Iris~
Ang bilis ng panahon march na. Next week aalis na si Lira pero mukhang hindi na. Kasi mukhang magkakalibakan na sila. Masaya naman ako para sa kanila. Tanggap ko naman na hanggang dito lang ako kaso masakit. Katulad nga ni Agnes sa forevermore. Waaaaaa! Kailan ba ako makakamove on. Kaso paano ako makakamove on kung kasama ko siya ngayon! Kasama ko siyang magdecorate para sa Year End Ball namin. Hindi ko alam kung ko siy iaapproach. Ayaw ko siyang pansinin kaso hindi ko alam kung pano.
"Iris may panyo ka?"
"Oo."
"Pwedeng pahiram?" Inabot ko sa kanya yung panyo ng hindi tumitingin sa kanya.
"Salamat." Tumango lang ako.
"Iris kamusta ka na?"
"Okay lang."
"Okay lang din ako."
"Ah okay."
"Sure ka?"
"Oo."
"Bakit tahimik ka?" Ang kulit niya! Kailan pa kumulit to? Wag mo na lang akong pansinin please!
"Wala.." Parang dati rati hinihiling ko na pansinin niya ako..
"Gusto mo after nito libre kitang ice cream?"
"May gagawin pa ako.." Umalis ako sa pwesto namin at humanap ng iba pang gagawin. Buti naman hindi na siya nangulit.
Ilang oras na rin ako may ginagawa at hindi na ulit ako kinausap ni Chester. Masokay na din to. Unti na lang malapit na mag uwian!
"Iris!"
"Ay kalabaw!!" Bigla kasi siyang sumulpot sa harap ko.
"Hahaha. Mukha ba talaga akong kalabaw?" Nakatingin tuloy lahat ng estudyante sa amin.
"Oo kaya tsupe!" Umalis ulit ako at humanap ng lugar.
"Iris? Galit ka ba sa akin?" Sinundan niya ako. Kinuha ko yung gamit ko at inayos ko na. Malapit na kaming pauwiin.
"Hindi."
"Bakit ang sungit mo?"
"Wala lang ako sa mood."
"Feeling ko hindi naman e."
"Wag makulit." Lumabas na ako ng hall namin. Sinusundan niya pa rin ako.
"Iniiwasan mo ba ako?" Nagmadali ako lumabas ng school.
"Hindi. Bakit kita iiwasan?" Ang kulit niya!
"See. Galit ka e."
"Hindi. Umuwi ka na. Nag aantay pa sayo si Lira." Jusme. Tantanan mo na ako please! Nasagate na kasi ng school si Lira. Tumakbo ako palabas ng school. Hindi ko na pinansin si Lira. Gusto ko lang makalayo.
"Papaalam ako. Wait!" Binilisan ko ang pagtakbo ko. Lumihis ako ng direksyon para hindi niya ako makita pero mukhang nasundan niya pa din ako.
"Iris! Wait!"
"Wag mokong sundan!"
"Wag ka ng magalit."
"Hindi ako galit!"
"Ano pala?"
"Umalis ka na!" Napapagod na akong tumakbo. Hindi niya ba talaga ako titigilan?
"Iris saglit lang!" Biglang may humatak sa braso ko at napaharap ako.
"Tigilan mo na ako!"
"Anu bang problema? Sabihin mo naman." May pag alala sa mga mata niya. Sorry Chester pero hindi pwede.
"Ikaw ang problema ko kaya lubayan mo na ako!"
"Sabihin mo para maayos ko."
"Wala kang magagawa! Umalis ka na lang!" Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Ayoko umiyak.. Wag kang iiyak..
"Ches? Anung problema?" Napatingin kami kay Lira. Sinundan niya din kami.
"Aalis na ako." Tatakbo na sana ako pero nahatak nanaman niya ako.
"Sabihin mo muna kung anung problema sa akin!" May inis na sa tono niyang sabi.
"Walang problema sayo!"
"Kung wala bakit ka ganyan?"
"Kasi mahal kita!" Lahat kami nagulat sa sinabi ko. Tumutulo na rin ang luha ko.
"Iris.." Lira.
"A-ano?" Chester.
"Paano ako makakalayo sayo kung lumalapit ka.. Pano ako makakamove on sayo kung nandiyan ka.. Please.. Lumayo ka na lang.. Hindi na nga ako lumalapit sayo e.." Humagulgol kong sabi sa kanya. Hindi ko na kayang itago yung nararamdaman ko. Sorry Lira.. Sorry..
"Iris.." Chester.
"Sorry kung ganito ako. Sorry!" Tumakbo ako papalayo sa kanila. Hindi na ulit ako hinabol ni Chester. Hindi ko na alam kung anung nangyare sa kanila. Napasandal na lang ako sa pader doon nag iiyak.
Hindi ko naman sinasadyang mapaamin sa kanya. I'm sorry Lira. I'm sorry.. Hindi ko na kasi kaya. Ang bigat na din ng damdamin ko. I'm sorry. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal kita Chester pero hindi dapat.
Ches, I love you but she loves you too.

BINABASA MO ANG
I Crush You [Completed]
Teen FictionLahat tayo merong crush. Sino bang wala diba? Ako? I crush you.