Thirteen Part One: Picnic

7 0 0
                                    

Iris~

"Iris?" Wala ng masgagwapo sa mukhang taglay niya. Eto na. Yung pinakahihintay ko.. nangyayari na.

"Chester?" Hinaplos niya ang mukha ko at hinawakan ang pisngi ko. Ngumiti siya at ngumiti din ako. Kinikilig ako at kinikilig din siya. Kyaaa!

"I love you Iris Dublis." Hindi ako makasagot dahil sa sobrang kilig ko pero eto na.. eto na..

"I love you too Chester Rome." Kyaaaaa!

Dahil sa sobra naming kilig. Napayakap kami sa isa't isa. Unti unting naglalapit ang mga mukha namin. Nagkadikit ang noo at ilong namin. Naaamoy ko ang hininga niya at unti unti lumalapat ang aming mga.....

Kilikili? Bakit kilikili?

"Ang asim ng kilikili mo."

"C-Chester.. Hindi.. May deodorant naman eh."

"Hindi ko kaya." No Chester. No! Moment na natin to. Kiss na lang e.

"Hindi. Patawad pero iiwan na kita." Hinabol habol ko siya pero ang bilis niyang tumakbo. Oh no. Wag mokong iwan. Wag Chester. Wag!!

"WAAAAAAAAAAAG!" Napabalikwas ako sa kama at naghabol ng hininga. Napatingin ako sa paligid ko. Si Rima, Lily at si Tom? Anung ginagawa nila dito?

"Good morning!" Sabay sabay nilang sabi habang nakangiti.

Napatingin ako sa kilikili ko. Bakit basa? Inamoy ko. Ang asim! Amoy calamansi! Sinamaan ko sila.

"MGA LAPASTANGAN! ANONG GINAWA NIYO?!" Nagtakip sila ng tenga at tumatawa pa.

"Ayaw mo kasing magising kaya nilagayan namin calamansi kilikiki mo. Hahahahaha!" Sagot ni Tom na tawang tawa.

"Sa lahat naman ng paggigising bakit calamansi sa kilikili ko pa?! Ha?!" Pinagpapalo ko sila ng unan. Mga pasaway!!

"Hahahahahaha. Nakataas kasi Kilikili mo couz habang tulog e." Lily.

"Eto oh. May picture pa nga e. Hahahahaha!" Pinakita sa akin ni Rima yung picture. Nakataas nga! Buti na lang maputi kilikili ko. Pero kahit na! Mga bwisit tong mga to!

"AHHHHH! MGA LAPASTANGAN TALAGA KAYO!" Pinagpapaloko ulit sila ng unan. Pero tawa lang sila ng tawa.

"Nananaginip ako kay Chester sabay bigla kayong maggigising!! Unti na lang e. Ayun na! Sayang! Kasi kayo e!"

"Wag ka. May Lira na yun." Rima.

"I know." Bigla naman pala akong nasad. Joke. Hehe

"Bakit ba ang aga aga nandito kayo ha? Ala singko palang oh."

"Girl! May picnic tayo remember? At 6am yun. So, alam naming hindi ka magigising ng maaga kaya susunduin ka namin." Nakangiting sabi ni Rima.

"Eh bakit ikaw Tom nandito?"

"Kasi kasama ako. Maganda daw yung Lira kaya sasama ako. Hehehe" Tom.

"May Chester yun." Natawa sila sa sinabi ko.

"Oh nandito din pala si Raven." Yung jowa ni Lily. Nakatulog sa upuan. First time namin makakasama si Raven. Mahiyain kasi kaya ayaw niya sumama minsan. Pero close kami niyan. Dati masmadami pa akong chocolates dyan kesa kay Lily. Di ko kasi siya trip noon kaya ayon nagpagood shot sa aken. Hehehehe.

"Yes couz. At finally sumama na rin siya sa atin." Kinikilig na sabi ni Lily. Natawa na lang ako.

"Nag almusal na ba kayo?" Tumayo ako at kumuha ng damit sa cabinet ko. Maliligo nako.

"Hindi paaaa!" Parang mga bata nilang sabi.

"Sige. Ligo muna ako. Kain na kayo sa baba ha."

"Okay!!" Ginising na ni Lily si Raven. Ang sweet naman nila. Bumababa na sila at naligo naman ako. Nakisalo na ako sa almusal after kong maligo. Nagready na rin kami umalis pagkakain namin. Ginamit namin yung van nila Rima. Ang driver si Tom. Magkikita kita daw sila sa mcdo na malapit sa school kaya doon muna kami pumunta.

I Crush You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon