Iris~
Etong mga to kanina pa text ng text. Usapan naman ng punta 3. Eh 2:30 pa lang. Malapit naman mga bahay namin. Chineck ko yung mga gamit ko. Shampoo, conditioner, sabon, tawas, toothpaste, toothbrush at panghilod okay na! Kala mo kung san pupunta eh kila Rima lang kami mag oover night. Wala naman na kaming pasok kasi Christmas break na. Kaya yolo na!
Lumabas na ako ng kwarto at nagpaalam na kay Mama at Dad.
"Iris mag iingat ka. May pagka tangi ka pa man din paminsan minsan" Di ko alam kung matutuwa ako o maaasar sa sinabi ni Dad e.
"Mana lang po ng pagka tangi sa inyo." Tumawa ako sa sinabi ko pero inambaan niya ako ng dyaryo na binabasa niya kanina. Nagmadali akong lumabas bago pa ako mahampas.
"Tumawag ka mamaya Iris ha!" Narinig kong sabi ni mama pagkalabas ko ng bahay.
Sumakay ako ng jeep papunta kila Rima. Pagkapunta ko sa kanila ang ingay sa loob ng bahay nila mga nagtatawanan. Rinig hanggang labas. Nagdoor bell ako. Lumabas si Rima at kumaway agad sa akin.
"Uyy! Tagal mo girl!" Pinagbuksan niya ako ng gate at tumuloy naman ako.
"Maaga pa kaya. Excited lang?"
"Mej! Mag oover night din si Tom sa bahay e."
"Wow. Edi masaya nga" Naexcite din ako sa sinabi niya kasi masaya si Tom e.
"Tara na!" Pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Nandito rin pala yung iba niyang pinsan kaya maingay. Nakikipaglaro kay Lily ng play station. Kakilala naman namin sila kaya medyo di nakakahiya.
"Hi Iris!"
"Hi Tom!"
"Tara laro tayo!"
"Hindi, magbebake kami kaya mamaya na." Sagot ni Rima.
"Anobayan. Sarapan nyo magbake ha!"
"Tapos ikaw lang kakain?"
"Oo! Bwahahahaha!" Natawa na lang ako sa tawa ni Tom. Binato siya ng unan ni Rima kaya ginantihan siya ni Tom pero nakailag si Rima. Napailing na lang ako sa dalawang to.
Pumunta na kaming kusina after nilang maggantihan. Niready nanamin yung gagamitin namin. Si Lily at Rima lang naman mahilig magbake taga tulong lang ako at kain lang ako.
"Iris, ikaw na lang maghalo nito ha."
"Okay." Binigay sa akin ni Lily yung hahaluin ko.
"Lagyan mo ng chocolate ha." Sabi naman ni Rima
"Sige damihan ko para masarap." Tuwang tuwa naman ako maglagay.
Isang katerba pang halo at lagay ang pinagawa nila sa akin. Joke unti lang naman. Madaming ek ek tong bake pero masaya naman. Nahinto lang kami sa pagbebake nung may nagdoor bell.
"Ako na!" Dali daling labas si Rima para tignan kung sino yun.
"Sino kaya yun?" Tanong ko kay Lily.
"Sila Chester." Nagpantig yung tenga ko sa narinig ko.
"Gaga! Di nga?"
"Oo nga!"
"Weeee? Baka nantitrip ka lang ha?"
"Mukha ba akong nantitrip?"
"Oo kaya!"
"Whatever! Let's go tignan natin ng maniwala ka!" Lumabas kami ng kusina para tignan kung sino yun.
Muntik ng lumuwa yung mata ko sa nakita ko! Shax! Sila Chester nga! Kasama sila Wayne at Paul. Omg omg omg!!

BINABASA MO ANG
I Crush You [Completed]
Teen FictionLahat tayo merong crush. Sino bang wala diba? Ako? I crush you.