Seven: Friends

10 0 0
                                    

Iris~

"Uy tara na! Bike na tayo dali!" Aya ko kina Rima at Lily.

"I'm sleepy pa.." Lily.

"Una ka na. Nagugutom ako" Rima.

Kanina ko pa sila niyaya magbike e. Mga tamad pa. Maaga pa kasi. Mga 8am palang. Kakagising lang nagmovie marathon pa kasi kagabi bago matulog. Yesterday was really fun talaga. Hihi

"Ako na nga lang. Bahala kayo. Rima paheram bike ha."

"Go lang girl."

"Salamat!" Lumabas nako ng bahay nila at kinuha yung bike niya. Napalingon ako sa bahay nila Tom. Gising na kaya sila?

Nagbike ako paikot sa street nila. Ang lamig ng hangin. Ang refreshing nung feeling. Napapakanta tuloy ako ng malamig ang simoy ng hangin. Sana may pandesalan dito para pag uwi ko may almusal kami. San ba banda yun? Bike dito. Bike doon.

Teka may court pala dito? Ngayon ko lang nalibot yung street nila Rima e. Napahinto ako. May nagbabasketball. Parang kilala ko to.

Ay! Shax! Si Chester! Ang aga naman niya magbasketball. Mag isa niya lang? Ang galing niya pala magbasketball. Nashoot niya yung 3points! Ang galing!

Aalis na sana ako ng nakita niya ako. Lumapit siya ng kaunti.

"Iris?" Hala teka! Kinausap niya ako!

"Uyy! Nandito ka pala." Medyo nahihiya ako. Di lang halata.

"Ahh oo. Pampalipas oras. Tulog pa sila eh. Ikaw? Nagbabike?" Ang pogi niya talaga pagmalapitan!

"Oo. Naglilibot lang." Ang tipid ko sumagot.

"Aalis ka na ba?" Ang sarap pakinggan ng boses niya. Laging kalmado.

"Sana. Hehe. Ikaw?"

"Oo sabay na ako. Okay lang?" Sabay ngumiti siya. Okay na okay! Pwedeng pwede!

"O-okay lang. Tara" Sige Iris mautal ka!

Kinuha niya lang saglit yung bola ng basketball sabag nagsabay na kami. Isang lang ang masasabi ko.. Ang swerte ko!!

Habang naglalakad kami. (Naglalakad na ako tulak tulak yung bike para sabay talaga kami. Hihihi) Hindi kami nag uusap kaya medyo awkward. Ako ba una magsasalita? Ihhh. Nahihiya ako e.

"Sa CU ka rin ba nag aaral?" Parang nakahinga ako ng maluwag kasi sa wakas nagsalita na rin siya.

"Oo. Ikaw?" Kunwari di alam.

"Oo dun din. Anung course mo?"

"Information technology. Ikaw?"

"Computer science. Kaya pala parang pamilyar ka."

"Talaga?" Gusto kong takpan yung bibig ko pero di ko magawaaaaa

"Oo." Ngumiti siya, ngumiti din ako. Nagbublush nanaman ako. Anubuhhh.

Tahimik nanaman kami. Isip ng topic Iris, isip!

"Ano..."

"Hmm?"

"Alam mo ba kung saan yung pandesalan?" What a nice topic, Iris. Pero biglang nagbrighten up yung mukha ko ng natawa siya.

"Dun yun sa kabilang kanto. Bibili ka ba?"

"Oo. Sige salamat."

"Paborito mo ba ang pandesal?" Pano mo nalaman? Feeler ko!

"Oo favorite ko yun! Sinasawsaw ko pa nga yun sa hot chocolate eh."

I Crush You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon