Four: Finally

27 0 0
                                    

Iris~

Today yung birthday ni Tom. Kanina pa ako ready hinihintay ko na lang sila Rima. Susunduin daw kasi niya ako para sabay sabay na kami pumunta sa venue.

"Iris! Nandito na sila Rima." Tawag sa akin ni Mama. Lumabas na ako ng kwarto ko at inayos ko kaunti ang itsura ko.

"Ang ganda ganda naman ng anak ko." Nakangiting sabi ni mama.

"Mana sa inyo e." Sabay yakap ko sa kanya.

"Osiya. Mag iingat ka. Magtext ka kung pauwi ka na." Tumango lang ako kay mama at lumabas na ng bahay.

"Girl! Dali malelate na tayo!" Sigaw ni Rima

"Taray Girl! Ganda natin ah." Nakakatomboy naman tong ganda ni Lily. Ang ganda rin ni Rima. Simple but elegant.

"Tara na girls! Ganda talaga naten." Sabi ko sa kanila pagkasakay ko ng kotse.

Nang makarating na kami ng venue. Ang wow lang ng decorations. Ang pogi lang. Debung debu ng pang lalaki. Hinatid na kami ni Rima sa table at umalis na siya may aasikasuhin pa daw siya. Inabutan naman kami ng drinks ng waiter. Nilibot libot ko ang mata ko sa paligid. Ang taray talaga. Napabalik yung tingin ko ng may nakita akong pamilyar. Si Chester ba yun? Nagblink pa ako pero guni guni ko lang pala. Masyado ko lang siguro namiss si Chester. Haha!

"Girl start na! Bongga talaga!" Lily. Ngitian ko naman siya.

"Good evening ladies and gentlemen! We are all here for the birthday celebration of my dear son, Tommy Austria. Let's sing him a happy birthday!" Kumanta na nga kaming lahat at lumabas na siya from the back stage. Hindi mo rin maikakailang pogi din tong si Tom ha. Ang gwapo niya sa suot niya.

Doon nagsimula ang celebration. Enjoy naman kami ni Lily dahil sa foods kahit wala kaming gaanong kakilala.

"Hey girls! Nag eenjoy ba kayo?" Umupo sa table namin si Tom.

"Hi Tommy! Happy birthday!" Bati ko sa kanya sabay beso ko.

"Tommy talaga."

"Happy birthday Tom!" Bati din ni Lily.

"Regalo ko?" Hinagis ko naman sa kanya yung maliit kong regalo ko sa kanya. Nakakahiya nga e di ko man lang napaghandaan.

"Thanks ha. Binato talaga. Mamaya ko na lang bubuksan. Btw, may on the spot na cotillion. Kasama kayo ha." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"On the spot pano yun?" Tanong ko.

"May 10 participants sa boys at sa girls. Hindi na kasi namin napaghandaan ayoko rin sana kasi pangbabaeng debutante lang yun kaso si Rima ang mapilit kaya eto on the spot. Yung steps parang pang waltz lang. Tapos magpapalitan ng partner every after 15 seconds." Paliwanag niya.

"Pano yun wala naman kaming gaanong kakilala?" Tanong ni Lily.

"Just go with the flow. Ikaw kapartner ko Iris ha." Sabay alis siya.

"Teka! Di kami ready!" Hindi na kami nilingon ng mokong kaya no choice kami ni Lily. Kinakabahan tuloy ako. Di pa naman ako gaanong marunong sumayaw.
.
.
.
.
"Iris, ready ka na ba?" Tanong sa akin ni Lily. Oras na kasi namin nung pagsayaw.

"Ready or not here we come." Pumunta na nga kami sa likod ng stage dahil dun magreready. Hinanap namin si Rima dahil siya yung mag aayos. Hindi ko gaanong maaninag yung mga tao dito dahil medyo madilim.

"Iris!"

"Ay kalabaw!" Nagulat ako ng biglang may humila sa akin.

"Maka kalabaw naman. Pumartner ka na kay Tom. Dali mag uumpisa na!" Tinulak tulak ako ni Rima kaya naiwan ko tuloy si Lily.

I Crush You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon