Seventeen: Distance

4 0 0
                                    

Iris~

Friday ngayong araw nato. Isang pangkarinawang araw. Sa second floor pa din. Kahit sana sa malayo makita ko siya. Makita ko ang ngiti niya. Simula nung monday ko pa siya hindi kinakausap.. Nakadistansya ako sa kanya para makamove on na din ako at hindi ako maging hadlang sa kanila. Kahit mahirap kakayanin ko..

Ayan na sila. Magkasama at masaya sila. Nagpaalam na si Lira sa kanya. Masaya siya kasi magkikita ulit kayo mamayang hapon. Naalala ko tuloy nung crush lang kita. Masaya na ako makita ka lang. Okay lang ako kahit may kasama kang babae kasi crush lang naman kita e. Hindi katulad ngayon na masakit yung nararamdaman ko. Masakit kasi nagmamahal ako. Awat na nga! Kawawa naman tong second floor nagiging drama place ko na.

"Iris!" Syet that voice. Lumingon ako at nakita ko siya.

"Uy. Hi. Pasok nako. Bye." Dali dali akong umakyat ng hagdan kahit pa muntik akong madapa. Pwede bang wag ko muna siya makita please?

Minsan talaga natutupad yung mga hinihiling ko kasi hindi ko talaga siya nakita. Busy daw silang mga computer science ngayon. Namimiss ko naman tuloy siya.

"Iris? Iris? Uy!" Rima.

"Ha?"

"Kanina ka pa tahimik wala sa mundo. Nasaan ka ba?" Rima. Naglalakad kami papunta sa mall ngayon. Nagyaya si Tom na kakain at libre niya kasi first payday niya sa part time job niya.

"Wala.."

"May hindi talaga sinasabi sa amin Couz." Lily.

"Wala naman.. Pagod lang ako."

"Sure ka?" Rima. Tumango lang ako.

"Dont worry order ka na lang ng madami sa libre ni Tom." Lily.

Pagkadating namin kumpleto agad kami kaya pumunta na kami sa isang eat all you can. Binati ako ni Chester at ngitian ko lang siya. Ang daming masasarap na pagkain kaya kakain ako ng madami! Para kahit papaano mapawi tong pagkabroken hearted ko!

"Couz! Hinay hinay lang. Parang one year kang hindi nakakain." Lily.

"Girl hayaan mo na. Hindi naman tumataba yan."

"Iris, gusto mo? Meron pa ako oh." Alok ni Paul at kinuha ko yon.

"Eto pa oh. Wag ka mahiya." Kinuha ko din yun binigay ni Wayne.

"Iris okay ka pala kasama sa eat all you can. Eto pa oh." Kinuha ko din yung binigay ni Tom.

"Iris, blueberry cheesecake oh. Diba gusto mo to?" Waaaaa. Blueberry cheesecake! Napatingin ako kay Chester nakangiti siya.. Naiiyak ako. Ngayon ko na lang nakita yung ngiti niya.

"Okay na ako." Kahit gustong gusto ko na kunin yun hindi pwede. Ang sweet sweet pa nilang dalawa ni Lira. Ikakain ko na lang talaga to. Huhuhuhuhu

Dahil busog na busog ako lumabas muna ako para magburp at umutot. Grabe ang dami talaga ata ng nakain ko. Ang bigat ng tiyan ko! Sana hindi ako maempatso.

"Buuuurrrrppphhh" Hay sa wakas.

"Prrrttthhhhh" Shax ang baho!

Hay.. sa wakas lumuwag luwag din kahit papano tong tiyan ko. Sana yung puso ko din. Taon nanaman bago ako makamove on. Napansin kong papalabas sila Chester at Lira kaya nagtago muna ako sa bandang. Ayokong makita nila ako.

"Ches! Saan ka pupunta?" Lira.

"Hahanapin ko Iris. Ibibigay ko sa kanya tong saging. Good for digestion daw to e." Chester.

Aww. Ang sweet naman ni Chester kaso hindi ko pwedeng tanggapin yan e.

"Ganun ba. Gusto mo ako na lang magbigay?"

"Oh. Sige." Akala ko aalis na sila pero nagstay pa din sila dun.

"Ches, naalala mo pa ba nung first date natin? Sobrang dami nating nakain na seafood kaya napaaga tayong umuwi kasi sumakit tiyan natin?"

"Hahahaha. Oo nga e. Nakakatawa yun. Everytime nantatawag ako sayo hindi tumatagal yung call kasi nababanyo tayo."

"Naalala ko din yung may period ako tapos nagcrave ako ng crema gumawa ka para lang hindi ako magalit sayo."

"Oo naalala ko din yun. Nagpuyat ako at tinulungan ako ni mama sa paggawa nun." Ang sweet naman nila.. Ang saya pala ng relationship nila..

"Ches, sana katulad na lang tayo ng dati."

Omygosh! May uod sa paa ko! Kadiri! May uod! Tinakpan ko yung bibig ko para hindi ako tumili. Sinilip ko sila. Wala na sila.

"Aaaaahhh! Kaidiri! Kadiri!" Napatalon talon ako para maalis yung uod pero ang sticky!

"Aaaahhhh!"

"Iris? Anung nangyari sayo?" Si Chester!

"Kadiri may uod! Aaaah!"

"Ha? Wait. Wag kang gumalaw. Tatangalin ko." Hindi ako gumalaw. Lumuhod siya sa harap ko at tinanggal yung uod sa paa ko.

"Ayan wala na. Akala ko anung nangyari sayo. Takot ka pala sa uod. Hahaha!"

"S-salamat.." Napatingin ako kay Lira.. Umiwas agad ako ng tingin at naglakad papalayo.

"Wait. Iris! Saan ka pupunta?" Tumakbo ako papunta cr. Nagtago ako sa cubicle. Naiiyak ako.. Nakakainis..

Kahit anung gawin ko parang hadlang ako sa kanilang dalawa.. Ayokong masaktan si Lira. Kahit pa nasasaktan ako.

Iris, wag kang iiyak. Wag kang iiyak. Kaso hindi ko kayang pigilan e. Naiiyak talaga ako.. Para akong tanga pero masakit talaga.

Sun, moon can't be with you anymore.

I Crush You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon