CHAPTER 19

4.6K 51 0
                                    


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung paano ko pilipitin ang mga daliri sa kamay ko sa sobrang kaba, takot at panghihina ang nararamdaman ko ngayon. Lahat na yata ng mga santo na alam ko ay nabanggit ko na sa aking panalangin.

Lulan kami ng sasakyan ni Kaide at binabagtas namin ang daan patungong ospital.

Hindi ko na rin matandaan kung paano nakayanan na tanggapin ng aking isipan ang mga katagang aking narinig mula kay Monti kanina. Nagpapasalamat ako at naging maagap sila na alalayan ako sa aking pagkabigla.

Si Marko nasa bingit ng kamatayan at ako ang hinahanap. Bakit nagkaganito? Bakit kailangang maging ganito ang kalalabasan ng kapalaran namin ni Marko.

Kung sanang sa simula pa lang ay mas pinili ko nang makinig sa aking puso. Kung sanang noon pa ay ipinaalam ko na ang nararamdaman ko sa lalaking pinaglaanan ko ng pagmamahal. Kung sanang noon pa ay sinabi ko na sa kanya na magkakaanak na kami, hindi na sana siguro mangyayari pa ang ganito.

Kanina pa tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. Nasasaktan ako at nagsisisi. Kung maibabalik ko lang sana ang lahat, baka iba ang magiging kapalaran ko sa buhay.

Nakita ko sa mga mata ng dalawang kasama ko ang pag aalala nila na baka may mangyaring masama sa akin lalo't ako'y buntis.

Pasulyap sulyap sa rearview mirror ng sasakyan si Kaide na tila nananantya kung okay pa ba ako. Tahimik namang nakaupo lang sa passenger's seat si Monti.

"We are really sorry for this mess Miss Lucie." Pahinging paumanhin ni Kaide na tila nagi-guilty sa nangyayari.

"Malapit na tayo sa hospital." Rinig kong sambit ni Monti.

Bahagya akong napalingon sa bintana at tanaw na ang malaking sign ng hospital. Dela Torre Medical Hospital. Tila nadoble pa sa bilis ng kabog ang pintig ng aking dibdib. Natatakot ako.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan. Anak ko, kayanin natin to please.

Nakita kong napalingon ng saglit si Kaide. Nanlalaki ang kabadong mata nito habang nakatingin sa bandang tiyan ko.

"Damn it!" dinig kong bigkas niya

"Tangna talaga!" biglang mura ni Monti sabay baling sa cellphone na hawak na tila pagalit na nagtipa ng mensahe.

"Okay ka lang ba Miss Lucie?" nag aalalang tanong ni Kaide.

"Dapat talaga hindi na natin ito ginawa." Tila nagsisisi pang bulong ni Monti.

"Mauuna pa kaming mamamatay kapag may nangyaring masama sa anak ninyo ni Del Mundo." Naiiling na tugon ni Kaide.

Rinig ko ang marahas na buntong hininga ng dalawa.

Sa totoo lang ay hindi ko na talaga pansin at iniintindi ang mga sinasabi nila. Wala na ako sa tamang pag-iisip. Sa sobrang pag aalala ko kay Marko ay hindi ko na kayang mag isip pa ng kung anu-ano.

Maingat nila akong inalalayan hanggang sa makapasok kami sa ospital. Iginiya nila ako patungong elevator at pinindot ang botton kung saang floor nakaadmit si marko.

Habang palapit nang palapit ang oras na makikita ko siya ay lalong palakas nang palakas ang kabog at tambol ng aking dibdib.

Panginoon, maawa po Kayo kay Marko. Ingatan po ninyo siya. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya at iiwanan kaming dalawa ng magiging anak namin.

Namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng isang pintuan, sa hula ko ay nasa loob niyon si Marko.

Unti unting binuksan ni Kaide ang pinto at mula sa pagkakabungad nito ay nakita ko ang kama at nakaratay roon si Marko!

That One Week of PleasureWhere stories live. Discover now