Five: Bonfire

26 0 0
                                    

Iris~

Weeks after nung birthday ni Tom. Ang saya saya lang dahil lagi nakong nginingitian ni Chester! Sa tuwing magkakasalubong sa school or mall. One time pa nga sa library parehas kami ng librong hihiramin kaso iisa na lang kaya ayun pinaubaya niya sa akin. Kilig ako dun!!

Dahil nga alam na ni Tom siya yung crush ko ayon lagi akong inaasar ng loko. Muntik na nga akong mabuking e. Kaya rin pala sila magkakakilala dahil pare parehas sila ng school nung high school. Magkakaibigan ganon pero masmatanda lang ng 4 na taon si Tom.

At alam nyo ba! Alam nyo ba! May activity kami ngayon at kateam ko si Chester! Ang meant to be diba? Ang feeler ko lang. Haha!

Info tech week kasi namin ngayon. May team building at isa siya sa mga kateam mates ko. Tsaka siya lang ang kakilala ko sa kateam mates ko. Galing kami sa iba't ibang year level at kaming dalawa lang yung mga first year.

"Good morning students! Today I am glad that maraming nagparticipate ngayon kaya for sure masaya. Not only activies are we going to have today but pati na rin pinakamasayang part ng araw nato ang bonfire party!" Announcement ng president ng CIT.

Naghiyawan naman ang estudyante. Nag excite sila pati tuloy ako. Balita ko din na eto yung pinakamasaya kasi nagsasama sama sa paligid ng bonfire, nagkakantahan, nagsasayawan, kwentuhan at nag iihaw pa nga daw ng marshmallow tapos minsan may nagcoconfess pa nga daw. May sabi sabi pa nga na pagnagconfess at nagkatuluyan kayo, kayo na daw forever. Sabay napatingin ako kay Chester at napatingin din siya sabay nagngitian kami. Kilig!

"Guys! Ang first station natin ay sa stage. Nandun ang first task namin kaya tara na!" Nagsipuntahan naman kaming lahat pagkasabi ng leader namin. Meron kaming 10 stations na pupuntahan at kailangan makipag unahan na matapos agad yun. Magkaiba iba kami ng mga stations na pupuntahan kaya walang magkakasabay sabay. Merong 7 groups at group 2 kami.

Pagkapunta namin ng stage inexplain agad sa amin yung gagawin. Habang nag eexplain hindi ko maiwasang hindi tignan si Chester. Kailan kaya ako kakausapin nito?

Mabilis naming natapos ang 1st station kaya nagsecond station na kami. Minsan pasimpleng tabi ako sa kanya. Hehez.

Hanggang sa mag station 5 na kami at ilang pagpapansin na rin ang nagawa ko di pa rin ako kinakausap. Pagod na pagod ako sa pinagawa sa amin sa station 6 kaya bumili ako ng tubig at omygosh kung pagpawisan tong si Chester ang hot! Umiwas ako ng tingin para hindi ko mapagnasahan este para di ko siya mapasin mahirap na.

Station 9 na kami at malapit na kaming matapos. Halos pumapangalawa kami. Hindi namin naiinda ang init at pagod dahil masaya naman. Naglalakad na kami papuntang station 10.

"Ang hot ko naman!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Lily.

"Masunog ka sana!" Natawa ako na binanatan siya nung kateam.

"Kinakausap kita?" Mataray niyang sabi.

"Ikaw sinasabihan ko?"

"Shut up monkey." Natatawa na lang ako sa kanila.

"Iris!!" Tawag niya sa akin. Kumaway naman ako.

"Ingay!" Reklamo nanaman nung kateam niya.

"You dont care."

"Sino yun ba't mo kaaway?" Lumapit siya sa akin at humawak sa braso ko. Humiwalay muna siya sa kateam niya.

"Unggoy kasi bwiset! Alam mo yung ang inet inet na! Tapos bibwisitin ka pa nung ganung tao! So annoying!" Inis na may pagmomorokolyo niyang sabi.

"Oh tubig imbes na mainis ka dyan." Abot ko sa kanya nung tubig.

"Aww. Thanks couz." Ngumiti ako sa kanya.

I Crush You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon