Fithteen: Affected

4 0 0
                                    

Iris~

Excited ako today kasi 18th birthday ng pinakamamahal ko pinsan! Malungkot din ako kasi nalaman kong first week ng march aalis si Lira. Hindi ko pa din nalilimutan yung usapan namin. Hindi naman sa pagiging feelingera pero pakiramdam ko ang akward niya pagnakikita niyang kausap o kasama ko si Chester. Ayoko man isipin yun pero yun din ang napapansin nila Rima pati sila Wayne. Ayoko ng ganun kaya dumidistansya ako ng kaunti kay Chester kahit minsan gustong gusto ko siyang kausapin. Hays..

"Hoy. Tulala ka dyan." Napatingin ako kay Tom na siniko ako. Hinihintay namin si Lily ngayon kasi kasama niya kami magcelebrate at kakain daw kami sa labas ng barkada kaya kumpleto kami.

"Hindi naman."

"Away kita."

"Ha? Bakit?"

"Sad ang Lira ko dahil sayo." Natuluyan na akong nalungkot. Pati din si Tom napapansin niya.

"Sorry.."

"Joke lang!"

"Para kang sira!" Hinampas ko siya.

"Syempre papasayahin ko na lang siya."

"Gusto mo na talaga siya no?"

"Oo kaya wag ka magseselos ha?"

"Kapal ng mukha mo!" Hinampas ko ulit siya.

"Aray naman! Hahaha. Alam mo.. gusto ko siya katulad ng pagkagusto mo kay Chester." Nashock ako sa sinabi niya. Hindi na ulit ako umimik.

Bumababa na si Lily at ang ganda ganda niya sa suot niyang violet dress. Inalalayan siya ni Raven.

"Happy birthday!!" Bati naming lahat.

"Thank you guys! So tara na?" Lahat kami nagpaalam na sa magulang ni Lily at sumakay ng sasakyan nila. Pupunta kami sa isang resto kasi dun siya magcecelebrate.

Nakapaikot kami sa isang table. Huli akong umupo kasi nagc.r ako. Nagulat ako ng ang upuang natitira na lang ay sa tabi ni Chester. Sa kabila niya si Lira. Ayoko sanang umupo dun kaso nakakahiya kung makikipagpalit pa ako kaya no choice.

"Ang sarap ng pagkain no?" Chester.

"Oo nga e. Gusto ko nga yung blueberry cheesecake kaso wala na e."

"Gusto mo? Meron pa ako."

"Nako wag na." Wala akong nagawa kasi nilagay na niya sa plato ko.

"Ang kulit pero salamat." Ngitian niya lang ako. Kinilig naman ako.

"Ehem. Ehem." Napatingin ako kay Tom at nginuso niya si Lira. Nakayuko lang si Lira. Halaaaa. Anung nagawa ko?

After namin kumain nagkwentuhan kaming lahat ng nakakatawang pangyayari sa buhay namin.

"Alam nyo ba nung bata pa kami si Iris akala niya pasas yung langaw kaya kinain niya. Hahahahahaha!" Nagsitawanan silang sa kwento ni Lily. Habang ako hiyang hiya dito.

"Lily naman eh!" Pasalamat siya birthday niya.

"Ah! May naalala ako ako kay Chester." Lira.

"Nung highschool kami nahulog siya sa kanal dahil sa pagpapasikat niya sa pagbabike. Hahahaha!"

"Oo nga naalala ko pa yon. Ang baho niya noon! Hahaha." Paul.

Ang cute ni Chester habang nahihiya. Tapos bigla siyang ngingiti sa akin. Enebe! Hahahaha. Ngumiti na lang din ako sa kanya. Halos mga 10 na natapos ang celebration ni Lily. Hinihintay namin yung sasakyan nila. Pinapanuod ko sila Chester maghabulan. Natatawa ako kasi para silang mga bata. Sila Lira, Rima at Tom mukhang naglolokohan tapos si Lily at Raven ang sweet. Ako lang ata walang kausap dito ah.

Biglang pumunta sa direksyon ko dito si Chester. Tuwang tuwa ang mukha niya at pawis na siya. Umupo siya sa tabi ko.

"Mag isa ka ata." Hinihingal hingal niyang sabi.

"Hindi naman."

"Nakakapagod makipaghabulan." Nilabas niya ang panyo niya at pinunasan yung pawis niya. Ang cute niya.

"Ang saya niyo nga tignan e."

"Gusto mo sumali?" Nakangiti niyang tanong.

"Ha! H-hindi n---" Hihindi palang sana ako kaso hinila niya na ako. Pinagtataya nila ako kaya hinabol ko sila. Kaso hindi ko sila mahabol dahil naka doll shoes ako kaya tinanggal ko yon. Lahat na ata sila nanunuod sa amin. Nataya ko si Paul kaya siya ang taya. Nailang beses na ikot kami kaya pagdating nung sasakyan pagod na pagod kami. Tawa kami ng tawa.

"Grabe. Ang galing mo pala manghabol Iris!" Chester.

"Ang babagal nyo eh!"

"Yabang!" Inakbayan niya ako at biglang kinotongan pero hindi masakit. Natulala ako sa ginawa niya. Nawala na lang ako sa pagkatulala ko ng nabunggo ako ni Tom. Pagkatingin ko sa kanya napansin ko ang mukha ni Lira na malungkot. Oh no. Ako ba ang dahilan?

Pagkasakay namin ng sasakyan tumabi ako kay Lira. Nakatingin lang siya sa labas. Gusto ko siyang kausapin pero nahihiya ako. Umandar na ang sasakyan wala pa din nagsasalita. Huminga ako ng malalim. Kaya ko to.

"Lira?" Lumingon siya at ngumiti pero may lungkot pa din sa mukha niya.

"Yes?"

"A-ayos ka lang ba?"

"Oo naman. Bakit mo natanong?"

"W-wala naman.."

Hindi ko alam pero nalulungkot ako. Maslalo akong nalungkot ng matignan ko si Chester na nakangitin sa akin. Bakit ganun? Magkaibigan lang kami ni Chester. Hindi ko naman siya inaagaw. Normal lang ang turing ko sa kanya kahit pa may nararamdaman ako sa kanya. Mali ba? Mali ba na makipagkaibigan sa taong gusto ko?

I'm really sorry beause I really like you.

I Crush You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon