Three: Invitation

23 0 0
                                    

Iris~

"Rima! Anu ba yang ginagawa mo at stress na stress ka?" Tanong ko kay Rima. Imbes kasi magpakastress sa report namin mas stress siya dun sa ginagawa niya.

"Invitation."  Maikli niyang sagot.

"Saan?"

"Birthday."

"Nino?"

"Mamaya ka na magtanong."

"Ihhh. Birthday nga nino?" Humarap siya sa akin. Halatang stress siya.

"Birthday ni Tom. Maghahanda kasi 21 na daw, debut niya, kaya ako yung inutusan maggawa ng invitation dahil info tech naman daw ang kinukuha kong course."

"Ahhh. Kaya pala."

"Okay na?" Tumango na lang ako at bumalik na siya sa paglalap top niya. Bumalik na din ako sa ginagawa ko.

"Btw, invited ka din."

"Yehey! Akala ko makakalimutan nako ng pinsan mo."

"Sus. Eh may gusto sayo yun e." Nagkibit balikat na lang ako. Nakilala ko yung pinsan niya kasi lagi kaming pumunta kila Rima.

Pagtapos ng klase kami sinamahan namin si Rima na magpaprint. At kung siniswerte ka nga naman nakasabay pa namin sila Chester sa jeep. Mukhang di pa rin niya ako namumukhaan. Eto naman tong mga kasama niya halatang pinag uusapan si Lily. Ang ganda kasi nitong pinsan ko di man lang nagshare sa akin. Hindi naman kasi ako ganun kagandahan.

Pagbaba namin ng mall pumunta na agad sa pagpapaprint ni Rima.

"Iris!!" Lumingon ako sa tumawag sa akin.

"Uy Tom!" Nag apir kami.

"Iris agad? Wala man lang. Hi Rima." Reklamo ni Rima.

"Hi Lily!" Lalong nainis sa kanya si Rima dahil nilagpasan lang siya.

"Hey!" Lily.

"Oh! Ikaw na magpaprint ng mga invitation mo peste ka!" Rima.

"Joke lang naman pinsan eh! Syempre nagpunta naman talaga ako dito dahil alam kong pupunta kayo dito." Inirapan lang siya ni Rima.

"Oh pagtapos nito libre mo kami ha." Rima.

"Uwi na pala ako." Tom.

"Oo nga libre mo kami! Hindi mo na kami nalilibre ha." Sabi ko kay Tom.

"Ay mamaya na pala ako uuwi. Tara mamaya dun tayo sa mcdo" Sabay akbay sa akin.

"Ikaw talaga! Pag si Iris nagyaya sayo gustong gusto mo" Hinampas hampas ni Rima si Tom. Tawang tawa lang kami ni Lily sa kanilang dalawa.

After nga nun, pumunta kaming mcdo. Si Lily hindi na sumama kasi nakipagkita sa boyfriend niya kaya kaming tatlo na lang.

"Anung order mo?" Tanong ni Tom.

"Isang burger, fries at float lang" Sagot ni Rima.

"Hindi ikaw si Iris" Natawa na lang ako ng hampasin siya ni Rima.

"Ganun na lang din." Umupo na kami after namin mag order. Wala pa yung order namin kaya hihintayin pa namin.

"So, kamusta naman kayong dalawa?" Tom.

"Wow kaming dalawa na. Okay lang kami." Rima.

"Yeah. Happy sa buhay. Ikaw?"

"Happy. Turning 21 next sat. Punta ka ha."

"Ayon naman. Pupunta talaga ako no kahit hindi mo ako iinvite."

"Yes naman!"

"Kamusta naman ang lovelife niyo?"

"Single and happy. Tanong mo si Iris lumalovelife yan." Rima.

"Crushlife lang no." Sagot ko.

"Hayy. Maloloka ka dyan pag kinikilig sa crush niya." Natatawa tuloy ako tuwing naaalala kong kinikilig ako kay Chester tapos halos masapok ko sila.

"Uyyyyy. May crush na siya. Kaklase nyo? Kaclose mo?"

"Hindi. Kabatch lang. Com sci kasi siya e. Tsaka crush at first sight. Haha!" Sagot ko.

"Pano ka kikiligin dun e hindi mo pala kaclose tapos hanggang tingin ka lang?" Tom.

"Pwede yun ah!"

"Heh. Selos ka lang e!" Rima. Binato lang ng tissue ni Tom si Rima. Haha

"Sino ba yung crush mo?"

"Si Ch----"

"Here is your order mam and sir" Hindi ko na natuloy yung sinabi ko ng umeksena si Kuya.

"Yay! Tara kain na tayo!" Hindi ko na rin nasabi kasi gutom na talaga at mukhang nakalimutan na rin nila.

*Ring ring*

Napatingin ako kay Rima ng magring yung phone niya. Sinagot naman niya agad.

"Hello pa... Umuwi na po ako?... Okay po... Sige po bye."

"Uuwi na kayo?" Tanong ni Tom.

"Oo walang kasama si Mama. Aalis si Papa e." Tumayo na si Rima kaya tumayo na rin ako.

"Aww. Pati ikaw Iris?"

"Oo wala akong kasabay tsaka tinetext na rin ako nila Mama. Sige bye. Ingat ka!"

"Wait lang! After ko kayong ilibre iiwan nyo ako?"

"Bawi na lang kami sayo next time. Manlibre ka ulit ha. Bye!" Hinatak nako ni Rima. Tinapik ko naman si Tom.

"Teka! Ano pangalan ng crush mo?" Balak ko pa sanang sagutin kaso nakalayo na kami at baka may makarinig nakakahiya.

Nag part ways na kami ni Rima. Sumakay na ako ng jeep. Pinapangarap ko ring makasakay si Chester sa jeep pero mukhang imposible. Pero kahit kaialan di niya ako binigo dahil nakita ko nanaman siya! Papalabas sila ng mall kasama ng classmates niya. Okay buo na ang gabi ko.

Oh, Chester. Oh, Chester.

I Crush You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon