20

11 1 0
                                    

Naimulat ni Sofia ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang puting kisame. Akala niya ay nasa dressing room area lamang ito ngunit napag tanto niya na nasa ospital siya nang makita niya ang naka kabit na suwero sa kanyang kamay at nilapitan siya nang nag aalalang ina at ama.

"Sofia? Anak, kamusta na ang pakiramdam mo?" Buong pag alalang tanong nang ina nito habang ang ama naman niya ay naka hawak sa kamay niya sa tabi ng ina.

"Kinunan ka kanina ng blood sample ng nurse. Sabi kanina sa amin ng doctor kailangan ka muna nilang obserbahan dahil halos kalahating araw kang walang malay." Saad ni Hontario Chivas ang kanyang ama.

"Thank you mo Ddy, medyo inaantok pa ako..."saad ni Sofia habang unti unting pinipikit ang mga mata.

"Sya sige matulog ka muna at gigisingin ka namin pag bumalik na ang doktor."saad ng ama nito.

"Cindy, pag pahingahin muna natin ang bata kaka gising lang."ina lalayan niya ang asawa na maupo sa katabing sofa sa silid.
Napa hinga na lamang si Sofia ng ma lalim at napa buga nang hangin.

Wala naman siyang magawa kahit gustohin pa niya na umuwi.

"Bakit ba kasi ang tagal ng blood results na iyon Hontario. Na tatakot akong manatili rito ang anak ko. Paano kung subrang hirap na talaga ng trabaho niya doon sa kumpanya mo at hindi na kaya ng katawan niya iyon? Mabuti siguro ibigay mo nalang sa iba ang pag papamahala."
Saad ng ginang sa asawa.
Napailing naman ang matanda.

"Mmy, si Sofia lang ang kaisa isang anak natin at maasahan natin ngayon lalu na sa panahon ngayon at nasabingit ng krisis ang kumpanya. Kung ibibigay iyon sa ibang tao, mas mabuti na sa ka pamilya."

Napabuga ng hangin ang ginang.

"Tutulungan siya ng mga Bellamore sa kaling matuloy ang kasal siguro ay maari ko nang ibigay ang pamamahala sa kanya." Saad ng ama.

Lingid sa kaalaman ng dalawa, tahimik na naka pikit at nakikinig si Sofia sa usapan ng kanyang magulang.

"Malaki ang tiwala ko sa mga Bellamore, sa pag iimbistiga ko na laman ko na matino ang papangasawahin ng ating anak at higit sa lahat ma aalagaan niya si Sofia. Cindy, yun lang naman ang gusto natin sa bata ang maging masaya siya at tahimik na buhay may asawa. "

Napatango ang ginang.

"Batid ko rin iyon. Alam kong pormal ang kanilang pamilya. Noong una akala ko rin ay bastardong anak yung si Archer iyon pala ay namantay ang ina nito at pinalaki naman ng maayos ng kanyang madrasta. Nakilala ko rin ang pamilya nila noong nakaraang mga araw noong sinundo tayo ni Archer sa bahay. Sana lamang ay magkasundo din sila ni Sofia dahil kung ako ang tatanungin, matino'ng tao naman ang lalaki na yaon at maganda rin ang pag uugali."

Gusto sanang sumagot ni Sofia ngunit pinigilan niya ang sarili.

'Ay oo matino si Archer.'sarkasmong saad ng kanyang utak.
'Matinong mahilig! Pormal? Ni simpleng email hindi nga niya magawa. Baka patay na nga iyon!'
Dagdag pa ng kanyang utak.

MATAPOS ang ilang oras na pag hihintay, kakatapos lamang mag tanghalian ni Sofia nang dumating ang doctor dala ang isang chart.

"Doc, kamusta po ang resulta nang anak ko? Kailan po siya ma kaka alis rito?"

Ngumiti ito sa mga tao roon bago nag salita.

"Huwag po kayong mag alala maam, naipagawa ko na sa station ang discharge. Narito na ang results mo. Congratulations Misis, nasa unang trimester ikaw nang pag bubuntis kaya dala iyon din ng pagod siguro at nahimatay ka pero huwag kang nag alala ngayon din ay discharge kana. Regular check up sa OB at vitamins at Folic acid ang binigay kong reseta sa iyo para sa formation ng bata. Oh sya mauna na ako. "

Halos ma bingi si Sofia sa sinabi nang doktor at na tauhan nalamang siya nang naisara nito ang pinto palabas.

Isang sampal ang natanggap ni Sofia nang maka alis ang doktor na siya namang kinagulat ng ama nito.

"Cindy!"pag suway nito sa galit na galit na esposa.

"Alam ko'ng nag rerebelde ka sa amin ng daddy mo Sofia, pero bakit ganito ang ginawa mo? Nag kulang ba ako sa pag dedesiplina at naging pakawala ka o sadyang sinadya mo lang lahat nang ito upang galitin kami? Ang selfish noon anak. Sino ang ama niya'ng dinadala mo?!" Galit na saad ng ina.

Napatahimik si Sofia sa mga sinabi niya roon na hindi parin makapaniwala sa mga nang yayari.

"Ano ba Cindy, tignan mo nga ang anak mo buntis na nga ganyan pa mabuti pa ako nalamg rito muna."
Saad ni Hontario sa asawa ngunit galit parin si Cindy Chivas.

"Kaya nag kaka ganyan yan kinukunsinti mo! Hala mag sama kayo'ng mag ama! Hindi ko kukunsintihin ang mga ito. Ilang buwan nalang at ikakasal ka sa simbahan pero ito ang nang yayari. Kung kukunsintihin mo yang anak mo, at least spare Bellamore the truth. Dahil hindi lahat nang lalaki kayang tanggapin ang anak ng iba sa magiging asawa nila."saad nito at umalis dala ang bag nito.

Minabuti ni Cindy Chivas na siya na lamang ang mag aasikaso nang discharge ng anak kaysa sa manatili roon.

HABANG tahimik na hinintay ni Hontario Chivas ang anak na mag salita.

"Sorry po ddy."saad ni Sofia at humagulgol ito ng iyak.

Hindi niya mapag tanto kung ma tutuwa ba siya o ma lulungkot.

Inalo ng ama ang anak ngunit napapikit na lamang si Sofia at napa iyak. Isang bagay pa ilang aran nang hindi nag paparamdam si Archer sa kanya. Ilang beses na niya itong tinawagan ngunit hindi parin ma reach. Nag email siya ngunit walang sumasagot at ngayon nalaman pa nito na buntis siya.

Ang dami nang na iisip na hindi maganda ni Sofia.

'What if iwanan niya ako?'
'What if pag sinabi kong buntis ako iiwas lang siya gaya nang hindi pag paparamdam nito sa akin ng ilang araw , o lingo?'
'What if ganti ito ni Archer dahil sa na gawa ko noon?'
'What if...lahat ng ito dahil lamang sa trabaho at negosyo niya?'
'Anong gagawin ko? Hindi pa ako handa maging ina.'
Saad ng utak ni Sofia.

TINANONG ulit siya ng ama nang maka uwi siya sa kanyang Condominium ngunit walang nasagot si Sofia sa ama habang galit namang nanatili ang ina sa sasakyan.

"Umalis na tayo Hontario at mukhang kaya na iyan nang anak mo. Nakaya niyang mag pabuntis sa kun sinong lalaki habang may kasunduan siya na mag pakasal sa isa. "Suway ng ginang sa esposo nang ihatid siya nito.

Nanatiling tahimik si Sofia dahil alam nito na galit na galit na ang kanyang ina at ama dahil sa nang yari.

Kung bakit hindi niya na isip na maging maingat sa sarili.
Hindi rin niya kayang sabihin sa magulang na si Archer ang ama ng dinadala nito dahil mas ikagagalit nila iyon at mas malaking eskandalo ang mang yayari. Kilala niya ang kanyang ina na si Cindy, hindi nito papalampasin ang ginawa ng lalaki kung saka sakali man.

Napatingin na lamang si Sofia sa paalis na sasakyan nang mga magulang.

Napahawak na lamang siya sa kanyang puson habang pumasok sa  elevator.

Vote
Comment
Share

BellAmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon