Ten: Insecure

12 0 0
                                    

Iris~

"Waaa. Ang ganda niyaaa! Nagmodel pala siya sa ibang bansa!" Rima.

"Oo nga girl! She's so faaab!" Lily.

"Scale 1-10?" Paul.

"10 na 10 ah. Swerte ni Chester" Wayne.

Nasa library pa rin kami. Naghihintay ng oras. Mej shock pa rin ako na nalaman ko na ex girlfriend pala ni Chester si Lira. Sila rin ganun at busy na busy sila tignan yung pictures ni Lira sa facebook. Inadd na nga nila as a friend e. Halos isang oras na ata nila tinignan yung facebook niya. Nakitingin din ako. Ang ganda niya nga as in. Bagay na bagay sila ni Chester.. Aww..

"Ang pretty niya no couz?" Lily. Turo niya dun sa picture ni Lira na nakaside view na para bang may tinitignan sa malayo.

"Oo nga e. Kahit anung angle ang ganda nya." Sagot ko.

"Uyyy! Tignan nyo to oh. May picture silang dalawa." Rima. Napatingin kaming lahat nung nilipat ni Rima yung picture. Bumungad yung picture ni Chester at Lira nung JS prom nila nung third year highscool sila. Ang gwapo gwapo talaga ni Chester at ang ganda ganda ni Lira. Parehas pa sila ng theme, red. Red yung gown ni Lira at Red ang panloob ni Chester sa americana niya.

Naalala ko tuloy yung third year na JS prom ko. Best JS ko yun kasi yung araw na yun, dun ko sinagot yung ex boyfriend ko. Tas yung fourth year Js prom ko naman ang worst dahil dun kami naghiwalay. Bakit? Niloko niya ako. Pinagpalit niya ako sa bestfriend ko. Take note. Bestfriend ko ha. Pero.. Okay na yun. Nagkapatawaran naman e. Masaya na kami sa buhay namin. Teka nga ba't napaflashback ako bigla sa isip ko. Hahaha! Napailing iling na lang ako.

"Oy anung iniisip mo dyan?" Paul. Nakita niya kasi akong umiiling iling. Napatingin tuloy silang lahat.

"Ah. Wala wala" Sagot ko.

"Baka si Chester at Lira. Selos siya." Wayne.

"Hindi no!" Sabay irap ko sa kanya.

"Omg! They really look so cute together!" Lily. Cute na cute naman tong pinsan ko sa kanila.

"Bagay na bagay sila no?" Paul. Pataas taas na kilay niyang sabi sa akin.

"Anong masasabi mo Iris sa kacutan nilang dalawa?" Wayne.

"Edi wow." Tumawa silang lahat sa sagot ko. Sabay bigla akong yumuko. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko.

"Ay ayon may nagseselos." Rima. Selos? Psh. Sinong nagseselos ako? Ha! No way.

"Hindi naman ako nagseselos eh." Sabay nagpout ako.

"Aww. You're trying hard to be cute couz but you're not. Mascute si Chester at Lira." Napakasupportive niyang pinsan diba?'

"If you're not selos? Ano pala?" Rima. Lahat na sila nakatingin sa akin.

"Ano.. ano.." Napaisip pa ako. Hinihintay talaga nila yung sagot ko e.

"Naiinggit!" Mabilis na sagot ni Wayne.

"Naiinggit ka kasi si Lira bagay na bagay kay Chester!" Sinundan pa ni Paul ng sagot.

"Oo nga. Si Lira sexy, maganda, long hair, chinita, model, matalino at higit sa lahat ex girlfriend ni Chester!" Rima. Nang aasar na talaga tong mga to e.

"Aww. It's okay couz." Lily. Tinapik tapik pa yung balikat ko.

"Tama na nga. May nasasaktan." Paul. Nagsitawanan sila. Asar naman!

"Heh! Ganyan kayo! Hindi ako naiinggit. Insecure lang." Ang bababait nila. Tamang tama yung mga sinasabi nila, wala ngang preno eh. Amp!

"Insecure? Nakakamatay yan ah." Rima.

"Insecure ako kasi siya matured, model, maganda. Eh ako? I'm nobody." Hayyy. Sad life.

"Don't say that couz! You're beautiful in your own way." Lily. Sabay kapit sa braso ko.

"Okay lang yan. Hanap ka na lang ng iba." Paul. Natawa silang lahat.

"Heh!" Sabay nag walk out ako.

"San ka pupunta?" Rima.

"Sa canteen. Bibili." Sagot ko.

"Ng pampaganda?" Wayne. Nagtawanan ulit sila. Binelatan ko na lang sya. Ang sasama nila. Inaaway nila ako. Huhu!

"Wait Couz!" Lily. Sumabay sa paglalakad sa akin at nagcling sa akin.

Pumunta na nga kaming canteen. Bumili kami ng lunch. Doon na rin kami kakain kasi tinatamad kaming pumuntang room. Ayoko pumunta dun dahil baka may makita kami. Masaktan pa ako. Joke! Hahaha.
Tinext na lang namin sila Rima para bumaba. Kinalabit kalabit ako ni Lily kaya nilingon ko siya.

"Bakit?" Napatingin ako sa hawak niya. Isang compact powder na tininda sa canteen na nakakatigyawat at hindi mo alam kung saan nila nakuha. Ewan ko ba kung nagtitinda ng ganyan yung canteen namin. Tinignan ko'to ng may pagtataka.

"Eto oh, pampaganda." Nakangisi sabi ni Lily. Sinimangutan ko siya.

"Couz naman eh! Insecure na nga ganyan ka pa." Iniwan ko siya doon at umupo na ako sa table. Hinabol naman niya ako at natatawa tawa pa siya.

"Joke lang naman Couz. Wag ka na kasi mainsecure." Umupo siya sa harap ko.

"Hindi na nga eh. Naiinggit at nanghihinayang lang ako sa kanilang dalawa." Oo nakakapanghinayang silang dalawa kasi nabanggit nila Paul na 10 months din sila tapos ang saya saya daw nilang couple. Nung first monthsary pa nga daw nila nag ipon pa si Chester makabili lang ng couple bracelet nila. Tapos mahal na mahal daw ni Chester yun  kaya halos isang taon siya bago maka move on. Ang sweet ni Chester diba? Kaya sayang sila.

"What if nagkabalikan na sila?" Napalingon ako sa nginguso nguso ni Lily. Si Chester at Lira. Magkasama pa din. Kumakain sila ng lunch. Masaya pa rin silang tignan.

"Kung doon naman masaya si Chester bakit hindi diba?" Ngumiti ako. Isang ngiting alam kong matamlay at....

"Kahit nasasaktan ka?" Napatingin ako kay Lily.

"Hindi naman ako nasasaktan kasi crush ko lang yan. Hindi ko naman siya gusto e." Yumuko ako at nakatingin lang sa pagkain ko. Kanina pa hiwahiwalay yung mga gulay sa karne dito. Jusko!

"Omg Couz. I know you! You can't hide anything from me. Hindi mo na siya crush lang. Don't make me tell you na gus---" Pinutol ko yung sinasabi.

"Gusto ko siya?" Dugtong ko.

"So you really do?" Lily. Nagkibit balikat lang ako.

"Masasabi ko bang gusto ko na siya, pagnandyan siya.. Kinabahan ako at talagang malakas yung tibok ng puso ko? Gusto ko laging maiextend yung time tuwing kausap ko siya? Tapos yung feeling ko na yung hello at hi niya parang love letter na sakin? At tuwing nakikita ko sila ni Lira na magkasama.. Nasasaktan ako pero hindi nakakaiyak? Gusto ko ba siya sa tingin mo?" Hindi ako makapaniwalang nasabi ko lahat ng yan habang nakatingin kila Chester at Lira.

"Let me ask you again. You really like him na don't you?" Nakangiting tanong sa akin ni Lily.

"I do. I really like him."
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"I do. I really like him"
"I do. I really like him"

"I do. I really like him"

Mag-isa akong uuwi ngayon dahil ewan ko ba kung saan sila may mga lakad. Yan tuloy kanina ko naiisip yung sinabi ko kay Lily. Nagulat din ako na gusto ko siya. Eh crush ko lang naman siya eh. Di ko naman alam na magkakagusto pala talaga ako sa kanya. Eh bakit nakakaloka na napagtanto ko na gusto ko na pala talaga siya? Urgghhh! Ewan! Basta! Gusto siya.. Gusto siya. As in gusto!

Gustong gustong gustong gustong gusto? Oo nga no. Gustong gustong gustong gustong gusto ko ba siya? Oo! Urgggh! Gustong gustong gustong gustong gusto nga kita! Napasipa na lang ako out of frustration ko.

Brr! Kaloka ka Chester! Hindi ko alam kung baliw na ata ako kasi napapangiti ako. Pagnaiisip ko si Chester napapangiti ako. Nakakaloka ka talaga.. Makauwi na nga lang.

I guess, I do, I do really like you, Chester.

I Crush You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon