I saw him looking and carefully examining my humble abode.
Alam ko naman na hindi kasing gara o laki ng bahay ko ang bahay niya o mansion, kaya medyo naiilang ako at nagdalawang isip noong mapagpasyahan niya na dito muna siya sa aking bahay manirahan na sinegundahan pa ng kaniyang mga kaibigan lalo na si Luna.
Nais daw niyang kilalanin ako ng husto upang mapadali ang pagbabalik ng kaniyang ala-ala. Kahapon pa naunang dumating dito sa bahay ang mga gamit ni Marko na ipinadala ni Luna. Kanina ay pinayagan na siya ni Dr. Pascual na makalabas na ng ospital.
"Mag-isa mo lang bang nakatira dito?" napapitlag ako ng bigla siyang nagtanong. Ganda kasi ng boses niya, ang sexy.
Tumango lang ako bilang tugon sa kaniyang tanong. "Once a week dumarating si Aling Nelia para maglinis ng bahay. Yung mga maruruming damit, tuwing off ko sa Saccharine dun ko nilalabhan, kapag hindi kaya sa schedule ay may laundry shop naman sa malapit." Nakita ko pang mataman siyang nakikinig sa akin.
"Kumakain ka ba?" nakakunot ang noo niyang tanong. "Don't worry, from now on, I'll cook your breakfast." Kampante niyang wika, naalala ko pa noong nasa isla kami, siya ang madalas na nagluluto ng agahan. Palagi na lang akong puyat at pagod nuon, pagod sa mga ginagawa namin tuwing gabi.
Ipinilig ko ang aking ulo, ano ba naman yan? Anu-ano na ang naalala ko! Nakakahiya naman kay Marko na hindi man lang makaalala sa mga pinaggagagawa namin sa nakaraan.
Napangiti ako ng bahagya, daig pa kasi namin ang bagong kasal na nagpaplano na kung paano ang magiging set up sa pagsasama namin sa iisang bubong.
"Okay, thank you. Nga pala yung mga gamit mo nasa kwarto na." naalala kong bigla "Hmmm, kung gusto mo munang mahiga at matulog, ituturo ko sa iyo kung nasaan banda yung room."
Nakita kong napatango siya, siguro ay nais din niyang magpahinga. Gusto ko rin naman munang marelax siya rito sa bahay, gusto ko ring magluto ng aming hapunan. Bilin kasi ng doctor na dapat sa tamang oras ang pag inom niya ng mga gamot at kailangan na busog siya bago mag-take ng medicine.
Tatlo ang kwarto ng bahay ng aking yumaong mga magulang, ang master bedroom na hindi ko pa pinapagamit kahit lagpas na ng isang taon silang wala, ang kwarto ko at isang guest room. Doon sa guest room ko dinala si Marko, dito lang din iyon sa unang palapag ng bahay, yung dalawa kasing kwarto ay nasa second floor.
Pinakiusapan ko si Aling Nelia na linisin ang guestroom at ayusin ang mga gamit nito sa cabinet. Mabilis na pinasadahan ng tingin ni Marko ang magiging kwarto niya.
Mukha namang nagustuhan niya ang simpleng ayos ng silid. Nakita ko pang binuksan niya ang cabinet at naroroon ang mga damit at iba pa niyang gamit na maayos na naisalansan ni Aling Nelia.
"Where's your clothes ?" todo salubong ang mga kilay niya nang humarap sa akin.
"Nasa kwarto ko? Sa second floor." napapamaang kong saad.
I saw him sigh, nakikita ko ang hindi makapaniwalang titig niya sa akin.
"Woman, do you know the reason why I am here?" masungit niyang birada
Wala sa sariling naikamot ko ang aking leeg. Hindi ko kasi mawari kung anong klaseng tanong ang namutawi sa labi ni Marko.
"Let me remind you that I am here to know you better and you must help me find my lost memory." Mukhang nagpipigil lang siyang magalit pero kita naman sa mga panga niya na nanigas.
"I am willing to help you naman Marko." Nahihiya kong saad
"Well you're not helping me!" mataas na ang tinig niya, medyo asar na si Marko. Ang bilis naman mag-init ng ulo ng taong ito ba! Nakakalimutan kaya niya na ako ang buntis at ako ang mas may karapatan na mag moodswing!
YOU ARE READING
That One Week of Pleasure
General FictionShe needs to look for the perfect person for her perfect plan. Magpapabuntis siya sa lalaking makikita niyang tutugma sa mga qualifications na gusto niya. The hell she cares about her virginity.