Two: Hit and walk

20 0 0
                                    

Iris~

Nakaupo ako sa bench ng gym namin. Pinapanuod ko ang bebeloves ko. Charot! Tambayan ko na kasi dito noon pa saktong sakto lang na sa tuwing pupunta ako dito p.e nila Chester. Hinihintay ko rin sila Lily at Rima dito. Sabay sabay kaming umuuwi. 

Kaya eto ako ngayon ganda ganda ng view. Volleyball ang p.e nila ngayon kaya nakikinuod ako. Hindi siya kagalingan pero pogi pa din! Basketball naman kasi ang sport niya. Pero yung mga kaklase niyang babae todo cheer. Ramdam ko isa sa mga to may gusto sa kanya. Pogi kasi e. Pero siya kasi yung pogi na hindi heartthrob yung sakto lang.

Lumapit pa ako ng kaunti para makita ko siya. Ayan perfect na ang view! Pawis na pawis na siya kawawa naman siya. Kitang kita ko ang kagwapuhan niya dito.

"Iris!!" Napalingon ako sa tumawag sa akin kaya...

*Tsug*

"AHH!"

Umikot ang mundo ko ng matamaan ng bola ng volleyball. Hindi ko nakitang parating yun. Nahilo ako kaya napapikit ako. Napahawak ako sa ulo ko.

"Iris! Okay ka lang ba?" Si Rima.

"Anung masakit sayo?" Umupo sa tabi ko si Lily.

"Nahilo lang ako unti. Okay lang ako." Masakit yun ha! Sino bang nakatama non ng masapak ko!

"Sorry ate. Hindi ko sinasadya. Okay ka lang ba?" T-teka.. Kilala ko yun ah. Minulat ko ang mata ko. Medyo blurry pa kaya hindi ko masyadong maaninag yung nasa harap ko. Pero nung luminaw na. Omg!!

"Ah.. A-ano. Okay lang ako." Si Chester!!

"Halika dalhin na natin siya sa clinic." Lily.

"Sorry talaga ate." Tumango na lang ako at pinatayo na ako nila Lily. Nakatingin pa rin ako sa kanya bago kami makaalis.

"Girl! Bola ba talaga ang tumama sayo o si Chester?" Siniko siko ako ni Rima.

"Teka lang girl baka siya ang magdala sa akin sa clinic. Babalik ako." Babalik pa sana ako pero hinila nila ako pabalik.

"Girl! Hilong hilo na nga talaga!"

Napagewang gewang ako ng naramdaman ko yung hilo ko kaya dinala nila ako sa clinic. Pinagpahinga muna ako doon. Nagkaron din ako ng bukol. Habang nakahiga ako hindi ko maiwasang hindi maalala yung mukha ni Chester! Kahit na natamaan niya ako ng bola kinikilig pa din ako!

"Sorry ate. Hindi ko sinasadya. Okay ka lang ba?"

"Sorry talaga ate."

Ihhhhh! Kinikilig talaga ako! Kaya ayun nakatulog ako ng nakangiti. Pagkagising ko. Okay naman na ang pakiramdam ko. Medyo nahihilo na lang.  Mag aala sais na pala. Nasaan na kaya sila Rima? Lumabas na ako ng clinic at pumunta sa room namin. Baka nandun sila. Wala ng tao sa hallway pero may naglalakad. Hindi ko naaninag dahil nahilo ulit ako. Napapikit ako.

"Ay sorry.." Nabunggo ko yung naglalakad. Napalingon ako sa nabunggo ko. Destiny na ba to? Meant to be? Bakit sa lahat ng nabunggo ko si Chester pa! Tadhana nga naman. Pero parang di niya ako napansin dahil tuloy tuloy lang siya sa paglalakad.

"Wait. Chester!" Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag. Hindi siya lumingon buti na lang. Kaya tumakbo ako papuntang room namin.

"Iris! Okay ka na ba? Ba't ka tumatakbo?" Naabutan ko sila Rima na nag aayos na ng gamit.

"Nabunggo ko si Chester!"

"Mtb na kayo niyan?" Lily.

"Hindi ba? Kanina siya nakatama ng bola sakin tapos ngayon nakabangga ko siya. Galing diba!" Masaya kong sabi.

"Hay nako! Tara na nga. May hang over ka pa! Umuwi na tayo." Rima.

"Naman eh!"

"Ewan ko sayo tara na nga!" Lily.

"Btw, thank you sa pag alalay sakin kanina ha?" Inakbayan ko silang dalawa.

"Wala yun." Rima.

"Oo wala yun kahit di na kami nakapagkita na babe ko." Lily.

"Pero masokay sana kung siya na lang pinaghatid nyo sa akin sa clinic."

"Sira!" Sabay nilang sabi at palo sa akin. Natawa na lang ako sa kanila. Binuo nanaman ni Chester ang araw ko. Dalawang beses ko pa siyang naencounter!

Chester, tinamaan mo na talaga ako!

I Crush You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon