Sixteen: Unlove

10 0 0
                                    

Iris~

"Iriiiiis!" Lumingon ako sa tumawag sa akin. Si Chester! Hala! Bakit gumagwapo to araw araw?

"Hi Chester! Aga mo ah." Hindi ko akalaing makakasabay ko siya sa pagpasok. Nakakatuwa naman.

"Oo nga e. Buti na lang nakita kita. Sabay tayo pumasok ha." Nagulat ako sa sinabi niya. First time ko siyang makasabay sa pagpasok. Bakit hndi niya kasama si Lira?

"Ah sige. Nasaan si Lira?"

"Hindi daw maganda pakiramdam niya" Naglakad na kami papasok sa school.

"Okay lang ba siya? May sakit siya?" Pag aalala ko.

"Wala. Minsan talaga wala siya sa mood."

"Ganun ba." Napayuko ako.

"Pwede ba natin siyang puntahan mamaya?" Tanong ko.

"Oo naman. Matutuwa yun."

"Sige!"

"Daanan na lang kita sa room nyo mamaya ha."

"Okay." Dadaanan niya ako sa room ko? Yieeeee!

"Pakinggan mo to. Ang ganda." Binigay niya yung isang earphones at nilagay ko naman sa tenga ko yun. Ang ganda nga ng kanta.

"Anung title?" Tanong ko.

"All of the stars by Ed Sheeran."

"Wow. Ang ganda."

"I saw a shooting star and I thought of you." Napatingin ako nung kumanta siya. Nakangiti pala siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin kasi ramdam ko nagbablush nanaman ako.

Nakikinig lang kami sa kanta habang naglalakad feeling ko naglalakad ako sa ulap. Kinikilig nanaman ako. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang siya at naghuhum. Hindi ako makapaniwala na naglalakad kami ng sabay.

"Bye bye na. See you later." Ngumiti siya.

"Bye bye." Ngumiti din ako. Tumalikod na ako at naglakad na papuntang room ko. Ang saya saya! Ang saya saya! Hihihi.

Kinikilig pa din ako hanggang ngayong uwian. Ang saya ko lang buong klase. Baliw na nga daw ako sabi nila Rima eh. Ang saya kaya. Chester yun eh!

*Ring ring*

Phone ko! Baka si Chester!

"Hello?" Masaya kong sabi.

"Hello Iris?" Si Lira! Bigla kong naalala na pupuntahan pala namin siya.

"Uy Lira. Napatawag ka?"

"Pwede ba tayo mag usap after ng school niyo?" Seryoso ang tono ng boses niya.

"Oo naman! Balak nga namin pumunta ni Chester sa inyo."

"Umm.. pwede bang ikaw lang?"

"Bakit? Ayaw mo ba siyang makita?"

"Hindi.. hindi sa ganun. Pwede bang ikaw muna?"

"Ah.. sige.." May problema kaya siya?

"Wag mo din sabihin na pupunta ka."

"Okay sige." 

"Thank you ha. See you."

Call ended.

Umalis na ako agad. Pinasabi ko na lang kay Rima na paghinanap ako ni Chester sabihin masakit ang tiyan ko. Binigay sa akin ni Lira yung address niya. Nakarating naman ako agad. Ang ganda ng bahay nila! Row house type pero maganda. Nagdoorbell na ako at agad naman siyang lumabas. Kahit nasa bahay lang siya ang ganda ganda niya. Ako kasi pagnasa bahay mukhang bruha.

I Crush You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon