Thirteen Part Two: Picnic

9 0 0
                                    

Iris~

Nagmumuni muni ako sa labas at nakaupo malapit sa lake. Tulog na silang lahat. 1:30am na rin at napagod silang magswimming. Hindi rin ako makatulog. Naiisip ko din si Lira. Nung sinabi niya na mahal niya si Chester. Hayy.. Pakiramdam ko hadlang ako sa love story nila.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa langit. Wow ang ganda ng mga stars. Sana palagi kami nandito kasi ang ganda dito. Fresh air at hindi mo akalaing lungsod. Naalala ko nanaman yung magkasama kami ni Chester kanina. Napapangiti ako pag naalala ko yun.

"Good midnight." Napatingin ako sa umupo sa tabi ko. Si Chester! Hala. Ang lakas ng tibok ng puso ko!

"Good midnight din."

"Hindi ako makatulog kasi lahat sila naghihilik." Natawa ako sa sinabi niya.

"Hindi rin ako makatulog kasi may iniisip ako."

"Sino?"

"Sino agad? Hahaha."

"Hmm.. oo kasi ganun naman diba pagmay iniisip kang tao hindi ka makatulog at hindi rin siya makatulog." Natawa ako sa sinabi niya. Kaya pala nandito siya. Haha!

"May alam ka palang ganun."

"Hahaha. Oo. Ganun kasi ako." Syempre si Lira ang iniisip niya. Natahimik lang ako.

"Kanina ka pa nandito?" Tanong niya.

"Oo. Siguro mga kalahating oras na."

"Hindi ka natakot lumabas mag isa?"

"Hindi. Bakit ikaw natatakot?"

"Oo."

"Seryoso?"

"Natatakot na baka mapahamak ka."

"Ano?" Yumuko ako kasi namumula nanaman ako! Jusme Chester. Bakit ka ganyan!

"Hahahaha. Kwentuhan muna tayo ha. Inaantok ka na ba?" Humiga siya at tumingin sa langit.

"H-hindi pa naman."

"Okay lang ba kung magkwento ka?"

"Ha? Ako? Ano ba gusto mong kwento?"

"Ikaw bahala." Nag isip naman ako ng kwento.

"Pwede ba magimbento?" Natawa siya.

"Sige." Ngumiti siya sa akin. Ngumiti din ako.

"Kwento ito ng araw at buwan. Magkaibag magkaiba sila dahil ang araw ay naninirahan sa umaga at ang buwan naman ay sa gabi. Hindi alam ng araw na may gusto sa kanya ang buwan. Gustong gusto niya malapitan ang araw ngunit niya magawa. Nasabi na lamang niya. Kahit kailan hindi na ata kita maaabot. Ngunit isang araw. Nagulat ang buwan dahil nakikita niya ang araw kahit hindi na gabi. Ng makita siya ng araw ay agad siyang nilapitan. Sinabi niya hindi ka maaaring maparito. Nalungkot ang buwan kaya siya ay umalis. Ngunit hindi sumuko ang buwan. Gabi gabi iniutusan niya ang mga bituin na pumatungo sa lugar ng araw kung sa ito laging sumisikat at humihiling na siya ay mapansin. Hanggang sa isang araw, nagkaroon ng eclipse. At doon sila nagkita. Hindi makapaniwala ang buwan na nahawakan niya ang araw. Sa wakas napansin na rin siya ng araw at tuwing may solar eclipse ang buwan at araw ay masayang nagmamahalan" Napatingin ako sa kanya. Nakaupo na pala siya at nakatingin sa akin.

"Yung shooting stars ba yung mga bituin na pumunta sa pinagsisikatan ng araw?"

"Oo, sila nga."

"Wow. Tara humiling din tayo."

Pumikit kami at humiling. May maihihiling pa ba ang buwan? Masaya na siya na nakakasama niya ang araw. Hindi na umaasa ang buwan na mamahalin siya nito dahil ang mahalaga masaya ang araw kahit hindi siya ang dahilan.

Sun, I love you to the moon and back.

I Crush You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon