irish, anyare sayo kanina?" Rima.

"Wala naman."

"Tapos ayan oh, kanina ka pa silent and gloomy." Lily.

"Maka gloomy naman to."

"Bakit nga?" Rima.

"Yeah. Why?" Lily.

"Si Chester." Sagot ko.

"Sabi na eh." Rima.

"Why? Anung meron?" Lily.

"May kasama siyang babae."

"Woah! Kailan ka pa nagselos pagmay kasama siyang babae?" Rima.

"Hindi naman ako nagseselos eh."

"Weh? Ano bang itsura?" Lily.

"Maganda."

"Maputi?" Rima.

"Makinis?" Lily.

"Oo at sexy." Sagot ko.

"Wow. Ang ganda naman pala ng taste sa babae ni Chester." Rima.

"Hey girl! May nasasaktan." Lily.

"Psh. Hindi naman eh."

"Pero sino kaya yun no?" Rima.

"Ex-girlfriend ni Chester." Napatingin kami sa nagsalita. Si Wayne kasama si Paul.

"Ex-girlfriend ni Chester?" Napatanong ako ulit.

Siya ba yung girlfriend niya nung 2nd yr highschool hanggang 3rd yr? Tapos nagbreak sila dahil ayaw ng LDR ng girl. Yung magandang babaeng makinis na may mahabang buhok na chinita at sexy. Siya pala yun. Si Lira Turky. Ang first love ng crush ko.

What can you call on what am I feeling? Jealousy or Envy?

I Crush You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon