ALAM NI SOFIA na wala siyang pag mamayari sa lugar na ityon kaya naman ang una niyang pinuntahan matapos ang kumprontasyong naganap sa kanila ni Archer ay sa tapat ng Condominium unit nito. Sa unit ni Hunter. Ilang beses siyang pauli ulit na nag doorbell hanggang sa isang hindi ina asahang tao ang bumukas sa pinto.
"Good morning maam, ano po iyon?"tanong nang isang babaeng buntis. Napakunit ang nuo ni Sofia kaya naman agad niyang ni Recheck ang pinto na naka lagay ang unit number at hindi siya nag kakamali na kay Hunter iyon.
Ngumiti siya pa balik sa babae ngunit na pansin nito na datapwat ngumiti ito ay may lungkot sa mga mata ng dalaga."Hello! Ako si Sofia. Nandyan ba si Hunter?"
Biglang nag iba ang ekspresyon ng babae at dali dali siyang pina pasok sa unit nito.
"Pasensya kana Sofia hindi kasi kita agad na kilala ikaw pala ang girlfriend ni Archer."sunod sunod nitong saad at pinanupo siya sa sofa.
Halos walang gamit ang naroroon maliban sa sofa, tv, refrigerator, rice cooker at microwave at mga kagamitan niya sa pag lilitrato dahil may isang mini studio siya sa luob ng unit nito.Napa isip minsan si Sofia dahil kaya pala halos doon si Hunter na tutulog sa unit ng kapatid e halos walang gamit sa unit nito.
"Malamig na tubig."saad ng babae nang i abot niya kay Sofia ang isang basong tubig. "Ako si Tin. Christina pero Tin ang tawag ng mga kaibigan ko sa akin ng mga kaibigan ko."saad nito at sinamahan siyang maupo sa sofa habang pinanuod niya ang isang palabas sa TV.
Napahimas din ito ng kanyang tiyan habang nag salita.
"Pasensya kana mamaya ng kaunti pa kasi ako mamimili ng grocery. Nabubos kasi ang grocery namin dito kaya malamig na Tubig ang nai bigay ko. Siya nga pala wala ba si Archer sa unit nito? Teka may naiwang spare key ata si Hunter." Saad nito at dahan dahang sanang tatayo ngunit pinigilan ni Sofia si Tin."Ay huwag, okay lang dumadalaw lang ako. Pasensya ka na rin hindi ko kasi inaakala na ikaw ang mag bubukas sa akin ng pinto Tin." Na hihiyang saad ni Sofia.
Kaya ba galit na galit si Archer nang nalaman niya na may babae nanaman inuwi si Hunter sa condominium unit niya? Kaya ba kapag nakikita niyang mag kasama kami ni Hunter na gagalit ito?
Hindi siya nag seselos.
Alam niya ang tungkol kay Tin dahil mukhang matagal na silang mag kaibigan."Ilang buwan na iyan?"tanong nito at malumanay lamang itong ngumiti.
"Five months."tipid na saad nito.
"Malaki nga siya para sa limang buwan."dagdag pa nito at mapaklang ngimiti. Iniba agad ng babae ang pinag uusapan nila."Siya nga pala Sofia, kamusta na kayo ni Archer? Matagal ko na rin kasing hindi na dadalaw siya. Kahapon lang ako dumating ngunit nasa Trabaho si Hunter sa isang Provincial Shooting."
" Mabuti naman. At nag kakamali ka hindi ko kasintahan si Archer, Tin."agad na saad ni Sofia.
Napangiti nalamang si Tin. Yung ngiti na abot mata ang ngiti."Hmmm, its complicated pala ika nga ng Facebook status ninyong dalawa."natatawang saad ni Tin. "Matagal ko nang kilala si Archer. Third year highschool palang kami mag kaklase na kami niyan. Ni minsan wala ako'ng nakilalang nakatapak na ibang babae sa bahay nila o sa Condominium niya alam mo ba? Si tita,pinsan niyang babae lamang ang naka pasok diyan. Ako noon papasok ngunit hindi niya ako pinayagan. Kaya napag kamalan kitang girlfriend niya."natatawang saad nito.
Ngiti lamang ang tinugon ni Sofia sa narinig.
Kaya ba galit na galit ito nang malaman niyang may pinapasok si Hunter sa unit nito na isang babae?
Hindi ko rin naman maaring sabihin sa kanya na si Hunter ang tumulong sa akin noon at baka mas lumalim pa ang usapan at malaman pa niya na minsan hinalikan ako ng boyfriend niya. Ayo kong mag away sila dahil mabait naman itong si Tin.Isang na kakabinging katahimikan ang namuo sa pagitan nila hang gang sa napag pasyahan ni Sofia na umalis.
Ayaw ko'ng makasira ng pamilya.
Iyon ang unang pumasok sa utak ni Sofia kapag nanatili siya sa unit na iyon.
"Hindi mo ba talaga aantayin si Archer? Malapit lang ang opisina nila rito---"hindi na pinatapos ni Sofia si Tin nang mag salita ito.
"Ay Hindi na Tin. Kailangan ko na kasing umalis. Napasyal lamang ako rito. It's nice meeting you ngunit kailangan ko na talagang umalis."pag sisinungaling nito sa dalaga."Oh siya sige, ingat ka!"
Ngumiti ng malungkot si Sofia kay Tin hanggang sa tuluyan na siyang umalis sa lugar na iyon.Mabigat man sa luob ngunit kailangan niyang lamunin ang pride nito.
Mabigat sa loob na umalis doon si Sofia at sumakay sa Taxi papauwi.
Habang naka upo siya sa Taxi hindi parin ma ikatwa ninSofia ang mga salitang binitawan ni Archer na tumatak sa isip at pagka tao niya.Hindi siya pwedeng mag Commute dahil baka kulangin ang dala nitong pera ngunit kapag taxi maari niyang bayaran iyon pag dating sa Gate ng bahay nila.
"Mmy, Ddy sorry."
Iyan ang unnag nasabi ni Sofia nang maka uwi ito ng kanilang bahay.
Agad na sinalubong siya ng kanyang ina. Niyapos niya ang anay at napaiyak ito gawa ng buong pusong pag alala.
"Yaya Meding paki abot nito sa taxi driver." Malamig ang boses ng ama ni Sofia na inabutan ng dalawang libo ang kasam bahay upang bayaran ang taxi.
"Ddy..."
Lumapit si Sofia sa anak nang biglang sinampal siya ng ama dahilan upang mapa upo siya sa malamit na sahig."Hontario!!"suway ng ginang at pumagitna ito sa dalawa.
"Cindy, hindi ko ni minsan pinag buhatan ng kamay ang anak natin ngayon lang! Sobra sobra ang pag mamahal na ibinigay namin sa iyo ng Mommy mo! Pinag aral ka sa isang kilalang exclusive international school ibinigay lahat ng luho dahil sa pag mamahal namin sa iyo ngunit ano? Ito ang isusukli mo sa amin ng ina mo?"
Napaiyak si Sofia hindi dahil sa sinabi ng Daddy niya o sa sampal na iyon. Naiyak siya dahil na pag tanto niya kung gaano siya ka selfish bilang isang anak.
"Lahat lahat Sofia! You are blaming us that we are trapping you for marriage or making you a collateral ? Alam mo ba ang pinag sasabi mo? Have you even come to your senses? Lumayas ka, pinag alala mo kami dahil lang sa katwiran na ayaw mong makipag kita o makipag usap sa isa sa mga Potential Investors? Ano'ng silbe ng Degree mo sa kolehiyo? Human Resource Management and Tourism. E sana nag computer related courses ka nalang dahil araw o gabi ayun dutdot ka ng dutdot sa walang silbi mong computer at manuod ng Kdrama!"sigaw ng ama nito sa kanya.
"Yun lang ang hiniling namin sa iyo ng Mommy mo Sofia. Talk with our investors. You want your freedom and independence as your generation ask for but you want it at your comfort zone, then try WORKING! Let the value of hard work gives you freedom that you seek for!"
Pagpupuyos na sigaw ng ama nito sa kanya."Cindy. Kausapin mo yang anak mo!"saad nito sa asawa at napa hawak ng batok sinyales na tumaas nanaman ang Blood pressure niya dahil sa hinanakit.
Just like that, humagulgol ng iyak si Sofia yakap yakap sa ina.
💥💥💥💥💥
Vote
Comments
Share
BINABASA MO ANG
BellAmore
RomanceIsang kwentong nabuo dahil nakalimutan kong suotin ang aking Bra. Sofia Chivas mag sisimula ang kwento sa isang makulimlim na gabi nang napag tagumpayan niyang makatakas sa kanilang bahay SANA ngunit sa kasamaang palad na huli siya ng kanilang maid...