.1.

123 8 6
                                    

"Atchuuu! Atchu!"sunod sunod na pag bahin ni Sofia.

"Mag kakasakit ata ako." Saad nito sa sarili habang nakatingin sa malayo.

Nakahiga siya sa isang di pamilyar na silid. Ang silid ng isang taong tumulong sa kanyang pag takas mula sa kanyang pamilya.

Walang Cellphone
Limang libo'ng cash
Nag iisang pares ng damit at salawal.

Agad niya itong nilabhan at sinampay sa terasa ng kanyang tinutulugang silid.

"Paano na ako bukas?"
Matiim na napaisip na lamang si Sofia habang nasakawalan. Unti unting hinugot pababa ang kanyang talukap mata kanggang sa tuluyan na siyang makatulog.

KINABUKASAN....

Ilang beses nang may kumakatok mula sa labas ng silid ng lalaki si Sofia.

Nag pa ikot ikot muna siya sa penthouse unit ng lalaki at halos mapaluwa ito sa laki at ganda ng unit.

Ngayon pa lamang niya nakita ang ganda ng syodad na hindi lalayuan sa kanila.

Isang napaka lawak na bulkana ang natatanaw nito dahil na tatabunan lamang ito ng salaming kristal mula sa taas hanggang baba bilang kanyang pader.

Nakita na rin niya ang ganda ng lugar na kina titirikan noon dahil isang bulkana na natatabunan ng kristal na pinto at napapalibutan ng malalaking tubo'ng metal.

Ang gara din at malawak na deremote na mga kurtina.

Agad na tumigin ulit si Sofia sa bahay at halos walang mga gamit roon maliban sa kanyang sala na may isang mapaka laking 64 curve wall screen smart TV.

Ang dominanteng kulay ng kabahayan ay puti at matingkad na amarilyo ang sahig.

Ni isang litrato ng lalaki ay walang naka tanghal sa kanyang bulwagan.

May isang aparador na kristal na nakapatong ang iba't ibang trupeyo mula sa iba't-ibang business establishments na hindi na niya nilapitan upang basahin.

Tunay nang kagila gilalas na pinalaki ang lalaki ng kanyang mga magulang ngunit ni isang litrato ay wala manlang siya noon.

Ma sasabing bago't luma ang kanyang bahay.

Luma sa kadahilanang may mangilan ngilang sulok ng bahay ang halatang pina kumpuni na at na babakasan ng pag kaiba mula sa dating kulay na.

Bago sa kadahilanang halos walang nakalagay na gamit sa lugar na iyon. Mukhang parang isang bahay na bagong bili. Wala talagang pag kakaiba.

Lalaking lalaki.

Wala naman akong nakitang wedding ring kagabi nang kumain kami kaya malamang isa siyang binata. At kung may asawa man siya hindi ba na rarapat na laging may wedding pictures akong makikita lagi o  iisang babae ang bubungad sa amin kagabi pero wala.

Binalikan ni Sofia ang pinto na silid ng lalaki.

Bakit ba hindi manlamang niya nagawang itanong ang pangalan niya?

“Ser! Ser! Ser! Tao po!!!!” sigaw na nito mula sa labas ngunit isang kalabog ang narinig niya mula sa loob.

Nagkaroon siya ng lakas ng loob upang pihitin ang seradora ng pinto.

“SER??” Tawag agad nito nang makapasok siya dahil hindi manlang naka Lock ang pinto ng silid.
Nagulat na lamang ako nang makita ko siyang nakaupo sa sahig ng kanyang kama na nababalutan ng kumot.

BellAmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon