12

32 0 0
                                    

"Hoy, Sofia, ano'ng nang yari sa iyo at na tulala ka dyan? Kahapon kapa ganyan. Siya nga pala Congratulations! Na promote ka ni hindi ka manlang nagpa chibog! Libre ka naman girl!"
Pang gugulo ni Vig kasama si Dino nang maka pasok ito sa bagong Office ni Sofia as the new Department Head.

"Oo nga naman. Dami na suguro'ng galit sa iyo girl una si Kamahalan ngayon si Sir Matthew ang na kemekeme mo! Congratulations Department Head! Bilib talaga kami sa pag salba mo sa company natin! Akalain mo yun na kumbinsi mo ang mga Blacks na makipag sosyo sa T&T corp! Bongga!"eksahiradang saad ni Dino este DINA.

Nanatiling tahimik si Sofia habang nag sasalita ang dalawa sa kanyang harapan pilit na winawagsi ang mga nang yari makalipas ang Gala Event na iyon.

Teka, ano ba kasi ang nang yari?
Nasaan si King....hala huwag naman sana!

"Earth girl! Sofia naman. Nag ala Hagardo Versosa na ako sa kaka Keme ng pag sasalita dito hindi ka naman na kikinig."
Reklamo ni Dino.

Natatawa naman si Vig sa kaartehan ng katrabaho.

"Teka nga, nakita ba ninyo si King?"pag uusisa ni Sofia at kaagad namang sumagot ang baklang si Dino.

"Luh, bakit mo hina hanap si Kamahalan? Akala ko ba kayo ang date kelan lang?"

Ay! Hala mukhang tama ang agam agam ko ah! Nako naman! Saan naman nila pinatapon ang bangkay ni King?
Ay kasalanan ko ito eh!

"AWOL na ang status ni King alam nyo yun. Isang araw nalang may memo na yun sa HR. Hindi pa ba ninyo na kikita si king?"

Tanong ni Sofia sa mga ito nang biglang may nag salita mula sa kanyang likuran.

"Sino'ng AWOL?"

"King!" Eksahiradang saad ng tatlo na tila ba na buking sa pakikipag marites mode ng mga ito.

Ngumiti si Sofia habang palihim na sinuri ang kamay ni King.

"Buhay ka."wala sa isip na saad ni Sofia na kina ismid ni King.

"Natural."

"Anong nang yari sa iyo at bakit mo ako iniwa---"
Agad na tinaas ni King ang kamay sa pagitan nila at nag salita.

"Ilang beses kitang kinatok. Mukhang hindi mo ako narinig hanggang sa wala na ako'ng nagawa nang pilit akong pinaalis ng mga tauhan ng Blacks. Hindi lang ako nag paparamdam dahil ako na ulit ang PR. Congratulations sa Promotion mo."
Napamangha ang tatlo sa sinabi ni King hindi mapigilan ni Vig na mag kumento.

"Iyun ang pinaka mahabang sinabi ni King simula nang mag trabaho ako rito."
Natawa ang dalawa sa sinabi ni Vig habang si King naman ay may ibinigay na papeles kay Sofia.

"Current update iyan at baka kailanganin mo para sa Meeting with Yzabelle Blacks mamaya. "

Napa tampa ng uli si Sofia dahil dito.

BellAmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon