One: Crush

33 0 0
                                    

Iris~

Fresh na fresh akong pumasok sa school namin with matching flip pa ng buhok ko. Hindi ako stress ngayon dahil kakatapos lang ng exam namin kaya happy ako! Anung oras na ba? Yes! 8am pa lang. 30 mins bago magklase namin.  Energetic akong umakyat ng hagdan pero bago ako pumunta sa room namin sa 3rd floor naistambay muna ako sa 2nd floor sa dati kong pwesto malapit lang sa hagdan. Walang masyadong tao dito kaya malaya kong naisasagawa ang plano ko. Tinanaw ko na yung mga dumadaan sa gate. 8:10 na. Ramdam ko na. Malapit na siya!

1.. 2.. 3....

Ayan na siyaaaaa! Ang layo layo pa lang kilalang kilala ko na siya. Bigla namang humangin at napahawi siya ng buhok niya. Meged! Pogi niya talaga! Katamtaman na height, maputing kutis, matangos na ilong. Shaxs! Ang pogi talaga!!

Mag isa lang siyang pumasok kaya magagawa ko talaga ang plano ko. Ayan na malapit na siyang umakyat. Same bulding lang kami kaya alam ko kung saan siya dadaan. Nang malapit na siya. Pinaswitan ko siya at kitang kita ko na napalingon siya sa itaas. Napangiti naman ako at agad agad akong umalis na. Patalon talon akong pumunta ng room namin.

"Good morning!!" Bati ko sa mga kaklase ko with a bright smile.

"Aba ang ganda ng umaga mo ah." Pansin sakin ni Rima.

"Ay alam ko kung bakit." Ngumiti lang ako kay Lily at umupo sa tabi niya.

"Babaita! Pinaswitan mo nanaman ba si Chester?" Nagkibit balikat lang ako sa sinabi ni Rima.

"Ay nako, nako! Ewan ko lang pagnahuli ka niya ha." Lily.

"Never siyang mahuhuli dahil expert na siya no! Halos araw araw niyang ginagawa yan." Rima.

"MyGie! Ang creepy mo talaga!" Lily.

"OA lang. Di naman araw araw. MWF lang." MWF lang talaga kasi yun lang yung days na wala siyang kasabay pumasok. Hahaha!

"Whatever" Irap nila sa akin. Sanay nako sa dalawang maarteng yan.

Never naman niya akong mahuhuli no. Kasi you know, Im expert. Charot! Hahaha. Basta! Anyway, hindi ko naman palaging ginagawa yun. Syempre pagmag isa niya lang ko pinapaswitan. MWF nga diba.

Well, Si Chester lang naman ang pinaswitan ko kanina at siya lang naman ang tangi kong crush! 5 months ko na siyang crush. Oo bilang ko talaga. Since July crush ko na siya. Ewan ko ba basta nung nakita ko siya for the first time alam kong crush ko na agad siya.

Flashback~

July 29. Lunch time namin kaya nasa canteen kami ngayon. 2nd month pa lang ng school year kaya wala pa kaming masyadong ginagawa. At dahil wala nga kaming masyadong ginagawa naghanap kami ng gwapo. Halos kaclose ko na rin naman yung mga iba kong kaklase pero si Lily talaga ang pinaka kaclose ko dahil pinsan ko siya at si Rima close na rin namin.

"Ayun oh. Pogi. Moreno!" Turo ni Lily.

"Hindi pogi! Ang itim!" Kontra ko sa kanya.

"Maspogi yun oh. Matangkad tapos ang puti!" Turo naman ni Rima.

"Maputla girl! Hindi maputi." Kontra ko kay Rima.

"Eh ayun oh. Ang lakas ng appeal!" Lily.

"Baka mapapel." Napalingon sila sa akin

"Kontrabida ka naman girl! Ang popogi kaya ng tinuturo namin." Rima.

"Ang saswangit kaya!"

"Oh sige! Ikaw maghanap oh. Ikaw maghanap!" Lily.

"Pagako nakahanap nako!" Tumingin ako sa crowded na mga tao. Hanap hanap.. Ngek. Wala naman. Akala ko ba madaming pogi sa school namin.

"Ano. Wala kang mahanap?" Lily.

"Teka lang ha. Naghahanap pa ako." Naghanap ulit ako. Lingon lingon. Tingin tingin.

"Wala nga talaga!!"

"Ang choosy mo ha! Kala mo ganda mo." Inirapan ko lang si Lily.

"Andaming pogi girl! Tingin ka lang sa paligid mo." Rima.

"Wala."

"Eh ayun. Si Chester hindi pa ba pogi sayo?" Ngumuso naman si Lily.

"Sino yun?" Tanong ko. For sure di rin yun pogi.

"Ayun oh." Turo ni Rima.

Tinignan ko pero tumingin ulit ako sa iba. Teka... Tinignan ko ulit yung Chester. Mula sa ulo hanggang paa. Biglang bumagal ang paggalaw niya. Yung pagngiti at pagtawa niya. Yung paglingon niya at pagtingin niya sa akin. Pati yung paglagpas niya sa harap ko. Ako lang ba to o yung mundo o siya? Syet. Slowmo!

"Girl! Isara mo yang bibig mo baka pasukan ng bangaw!" Bumalik ako sa katotohan ng isara ni Rima yung bibig ko.

"Di ka na natinag diyan nung tinignan mo si Chester!" Tinignan ko lang silang dalawa.

"Syet! Ang pogi!" Kilig na kilig kong sabi sa kanila.

"Omygosh! Omygosh! Nakita nyo ba yung ngiti niya? Ang pogi talaga!!" Natatawa lang sila sa reaksyon ko at nag apir pa ang dalawa.

"Si Chester lang pala ang katapat mo e." Natatawang sabi ni Lily.

"Si Chester lang talaga." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Maharaught!" Nagtawanan kami sa sinabi ni Rima.

End of flashback~

Kaya ayon simula noon crush ko na siya. Inaalam ko ang fb account niya. Nalaman ko din ang birthday at address niya dahil sa fb niya. Pero ayoko siya iadd! May insta pa nga siya kaya nag stalk din ako. Good news! Single ang koya niyo. Kaya pwedeng icrush. Hihi!

Hayy.. Chester Rome, I crush you! <3

I Crush You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon