Iris~
Friday na. Nasa second floor nanaman ako pero hindi ko na magawa yung dati kong ginagawa. Lagi ng may kasama si Chester.. Si Lira. Araw araw siyang sinasamahan ni Lira pumasok ng school at sila rin magkasama pag uwian. According to my source, si Paul. Wala daw magawa si Lira sa bahay nila kaya lagi niya na lang sinasamahan si Chester. Buti pa si Lira lagi niyang nakakausap si Chester. Lagi nga silang masaya pagmagkasama eh. Kitang kita ko nga eh. Kitang kita ko.
Aakyat na nga ako. Mabroken hearted pa ako dito. Ay broken hearted na pala ako. Charot! Hahahaha. Mag aaral na nga lang ako may mapala pa ako. At dahil pinag aral nga talaga ako sunod sunod na apat na quiz yung nangyare sa amin ngayon umaga! Jusme. Ang sakit sa ulo. Pero buti na lang sa hapon p.e class na lang. Atleast mapapahinga yung utak namin.
Lunch time na pupunta ako kila Lily. Nauna na sila sa canteen e. Malayo palang kitang kita ko na at para silang mga abno don kasi may pinag aagawan sila. Ano kaya pinag aagawan nila?
"Let me see! Let me see!" Lily. Kinukuha niya yung phone ni Paul. Pero nilalayo naman ni Paul.
"No! Praybeyt to. Praybeyt!" Paul,
"Hate you! Ikaw lang yung may info!" Rima. Hindi ba sila nahihiya pinagtitinginan sila ng mga estudyante.
"Oy ano yan?" Napatingin silang lahay at biglang umayos.
"Wala." Paul.
"Oo wala." Lily.
"Wala yan."
"Wala yan pero pinagaagawan niyo? Patingin din." Ako naman ang nangunguha nung phone ni Paul.
"Oh Lily. Catch!" Sabay bato niya kay Lily.
"Cc.r lang ako. Hehe" Sabay tumayo siya pero hinarang ko siya.
"Patingin naaa." Umiling lang siya.
"Ba't ayaw niyo ipakita?"
"Kasi.. praybeyt daw." Rima.
"Wag mo ng tignan." Paul.
"Siguro.. may bold dito no?" Nangiwi yung mga itsura nila nagsitawa. Mga abno!
"B-bold? Hahahahahahahaha" Paul.
"Couz grabe ka naman mag isip. Hahahahaha"
"Hahahahahaha bold daw. Masmalala pa ata sa bold yan e. Hahahahahaha" Rima.
"Edi s*x scandal to no?" Lalo silang tumawa. Anu ba kasi yan.
"Grabe. Hahahahahaha!" Lily. Dahil sa kakatawa niya. Nakakuha ako ng chance para kunin yung phone ni Paul at hinablot ko yon saka tumabok sa cr.
"Hoy! Ibalik mo yan!" Paul.
"Bleeeeh!" Dinilaan ko lang.
Nagtago ako sa cubicle. Tinignan ko agad yung phone niya. Buti na lang walang password. Pero di ko inexpect yung makikita ko. Hindi bold o s*x scandal.. Para sa akin masmalala pa nga to dun sa mga ganung bagay.
Text message from: Wayne.
Bro! Sila na ulit! May picture pa oh.
Picture ni Chester at Lira. Sa isang cake shop sa mall. Ah.. Sila na pala ulit. Ah.. okay.
.
.
.
.
.
,
,"Are you okay couz? Kanina ka pa tahimik." Lily. Kumakain na kami ng lunch ngayon. Tatlo lang kami nila Rima, umalis na si Paul. Hahanapin niya daw si Wayne.
"Oo, okay lang ako."
"Sabi kasi sayo wag mo na tignan e." Rima.
"Ehhh nacurious ako e."

BINABASA MO ANG
I Crush You [Completed]
Teen FictionLahat tayo merong crush. Sino bang wala diba? Ako? I crush you.